Kinabukasan...
Nagpanic si Ranier nang magising s'yang wala na sa tabi si Shermayne. Nagmamadali s'yang lumabas ng kwarto pero pagkabukas ay bumungad naman sa kanya si Shermayne. Niyakap n'ya 'yon ng mahigpit.
"Akala ko nawala ka na. Akala ko iniwan mo na naman ako." Ani Ranier habang nakayakap sa kanya. Napangiti naman s'yang gumanti ng yakap saka kumalas na rin sa pagkakayakap kay Ranier.
"Sinilip ko lang si Mamzy, gising na s'ya. Halika na sa baba. Nagugutom na ako." Ngumiti naman si Ranier at hinawakan ang kamay n'ya. hindi naman s'ya pumiglas sa halip ay hinawakan n'ya rin ang kamay nito.
Nasa ikatlong huling baitang na sila ng hagdanan nang makita nila si Aivan, Alexa at Carl na kausap si Don Emilio. Natigilan si Shermayne pero hindi s'ya umalpas sa pagkakahawak ni Ranier sa kamay n'ya. Tila napansin naman sila ni Aivan nang tingnan sila nito.
"Good morning." Napalingon tuloy sa kinaroroonan nila si Don Emilio pati na sina Alexa na nakatitig sa pagkakahawak nilang dalawa ng kamay.
"Ate Shermayne." Masiglang bati ni Carl at tumakbo na palapit sa kanila. Yumakap ito dahilan para bumitaw s'ya kay Ranier at gantihan ito ng yakap.
"So andito ka nga." Wala sa loob at may pagkasarkastikang saad ni Alexa.
"Alexa." Maikling sambit ni Shermayne.
"We're just visiting Lola Helena. Tumawag si Lolo kagabi kay Kuya kaya we decided to come here as soon as possible. Hindi ko kayo inasahan dito pero hindi na kataka-taka. Tsk." Makahulugang pahayag ni Alexa at saka inalis ang tingin sa kanila. "Bumalik ka na dito Carl." Utos nito sa kapatid na sinunod naman noon.
"Alex, can we talk?" mahinahong sambit ni Shermayne.
"What for? Malinaw naman na sa'kin lahat. You don't need to." Alexa rolled her eyes.
"Alex." Sansala ni Aivan.
"What?" react nito. "I just said my part. No harm done." Anitong muli. Tinitigan muli ito ni Aivan. "Okay fine." Bumaling ito kay Shermayne. "Then lets talk." Anito saka tumayo at tinungo ang garden sa may likuran.
"What? Akala ko ba gusto mong mag-usap tayo?" anito nang lingunin s'ya. Hinawakan s'ya ni Ranier sa kamay pero sinabi n'yang magiging okay lang s'ya.
"As if I'm gonna eat her tito. Hello? I'm just a human." Huling saad ni Alexa at tuluyan ng pumunta sa garden.
At the Garden...
"Talk." Maikling sambit ni Alexa at saka naupo sa upuan doon. She crossed her legs.
"I wasn't able to attend yesterdays ri-"
"I don't want to hear about that. Anything more interesting?"
"I'm sorry." Maikling saad n'ya. tiningnan s'ya ni Alexa. Hindi ito umimik. "Alex, I'm sorry." Hindi pa rin umimik si Alexa. "Alam ko I made a promise pero I just can't-I really tried to-"
"Do you even tried? You don't even tried Ate Shermayne. You gave up without even trying." Putol ni Alexa sa mga sasabihin n'ya pa sana. "Sana sinabi mo na lang sa'kin not to kill myself kesa sa pumayag ka sa isang bagay na hindi mo kayang panindigan."
"I'm sorry." Tanging sambit n'ya.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Kasal kayo eh. Kahit naman ipa-annull n'yo pa 'yon hindi pa rin kayo mapaghihiwalay because he loves you and you love him even more."
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Teen FictionRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed