S.S. 12 #She'sTheBoss

189 7 0
                                    



Samantalang...

"Whaaaat?" hindi makapaniwalang tanong ni Donya Helena sa kausap sa phone.

"Yes Madam. Si Sir Ranier nga po 'yon with an ordinary girl." Tugon naman ng babaeng manager ng 38 Classic Restaurant. "One of my man heard them talking about a wedding madam." Pahabol pa nito.

"Okay! Thank you for the information." bakas sa mukha ni Donya Helena ang pagkadisgusto sa narinig na balita.

Napasandal naman sa sofa ang donya matapos i-end call.

"Sinusubukan mo talaga ko Ranier." Ngingiti-ngiting usal na lamang nito.

Hindi naman kaagad bumalik ng mansion si Ranier sa halip ay nagliwaliw sila ni Jake. Ang tanging nais lang n'ya ay alisin ang pangungulila n'ya sa girlfriend n'ya. Medyo disappointed kasi s'ya dahil bigla na lang 'yong umalis at sumama sa kaibigan para mag-out of the country. Disappointed pero hindi naman galit dahil mahal na mahal n'ya ang girlfriend n'ya. Nagtatampo s'ya dahil hindi man lang s'ya sinabihan ng girlfriend nang tungkol sa pag-alis noon. Kaya siguro ipinagkasundo s'ya ng lola n'ya sa iba ay dahil na rin sa iba-ibang personality ng girlfriend n'yang si Clare.

Alam n'yang nagpagawa na ng sariling research 'yon tungkol sa girlfriend n'ya. Si Jake lang dati ang nakakaalam ng tungkol sa relasyon nila ni Clare pero dahil malapit din s'ya sa pinsang si Aivan sinabi n'ya rin ang tungkol doon nong isang buwan pa lang ang relasyon nila. Wala na s'yang ibang gusto kundi ang makasama ang girlfriend at ito ang nais n'yang iharap sa altar higit kaninuman.


***

Palipat-lipat lang ang tingin ng Donya kina Shermayne at Ranier habang ang dalawa naman ay malimit lang magsulyapan. Noong mga oras na 'yon tanging kaba lang ang nararamdaman ni Shermayne.

"Hindi n'yo pa ba uumpisahan ang plano?" napalingon sila kay Don Emilio.

Tumikhim naman muna ang donya bago nagsalita.

"I heard a rumor. No! I think it's not a rumor but rather a fact." Umpisa ng donya saka tiningnan si Shermayne. "Nagkita daw kayo ng apo ko kahapon, Shermayne?"

Napatda naman s'ya sa tanong na 'yon. Napatingin s'ya kay Ranier at nakuha nman kaagad noon ng reaksyon ng mukha n'ya. Humihingi s'ya ng tulong sa kung anong dapat isagot sa donya.

"Totoo ba Shermayne?" ulit na tanong ng donya.

"Yes! We did!" si Ranier na ang sumagot nang hindi alisin ni Shermayne ang tingin dito.

"Kung ganun, bakit kayo lumabas? Tinakot mo ba si Shermayne? Ano na naman bang pinaplano mo, huh, Ranier?"

"Hindi ko s'ya tinakot mamzy. Lumabas lang kami like a formal date." Tanggi ni Ranier ngunit hindi pa rin mawala ang paghihinalang anyo ng donya.

"He invited me to eat lunch with him as soon to be Mr. and Mrs. Sui kaya naman po hindi ko tinanggihan 'yon para kahit paano po makilala naman namin ang isa't isa." Sinalo naman ni Shermayne si Ranier.

"Simulan n'yo na ang plano. Formal date naman pala ang dahilan ng pagkikita nila kaya wala ng rason para gisahin pa sila sa kung ano pang tanong, Helena." Si Don Emilio na ang namagitan sa kanila.

Bumuntong hininga ang donya saka humalukipkip tanda ng pagsang-ayon sa kabiyak.

"Kung ano ang gusto ni Shermayne, 'yon ang susundin natin." Saad ng donya.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon