S.S. 30 #Ranier'sReallyInLove

226 8 0
                                        


Sa bahay nina Ranier...

Katok sa pinto ni Shermayne ang naging dahilan para itigil n'ya ang iginuhit na buringot na anyo ni Ranier. Ibig sabihin noon eating time na. Gutom na rin naman s'ya kaya inilapag na lang n'ya sa kama ang ginagawa at bumaba na sa pag-aakalang wala pa doon si Ranier pero laking gulat n'ya nang makita 'yon sa dining area na kumakain at hindi man lang s'ya tiningnan.

Gustuhin man n'yang bumalik sa kwarto pero hindi n'ya ginawa sa halip ay kumain na rin s'ya doon. Napakatahimik nilang pareho na animo nasa library sila. Dahil na rin siguro sa pagkailang naunahan n'ya pang matapos kumain 'yon. Wala s'yang pasabing bumalik sa kwarto saka kinuha ang ipinipinta. Kinausap n'ya 'yon na animo buhay 'yon. Hindi n'ya rin pinapansin ang sunud-sunod na pagtunog ng cell phone n'ya. Wala s'ya sa mood para sagutin kung sinuman 'yon. Sinubukan n'yang matulog na kaagad matapos magpinta pero hindi s'ya dinalaw ng antok. Hating gabi na nang nagpasya s'yang lumabas ng silid at bumaba para uminom. Isang pitsel na ng tubig ang kinuha n'ya. dinamihan na n'ya para hindi na s'ya muling bumaba pa sakaling uhawin ulit s'ya.

Pabalik na s'ya sa silid nang makarinig s'ya ng ungol. Wala sana s'yang balak pansinin 'yon noong una pero nong marealize n'yang nanggagaling 'yon sa silid ni Ranier ay nagmamadali na rin n'yang tinungo 'yon. Kumatok s'ya pero ungol lang muli ang nakuha n'yang sagot mula sa loob. Pinihit n'ya ang doorknob. Bukas 'yon. Hindi na s'ya nagdalawang isip na buksan ang pinto ng kwarto ni Ranier. Nakita n'yang tulog na tulog 'yon at nananginip. Mabilis n'ya 'yong pinuntahan para gisingin. Nakita n'yang pawisan 'yon kaya't dali-dali n'yang ginising at nagising naman 'yon na animo pagod na pagod.

"Inom ka muna." Aniya dito saka inabutan ng isang basong tubig galing sa pitsel na dala n'ya. Ininom naman 'yon ni Ranier. "Okay ka na ba?" tanong n'ya dito na sinagot naman nito ng simpleng tango.

"Aalis na ko." Paalam n'ya dito.

"Dito ka lang. Pwede bang dito ka lang hanggang sa makatulog ako." Ayaw ng isip n'ya pero iba ang sinasabi ng puso n'ya. Kaya naman nanatili s'ya doon at binantayan hanggang sa makatulog ang lalaki. Hawak pa rin nito ang kamay n'ya.

Balak na sana n'yang iwan 'yon pero mahigpit ang hawak noon sa kamay n'ya at sa tuwing kikilos ay binabanggit nito ang salitang mama. Sa takot n'yang baka muling bangungutin 'yon ay nagpasya s'yang bantayan na lang 'yon. Inayos n'ya ang kumot noon. She was eager na bantayan 'yon pero di n'ya na namalayang unti-unti na ring bumibigay ang talukap ng mata n'ya.

Kinaumagahan, naalimpungatan si Shermayne sa bigat na naramdaman n'ya. Pakiramdam n'ya may nakayapos sa kanya. Matagal bago tuluyan n'yang maidilat ang mata. Gulat na gulat sya nang maimulat ang mga mata. Wala s'ya sa silid n'ya at nakayapos ang kanang braso ni Ranier sa kanya habang ang kaliwang braso naman nito ang nagsilbi n'yang unan. Bigla s'yang nataranta dahil doon. Kayat nagmamadali n'yang inalis ang brasong nakayakap sa kanya pero 'yon ang naging dahilan para magising ang may ari noon.

Hiya ang bumalot sa kanya nang makitang nakatingin 'yon sa kanya. Dali-dali s'yang bumalikwas para makaalis ng tuluyan sa pagkakayakap noon pero sa halip na alpasan s'ya ay lalo lang hinigpitan ni Ranier ang pagyakap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" tanong ni Ranier sa kanya nang tumigil na s'ya sa pagpupumiglas na makaalis sa yakap noon.

Nang maramdaman naman 'yon ni Ranier ay lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa kanya. 'yon ang naging dahilan para ipunin n'ya ang lakas at itulak 'yon. And she succeeded nakaalis s'ya doon .

"Nanaginip ka kagabi. No. Binangungot ka kagabi. Tapos ano-tapos ano-tapos ayon sabi mo 'wag muna kitang iwan hanggang sa makatulog ka. Hindi ko naman akalaing makakatulog rin ako." Nahihiyang paliwanag n'ya dito. "Pero hindi talaga ako d'yan sa kama natulog. Hindi talaga. Hindi ko nga alam kung bakit nandyan na 'ko pagkagising ko."

Napaisip naman si Ranier saka napatango-tango ng animo may maalala.

"Naalala ko nga." Maikling sambit nito.

"Aalis na ako. Morning na lang." aniya at saka umakmang umalis pero pinigilan s'ya noon.

"Sorry sa nangyari kahapon. Medyo mainit lang talaga ang ulo ko." Anito sa kanya. Nilingon n'ya 'yon at halatang seryoso 'yon sa sinabi. "I said I'm sorry." Ulit nito sa kanya.

"Sorry din sa cell phone mo." Sa halip ay tugon n'ya at dali-dali nang lumabas ng silid ni Ranier. Binabalot pa rin kasi s'ya ng hiya.

Naiwan naman si Ranier na hindi mapigilang mangiti nang maalala ang posisyon nila kanina ni Shermayne. 'Yong totoo alam n'ya namang binantayan nga s'ya noon at nakita n'yang nakatulog 'yon sa pagbabantay sa kanya kaya inihiga n'ya 'yon sa tabi n'ya. Muli s'yang napangiti nang maalala ang namumulang mukha ni Shermayne. This was his day. He decided that he'll start to fix his relationship with Shermayne.

Alam n'yang mahal n'ya ng talaga si Shermayne pero hindi na n'ya sinubukang muling sabihin pa 'yon doon sa halip ay ginawan n'ya lang ng paraang maging komportable na lang muli sila sa isa't isa.


On the other hand, ipinagpatuloy ng muli ni Shermayne ang pag-aayos ng gallery ni Aivan. Pero hindi na tulad ng dati ang pagiging malapit n'ya doon. Hindi n'ya maintindihan ang sarili kung bakit nagiging malamig na ang pakikitungo n'ya doon. Kabaligtaran 'yon ng sa kanila ni Ranier. They have forgiven each other at muli silang nagkasundo. Malimit na rin silang lumabas sa tuwing hindi s'ya pumupunta ng gallery at sa tuwing free 'yon. Nagawa nilang muling maging komportable sa isa't isa. Kasama ng muling pagkakasundo nila ay dumadalaw na sila sa Cavite. Lumalabas rin silang kasama sina Ivy at Melca sa tuwing may oras ang mga 'yon.

To sum it up malaki ang improvement ng relationship nila bagay na hindi nila namamalayan. Kapalit ng improvement na 'yon ang hindi na pagsagot ni Shermayne sa mga tawag ni Aivan. Not that she's avoiding him but because she don't feel like answering it anyway.

Lingid sa kaalaman ni Shermayne na kinausap ni Ranier si Aivan at ipinagtapat nito doon kung gaano na s'ya nito kamahal. Nag-usap 'yon ng maayos at kung anuman ang napag-usapan nang mga 'yon ay mananatiling sa kanilang dalawa na lamang.


To be continued...

SWEETEST SURPRISEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon