S.S.37 #Friendship

227 8 0
                                        



Melca's Place...

Laking gulat naman nina Melca nang dumating si Shermayne na dala na halos ang mga gamit. Sinulyapan pa nga nila ito nang kausapin si Mang Jonas na s'yang naghatid kay Shermayne. Pinaalalahanan kasi nitong 'wag na 'wag mababanggit ang tungkol sa pagdala n'ya ng mga gamit n'ya dito kina Melca.

"Ano? Bumalik na 'yong girlfriend ni Ranier?" sabay pang tanong nina Melca at Joy sa kanya na tinanguan n'ya lang tanda ng pagsang-ayon.

"Ano ng mangyayari sa inyo n'yan?" tila naman nag-aalala si Melca sa ibinalita n'ya.

"Kaya nga dala ko na ang mga gamit ko dito ei. Iiwanan ko na s'ya."

"Huh?" bulalas ni Joy.

"Alam naman na ba n'ya na iiwan mo na s'ya?" si Melca ulit sa pinakakalmadong tinig nito.

Umiling lang s'ya pero nagsalita din. "Kakausapin ko pa lang s'ya then after that pupunta ako ng Cavite and I'll talk to Mamzy and explain everything to her specially about the fake marriage contract."

"Ikaw lang?" muli si Joy in an exaggerated tone. She nodded.

"No! Hindi lang dapat ikaw ang magpaliwanag! Dapat kayong dalawa." Ani Melca.

"Tama! Dapat kasama mo s'ya!" napalingon sila sa nagsalita. Hindi nila inasahang darating 'yon.

"Ivy!" bulalas nilang tatlo saka sabay-sabay na sumalubong dito. Kanya-kanya sila ng yakap na ginantihan din naman nito ng yakap.

"Narinig ko pinag-usapan n'yo. Ano sugurin ko na ba?" pabirong hirit pa nito na halata namang pinangingiti lang s'ya.

"Pilya!" pinitik n'ya ang tenga ni Ivy na parang bata namang kinamot noon.

"Bakit nandito ka?" si Melca seryosong mukha pa rin.

"Hala! Ayaw mo?" pabirong sagot ni Ivy sa tanong noon. Hinayaan naman ni Melca ito ng pitik kaya umakto naman itong tila sumusuko na.

"I'm back for good. Hindi ko na rin naman kayang mag-stay sa Cebu. Hindi na rin siguro ako kinaya ng mga tao doon kaya pinayagan na ako. Pansin ko ngang dumami lang lalo ang white hair ni uncle." Anito saka hinagalpakan pa ng tawa. Masama naman ang tingin ng mga nila dito.

"Teka. Kung bumalik na 'yong girlfriend n'ya eh dapat nag-uusap na kayo. Hindi sa kumakampi ako sa peke mong asawa kaso hindi naman maganda kung basta na lang n'yang malalamang wala na pala 'yong mga gamit mo doon. You still have to talk to him formally." Nagkatinginan naman sila sa tinuran ni Ivy. Hindi nila inasahang manggagaling ang mga katagang 'yon sa bibig nito. Mukhang may napala naman ang pag-stay nito ng seven months sa Cebu.

"Gagawin ko naman yon eh." Biglang nagkaroon ng seryosong ambiance. "Pero bago ang lahat dapat magkaroon na muna tayo ng welcome party para sa'yo at para sa'kin." Sabay bago nito sa usapan.

"Oo nga! Oo nga!" sang-ayon naman ni Joy na parang bata. Pinitik naman niMelca ang tenga nito.

"Tsk! Basta party d'yan ka magaling." Ani Melca.

"Eh kesa naman sa'yo walang kaart-art sa katawan. Kahit party tinatanggihan." Birong saad nito. Nagtawanan naman sila sa tinuran ni Joy.

"Teka eh si little rain, asan na?" bago ni Melca sa usapan nang maalala ang asong alaga nila ni Ranier.

Bumuntong-hininga s'ya. "Naalala mo 'yong batang nakasalubong natin sa park last time na pumunta tayo doon? Diba gustong-gusto n'ya si Little Rain, nakita ko ulit s'ya nong isang araw kaya ayon ibinigay ko na as a gift si little rain." Malungkot ang pagkakasabi n'ya kasi nga labag sa kalooban n'ya ang ginawa pero 'yon na lang kasi ang naiisip n'yang paraan. Kailangang simulant na n'yang alisin lahat ng bagay na pwedeng makapagpaalala sa kanya kay Ranier. Kahit nga mismong sing-sing nila itinago na n'ya. Nakita n'ya naming sabay-sabay ring napabuntong-hininga ang mga 'yon. Pinilit n'yag ngumiti.

"Joy alam mo hindi bagay sa'yo ang mukhang ganan. Naku pag nakita ni Kuya Jayson 'yan wala ka ng pag-asa." Biro pa n'ya na nakapagpagaan sa ambyans. Nagtawanan ang mga 'yon sa tinuran n'ya.

Namiss n'ya ang mga kaibigan n'ya at 'yong tawanang 'yon. Finally, mukhang balik na nga ulit ang dati sa lahat. Sa videoke bar sila pumunta and they sing their heart out. Medyo talagang nakakabasag lang ng eardrum kasi hindi naman talaga maganda ang mga boses nila lalo na si Ivy. Sadyang ganda lang ang mayroon sila. Pasado alas kwatro ng hapon na nang magpasya silang umuwi. Ang mga kaibigan nila sa bahay ni Melca at s'ya naman sa bahay ni Ranier. Hindi na s'ya nagpahatid pa sa mga 'yon.

  

To be continued...

...

namiss ko 'yong mga kaibigan ko..huhu..

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon