S.S. 56 #ThreeYearsLater

149 6 0
                                        


Three Years Later...

Nagkakagulo na sa mansion ni Donya Helena dahil sa pag-aasikaso para sa 60th anniversary nito. Hindi magkandaugaga sina Fhaye sa mga gawain kahit sinaway na ito ng lola na 'wag ng tumulong at hayaan na lamang sa mga kasambahay at mga binayarang trabahador ang pag-aasikaso.

Samantalang ang papa naman ni Ranier ay busy sa telepono sa pakikipag-usap sa mga bisita ng Donya Helena. Si Don Emilio naman ay nakikipagkwentuhan lamang sa papa ni Shermayne. Oo! Wala na si Shermayne, hindi pa nila ito muling nakikita pero nanatiling malapit ang pamilya nito sa kanila.

"Mamzy!" natuon ang mata ni donya Helena sa tumawag at saka ibinuka ang mga braso at sinalubong 'yon ng yakap.

"Ang laki mo na ah." Puna n'ya dito.

"Sino ba namang hindi lalaki mamzy eh kain ng kain 'yan." Napatingin s'ya sa nagsalita.

"Alexa."

"Happy birthday mamzy." Bati nito sa kanya at hinalikan s'ya sa pisngi.

"Ang Kuya Aivan mo?"

"Mamzy." Tiningnan n'ya ang pinanggalingan ng boses nito. Napakunot pa ang noo n'ya nang makitang nasa likod ng isang nakabalot na bagay 'yon. "Happy birthday mamzy." Anito saka ibinigay sa kasambahay ang nakabalot na bagay.

"Naku Aivan. Ikaw talagang bata ka."

"Mamzy, hindi na ako bata." Yumakap at humalik ito sa pisngi n'ya.

"Ano naman 'yong dala mong 'yon?"

"Alin mamzy?"

"Yong ibinigay mo sa kasambahay."

"Ah 'yon ba. Hindi ko po dala 'yon mamzy. Ibinigay 'yon kanina sa guard kaya tinulungan ko na lang ipasok dito."

"Ah ganun ba. Ibig sabihin wala kang regalo sa'kin."

"Ay nalimutan ko." Pabirong sagot naman ni Aivan. "Hindi n'yo na kailangan ng regalo mamzy sapat na si lolo." Pabiro pang bulong nito saka mabilis na lumayo sa lolahin na ngingiti-ngiti pa.

"Tita." Bumaling si Aivan sa mama ni Ranier na nakaupo sa wheelchair katabi ng lolahin.

"Si Ranier ba nakasabay n'yo?" umiling s'ya sa tanong nito.

"Ma, on the way na rin daw si Kuya. 'Wag ka ng mag-alala. Darating 'yon. Takot na lang non kay lola." Si Fhaye at habang tinitingnan ang mga arrangement ng tables.

"Ang sabi sa'yo mamzy at hindi lola eh." Puna naman ni donya Helena kay Fhaye. Lumapit ito sa kanila.

"Lola mas sweet pakinggan ang lola." Nakangiti pa nitong biro. "Tsaka baka sabihin ni Kuya inaagaw na kita sa kanya." hirit pa nito.

"Tita Fhaye, pinatatanda mo naman si mamzy." Ani Carl.

"Bakit matanda naman na si Mamzy ah." Hirit naman ni Alexa para lalong magtawanan lang doon.

"Mamzy." Tiningnan ni Donya Helena ang tatlong bagong dating. May kanya-kanyang bitbit na regalo 'yon.

"Happy birthday mamzy." Ani Melca at humalik sa pisngi n'ya. Ganun din ang ginawa nina Joy at Ivy.

"Ano ng balita sa kaibigan n'yo?" nagkatinginan naman ang tatlo maging ang iba pang naroroon na. Binalot sila ng katahimikan.

"Akala ko ba birthday bakit ang tahimik dito." Sabay-sabay silang tumingin sa nagsalita.

"Apo." Bulalas ni Donya Helena. "Akala ko mamaya ka pa darating eh." Humalik sa pisngi n'ya si Ranier.

"Pwede ba naman 'yon eh 'di tinakot n'yo na naman ako sa SC." Pabirong hirit nito at nagtawanan sila doon.

"Kumusta ang Hongkong?" si Jayson saka ay lumapit at mabilis na tinapik ang balikat n'ya.

"Ayos naman." Nakangiting sagot n'ya. "Ma." Baling n'ya sa ina at hinalikan 'yon sa pisngi.

"Batiin mo rin ang mama ni Shermayne." Bulong nito kay Ranier.

"Kahit hindi n'yo sabihin gagawin ko po 'yon." Nakangiting sambit n'ya at tinungo ang kinaroroonan nina don Emilio. "Ma." Aniya saka hinalikan ang pisngi ni Mrs. Tesorero.

"Kumusta na?" bati nito sa kanya.

"Ayos naman po. Medyo may kulang nga lang." makahulugang sagot n'ya.

"Kuya diba sabi ko sa'yo maghintay ka at darating din 'yon." Nilingon n'ya si Fhaye na nakangiti sa kanya. Ngumiti na rin s'ya. Nagkwentuhan sila habang hinihintay gumabi kung saan tuluyan ng isi-celebrate ang 60th birthday party ni donya Helena.



To be continued...

SWEETEST SURPRISEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon