Panay ang sulyap ni Ranier sa wristwatch n'ya habang si Jake naman ay panay rin ang sulyap sa kanya mula sa kabilang mesa. Hindi pa rin sila umo-order. Kanina pa sila doon at halatang inip na inip na si Ranier sa paghihintay. Alas onse ng mahigit pero wala pa rin ang kanina pa nilang hinihintay. Tahimik na lang na napapamura si Ranier dahil first time na nangyari 'yon sa kanya-ang maghintay ng halos dalawang oras.
Saktong 11:45 nang mula sa pintuan ng restaurant ay makita nito ang kanina pa nilang hinihintay. Kumaway naman si Jake sa mga 'yon para malaman ng mga 'yon ang kinaroroonan nila.
"Sorry na-" hindi na naituloy pa ni Shermayne ang sasabihin nang tumayo si Ranier at magsalita.
"Alas nuebe ang usapan diba?" medyo napalakas ang boses nito pero nagtimpi rin nang mapansing tumingin sa kinaroroonan nila ang ilang customer na naroroon.
Kinapitan naman ni Joy ang kamay ni Shermayne dahil sa gulat sa pagsinghal noon sa kaibigan. Mula sa likuran ay sumabad naman si Jake.
"Excuse us." Ani Jake saka hinawakan si Joy at iginiya sa kabilang mesa.
Inalok na ni Ranier na maupo si Shermayne.
"Ayoko sa lahat 'yong pinaghihintay ako." Nagtitimpi ang tinig ni Ranier.
Sa halip na magsalita ay nakatuon lang ang mga mata ni Shermayne sa kanya. Sinenyasan na nito ang server at saka iniabot ang menu sa kanila. Sa halip na basahin 'yon ay ibinaba lang ni Shermayne ang menu sa table.
"Busog ako." Maikling sambit ni Shermayne.
"Your specialty please." Sa halip ay baling naman ni Ranier sa server. "For 2p." dagdag pa nito doon.
Samantalang sa kabilang mesa ay tahimik lang si Joy at naiilang na umorder dahil sa mga presyo ng pagkain ng resto.
"Bakit hindi ka pa umoorder?" puna ni Jake kay Joy. Inirapan lang naman s'ya noon. Pilyo namang nginitian na lang n'ya 'yon. "Umorder ka na. Wag kang matakot sa bill. Sagot ko." Mayabang na pahayag nito.
"Hindi ako kumakain ng mga pagkaing mas mahal pa sa presyo ng cologne ko." Umirap na naman si Joy nang sabihin 'yon. Napailing na lang naman si Jake at sa halip ay ito na ang umorder para sa kanila.
Nai-serve na't lahat ang pagkain pero hindi naman 'yon ginagalaw ni Shermayne.
"You don't want the food?" puna ni Ranier kay Shermayne.
"Tell me, ba't mo ba 'ko pinapunta dito?" bago ni Shermayne sa usapan
"Kumain ka muna."
"Ayoko ngang kumain." Singhal ni Shermayne sa kanya.
"Alam mo ang taray mo rin eh noh? Ikaw na nga 'tong inaalok d'yan."
"Sinabi ko bang alukin mo ako?" may pagkapilosopong sambit ni Shermayne.
"Fine! Kung ayaw mong kumain eh di wag. Basta 'wag na 'wag kang magrireklamong ginutom kita d'yan."
"Ano bang pag-uusapan natin huh?"
"Tungkol sa kasal." Sumeryoso s'ya at dahilan din 'yon para magseryoso si Shermayne. "I'll be asking a favor from you." Muling pahayag nito na may pagka-antipatiko pa rin.
"Favor na umatras ako?"
"Wag ka ngang mag-conclude agad. Hindi 'yon ang hihilingin ko sa'yo." Aniya saka bumuntong hininga. "Alam kong ayaw mo rin naman nito diba? Itong kasunduan, itong mismong kasal na paplanuhin na natin."
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Novela JuvenilRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed