Yakap naman ang isinalubong ni Shermayne sa mga kaibigan na napasugod pa talaga ng Cavite dahil nalimutan n'yang tumawag sa mga 'yon. Nag-alala ang mga 'yon ng sobra kaya naman naroroon ang mga ito. Ikinwento n'ya sa mga ito ang nalaman at nangyari.
"Gusto ko talagang sakalin 'yang si Ranier. Talagang may issue pa kayo tapos umalis s'ya." naasar na saad ni Ivy. "Gumawa pa naman ako ng paraan. Tinulungan ko pa naman s'ya. Naku 'wag na 'wag lang magpapakita sa'kin 'yang mukhang aso na 'yan." Nanggagalaiting wika ni Ivy.
"Hindi naman talaga s'ya mukhang aso. Andyan ka na naman sa mukhang aso Ivy ei." Si Joy Jemarie.
"Aba at kinakampihan mo pa talaga Joy."
"Hindi naman sa ganun. Pero hindi naman talaga mukhang aso si Ranier."
"Kuya Jayson." Napalingon si Joy nang banggitin ni Melca ang pangalan ng kapatid n'ya. Napangiti s'ya ng 'di sinsadya nang makita n'yang namula ang pisngi ni Joy. Crush kasi nito ang kuya n'ya.
"Kailangan kayo ngayon n'yan buti na lang naisipan n'yong pumunta dito. Dalawang araw na rin 'yang nagmumukmok sa kwarto n'ya." naupo ito sa may tabi ni Joy. Napansin n'yang lalo ang pamumula ng pisngi ng kaibigan.
"Mayroon din po kasi kaming sasabihin sa kanya Kuya." Napatingin s'ya kay Melca. May kinuha ito sa bag na isang folder na white at saka iniabot sa kanya.
"Sa art gallery kasi ni Aivan idinisplay ang dalawa sa painting ni Shermayne at mayroong nagka-interes doon. Naalala mo ba si Prof Mendez? Nasa gallery s'ya ni Aivan at kaibigan n'ya ang dalawa sa French artist na naka-appreciate sa painting n'ya." panimula ni Melca.
"Oh?" si Kuya Jayson.
"Nag-offer sila. Nandyan lahat sa folder na 'yan ang mga detalye." Binuklat naman ni Jayson ang folder nanlaki ang mga mata nito nang mabasa ang ilan sa laman ng folder na 'yon. Iniabot nito sa kanya 'yon. Gusto n'yang malula sa nakalagay pero napailing s'ya.
"They personally want to meet you." Si Melca ulit. Umiling lang s'ya.
"Kumain na muna kayo." Lumingon sila. Mama ni Shermayne 'yon habang inaalalayan ng papa n'ya ang wheel chair nito. "Masarap at niluto pa 'yan ni Jayson."
"Talaga po? Luto ni Jayson ay Kuya Jayson?" muling namula ang pisngi ni Joy. Napangiti na naman s'ya. Pinagmasdan n'ya ang mga kaibigan. Napangiti na naman s'yang muli. Nagpapasalamat s'ya sa mga ito na hindi umaalis sa tabi n'ya. ganun na rin sa pamilya n'ya.
She tried to enjoy that day kasama ang mga kaibigan n'ya. Minsan-minsan naiisip n'ya ang nabasang article sa folder na ipinakita ni Melca pero umiiling-iling lang s'ya sa isiping 'yon. Hanggang sa silang tatlo na lang sa silid n'ya kinagabihan.
"Hindi ka talaga nakalimutan ni Prof Mendez." Si Joy Jemarie na siniko ni Ivy.
"Oo nga." Maikling tugon n'ya.
"Ayaw mo ba talaga nong offer nong dalawang French? Recommended din naman sila ni Prof Mendez." Si Joy Jemarie ulit.
"The offer is quite tempting pero maiisip ko pa ba 'yon sa ngayon. Masyado na akong maraming isipin para idagdag pa 'yon."
"That's why you need to take a break." Makahulugang pahayag ni Ivy. "Hay mabuti pa magpahinga na tayo at aalis pa tayo bukas." Bago nito sa usapan. Sumang-ayon naman sina Melca sa tinuran nito.
Nang makita n'yang tulog na ang tatlo ay bumangon s'ya at saka lumabas ng kwarto. Pumunta s'ya sa kusina. Naabutan n'ya ang kuya n'ya na nagkakape.
"Gising ka pa."
"Di ko makatulog kuya."
"Bakit iniisip mo pa rin ba si Ranier?" ngumiti s'ya at tumango. Pero bukod kay Ranier paulit-ulit n'yang naririnig ang sinabi ni Ivy to take a break.
"Si Ranier lang ba talaga?" makahulugang tanong ng kuya n'ya. tinignan n'ya 'yon.
"Kuya, I think I want to take a break." Makahulugan n'yang sagot.
"Break? Kay Ranier?" umiling s'ya saka huminga ng malalim.
"Sa lahat. I want to give myself a break too. Pwede naman siguro ano?"
"Pwede naman 'yon." Sumandal ang kuya n'ya sa upuan. "Kahit anong gawin mong disisyon papayagan kita. You really need to take a break. Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sa ginawa ni Ranier sayo."
"Kuya?"
"Wala naman akong balak manakit ng tao kahit 'yon ang gusto kong gawin. Kailangan mo lang pag-isipan kung anong klaseng break ba ang gusto mong gawin. Kahit ano pang break 'yon susuportahan kita."
"Kuya." Tanging usal n'ya.
"Tandaan mo lang lagi na nandito lang ako para sa'yo. Diba little princess ka namin." Sa sinabi nitong 'yon sa kanya hindi na n'ya napigilan ang yumakap dito.
"Tandaan mo na kapag tapos na ang break alamin mo pa rin ang daan pabalik sa'min." makahulugang pahayag nito.
"Kuya pwede bang ikaw ng magpaliwanag kay mama? Baka kapag ako pa ang nakipag-usap sa kanya hindi ko masabi 'yong gusto kong gawin." Umalis s'ya sa pagkakayakap at saka tumingin sa kapatid.
"Kuya, maiintindihan naman nila ako diba? Katulad ng kung paano mo ako naintindihan. Diba?" tumango naman ang kapatid sa kanya saka pinisil ng kunte ang ilong n'ya na pinahid n'ya naman pagkatapos.
'Yong totoo nong basahin n'yang muli ang folder na 'yon kung saan naglalaman ng offer na dadalhin s'ya sa Paris ng dalawang sikat na artist na French, nagkaroon lang s'ya ng ideya.
To be continued...

BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Novela JuvenilRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed