Naiwan naman si Shermayne na walang ibang ginawa kundi basahin ang mga text ng kaibigan at replyan 'yon. Sa mga text ng mga 'yon s'ya nakakuha ng ideya at nakapag-decide. Naabutan naman s'ya ni Ranier na inaayos ang kama nang makalabas na ito sa shower room.
"Kapag may ginawa kang masama sa'kin kakalbuhin kita." Mahinang sambit n'ya saka inirapan pa ang lalaki at s'ya namang pumasok sa shower room para maglinis ng katawan.
Sa loob na rin ng shower room s'ya nagbihis. Naabutan n'ya pa ngang nakahiga na si Ranier sa kama nang lumabas s'ya.
"So balak mo talagang matulog katabi ko huh. We'll see that." Piping usal ng isip ni Shermayne saka dumiretso sa kanang bahagi ng kama at saka naupo doon. Sinulyapan lang naman s'ya ni Ranier.
"R-Ranier." Biting sambit ni Shermayne na sinagot naman noon ng 'hmnn'. "Ano kasi eh...Hindi ako nakakatulog ng isang unan lang ang gamit. I'm having nightmares pag nagkaganun." Aniya na pinaamo ang mukha at tila ba nagmamakaawa. Nakita n'ya namang tiningnan s'ya ng lalaki at pansin n'yang gumagana ang arte n'ya.
"We only have four pillows here Shermayne. Sa'yo na 'yong tatlo akin 'tong isa." Sa wakas ay sambit ni Ranier na ipinagdiwang ng isip n'ya.
"One more thing Ranier, hindi talaga ako sanay matulog ng nakapatay ang ilaw so we don't have to turn off the light huh." Muling pahayag n'ya at nakita n'ya ang reaksyon ng lalaki. Nagdiwang muli ang isip n'ya. Nabanggit kasi minsan ni Donya Helena sa kanya na hindi sanay matulog si Ranier ng buhay ang ilaw.
"Pero Shermayne-"
"Nightmares. That was another cause of my nightmare." Muli s'yang umarteng natatakot at tila nagmamakaawa. And BINGO! She got him again.
"Okay." Napipilitang sambit ni Ranier.
"Okay. Matutulog na ako since inaantok na ako." Aniya saka inihanay ang dalawang unan sa pagitan nila ni Ranier at ang isa naman ay inilagay n'ya sa uluhan n'ya.
"What are you doing?" puna ni Ranier nang mapansin ang ginawa n'yang paglagay ng unan sa pagitan nila.
"Sandayan ko. Nightmares nga diba Ranier so I have to have this." Aniya na maamo pa rin ang mukha.
"Okay." In complete surrender na saad naman ni Ranier.
Muli na namang nagdiwang ang isip ni Shermayne. Humiga na s'ya ng patagilid kung saan ang likod n'ya ay nakaharap kay Ranier at pasimple s'yang napangiti. Hindi pa tapos ang plano n'ya. She closed her eyes and pretended to be sleeping. After 15 minutes she started to snore. Oo! Humilik talaga s'ya at exaggerated ang ginawa n'yang 'yon. She's just acting to be sleeping. Alam n'ya kasing Ranier hated someone who snores so she's doing it on purpose. Naramdaman n'yang gumalaw ang katabi. She knew it.
Alam n'yang hindi mapakali 'yon dahil sa hilik n'ya and at the same time hindi rin 'yon makatulog dahil sa sa ilaw sa kwarto nila. Pero hindi pa doon nagtatapos ang plano n'ya. She started to move. Yes! Umarte s'yang malikot matulog. 'Yong binti n'ya sinanday n'ya sa unan but she makes sure na maaabot ng paa n'ya ang binti ng lalaki. And perfect! Gumalaw 'yon at iniwas ang binti sa abot ng sanday ng paa n'ya. Muli s'yang gumalaw and started to move the pillow. Naririnig n'ya ang sunud-sunod na buntong-hininga ni Ranier. Alam n'yang bwiset na bwiset na 'yon sa nangyayari. Nagi-guilty s'ya dahil alam n'yang inaantok na rin 'yon at pagod sa byahe but her plan is to irritate him and she knew pretty well that it's working. Ayaw n'ya talagang makatabi sa iisang higaan ang lalaking ito.
Naramdaman n'yang naupo na sa kama si Ranier. Gusto n'yang matawa sa nangyayari but she really needs to see kung ano ng reaksyon ni Ranier so she slowly opened her eyes and to her surprise napakalapit na ng mukha noon sa mukha n'ya. Dali-dali tuloy s'yang napabangon dahilan para mauntog ang ulo n'ya sa ulo noon.
"I knew it!" naiinis na sambit ni Ranier.
"Sabi ko na nga ba't may binabalak ka sa'kin eh." Inis ding sambit ni Shermayne habang hinihilot ang ulong nauntog.
"Sabi ko na nga ba eh parang may mali and I was right. You're acting to be having nightmares, tama?" ani Ranier na hinuhuli s'ya. Hindi naman s'ya umimik.
"Oh come on Shermayne. Don't be so childhish. Alam natin pareho na pareho tayong pagod so lets just rest. Wala naman akong gagawing masama sa'yo so kahit ngayong gabi lang please do trust me. I really wanted to sleep now. As in right now!"
Napansin n'yang seryoso ang lalaki kaya naman ang pananahimik na tugon n'ya ay sinundan n'ya ng buntong-hininga.
"Patayin mo na ang ilaw para makatulog na tayo pareho." Aniya saka nahiga na patalikod doon matapos ayusin ang dalawang unang nagsisilbing pagitan sa nila.
Mataas ng maunang magmulat ng mata si Ranier kung saan tumambad sa kanya ang posisyon nila ni Shermayne.
Hindi pala sa unan nakasanday ang binti n'ya kundi sa mga binti ni Shermayne na nakatagilid na nakaharap sa kanya. Nakaunan ang ulo noon sa kanang braso n'ya kung saan ang kaliwang braso n'ya ay nakapatong sa bewang noon habang ang kanang braso naman noon ay nakasanday din malapit sa may bewang n'ya. Doon n'ya lang napansing malapit sila sa isa't isa dahil magkaharap nga sila. Kitang-kita n'ya ang maamong mukha ng babae. Tila ba may kung anong humihila sa kanya upang tuluyang pagmasdan lang 'yon sa ayos noon.
"Maganda ka naman pala." Mahinang sambit n'ya habang nakatuon ang mga mata sa mukha ng babae. Hindi n'ya namalayang napapangiti na pala s'ya. Gusto n'ya pa sanang pagmasdan 'yon pero dahan-dahan naman 'yong gumalaw kayat mabilis n'ya muling ipinikit ang mga mata at umanyong tulog.
Samantalang laking gulat naman ni Shermayne nang maimulat ang mga mata at makita ang posisyon nilang dalawa. Dahan-dahan n'yang inalis ang pagkakapatong ng braso n'ya sa bewang ng lalaki at isinunod n'ya ang braso noon. Inalis n'ya rin ang pagkakasanday ng binti noon sa binti n'ya at pinalitan ng unan na nahagip n'ya. Dahan-dahan din s'yang bumangon upang hindi magising 'yon.
"Hay naku ka Shermayne! Ang likot-likot mo talagang matulog!" mahinang sambit n'ya habang mahinang pinapalo ang sariling ulo. Muli n'yang nilingon ang lalaki pikit pa rin 'yon at mukhang tulog na tulog. Natuon ang mata n'ya sa mukha noon at tila ba hindi pa nasiyahan ay dahan-dahang nilapitan 'yon para titigan lang ang pagmumukha ng kauna-unahang lalaking nakatabi n'yang matulog.
"Cute ka naman kaso ang yabang-yabang mo lang. Tsk!" mahinang sambit n'ya.
Kumilos ang lalaki dahilan para dali-dali n'yang ilayo ang sarili doon at ang ending hindi sinasadyang nahulog s'ya sa kama. Pero with poise pa rin s'yang tumayo. Lingid sa kaalaman n'yang napapangiti na lang sa kanya si Ranier ngunit nang muli s'yang humarap ay humikab 'yon.
"Kanina ka pa ba gising?" tanong ni Ranier na animo kagigising lang talaga.
"H-hindi. Ngayon-ngayon rin lang. magkasunuran lang tayo." Tugon ni Shermayne na iniwas ang tingin sa lalaki saka tumalikod doon. "Ano ka ba Shermayne hindi ka talaga nag-iingat paano na lang kung naabutan ka n'yang nakatitig sa kanya. Nakakahiya ka talaga." Piping sambit muli ng isip n'ya. Tunog ng sikmura n'ya ang nakapukaw ng atensyon ni Ranier.
"Mukhang gutom ka na." saad ng lalaki sa kanya na ikinagulat pa n'ya dahil nasa likuran na n'ya agad 'yon. Hindi n'ya man lang namalayang bumangon 'yon.
"Baba na tayo magluluto ako mabilis lang para makakain kaagad tayo." Anito saka nauna na sa kanyang lumabas ng silid. Lingid sa kaalaman n'yang nakangiti pa rin 'yon.
"This is a good start of the day Ranier." Usal ng isip nito habang bumababa.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
JugendliteraturRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed
