S.S. 61 #Surprise

152 5 0
                                        




After seven days...

Hindi pumasok sa gallery si Mang Homer dahil may mga lalaking pumunta doon kahapon at nagtanong ng kung ano-ano tungkol kay Shentell. Maging ang ilan sa mga kapitbahay nila ay nagtataka na rin dahil pati ang mga 'yon ay tinatanong na rin ng ilang mga hindi kilalang tao. Katulad ng inasahan n'ya tinulungan s'ya ng mga 'yon na pagtakpan ang tungkol kay Shentell.

"Nag-aalala na ako kay Shermayne, Homer. Gusto ko na s'yang bisitahin sa kabila pero natatakot akong masundan. Natatakot na ako. Any time pwede na nilang malaman ang tungkol sa kanya." Ani Aling Aurora habang ipinagtitimpla ng kape ang asawa. "Naalala ko nong biglang dumalaw dito 'yong isa sa lalaking naratnan ko sa gallery nong minsang pumunta ako doon. Wala s'yang ibang itinanong kundi kay Shentell. Iba-iba ang tanong pero laging may kinalaman kay Shentell. Hinuhuli n'ya ako." Anito at saka naupo na nang matapos matimpla ang kape.

"Hindi nila dapat makita si Shermayne hanggat ayaw pa nitong magpakita sa kanila. Kung hindi pa s'ya handa hindi natin s'ya dapat ipagkanulo. Para na natin s'yang anak." Si mang Homer ang nagsalita.

"Ano na kayang ginagawa ni Shermayne sa kabila? Siguradong nag-aalala na rin 'yon." Tumahimik lang naman si Mang Homer saka hinigop na ang kape.


Sa panig ni Shermayne...

Nasa balkonahe lamang s'ya at hawak ang isang lapis. Gumuguhit s'ya. Anyo ng isang lalaki ang kanyang sinisimulang iguhit. Puno ng lungkot ang mga mata n'ya. Pero hindi lang lungkot ang mababanaag dun bagkus ay angungulila din. Nangungulila s'ya sa lalaking kanyang iginuguhit. Naalala n'ya tuloy kung paanong simula sa isang hindi magandang pagkikita ay tuluyang nagtagpo ang kanilang mga landas. Hindi n'ya lubos maisip na ang lalaking ito ang labis n'yang mamahalin. Hindi n'ya lubos maisip na masasaktan s'ya at pipiliing lumayo hindi dahil gusto n'yang umiwas pero dahil gusto n'yang masiguro sa sarili ang kanyang tunay na nararamdaman. Naramdaman n'yang may pumatak na luha mula sa mga mata n'ya. pinahid n'ya 'yon at saka nagpatuloy sa pagguhit.

"Patawarin mo ako kung wala pa rin akong lakas na loob na muling magpakita sa inyo." Huminto s'ya sa pagguhit at tila buhay na kinausap ang kanyang obra. "Kailangan ko pa ng panahon."

"Ma'am Shermayne?" napalingon si Shermayne sa nagsalita. Hindi n'ya kilala ang taong 'yon at ang dalawa pa nitong kasama pero lumingon s'ya. gusto n'yang ulitin ang pangyayari upang hindi s'ya lumingon pero hindi na maaari dahil nagawa na n'ya. "Kayo nga po 'yan." Muling pahayag nito. Bigla s'yang nagpanic pero sinikap n'yang hindi mahalata.

"Excuse me?" may kinuha naman ito sa bulsa ng polo na suot at ipinakita sa kanya. Picture n'ya 'yon.

"Pwede po ba kayong makausap? May naghahanap po sa inyo at gusto n'ya kayong makausap." Bumaba s'ya ng balkonahe upang pormal na harapin ang mga 'yon total hindi naman na n'ya maitatanggi pa ang katauhan sa mga ito.

"Sinong-" huminto s'ya sa pagsasalita, "-gustong kumausap sa'kin?" pagkuway dugtong n'ya. tiningnan naman muna ng kausap n'ya ang dalawa nitong kasama saka muling humarap sa kanya.

"Malalaman n'yo po pagdating n'yo doon." Nag-alinlangan s'ya. Gusto n'yang tumakas pero nanatiling naka-glue ang mga paa n'ya doon. Gusto n'yang tumanggi pero iba ang lumabas sa bibig n'ya.

"Saan?" nagtatalo ang isip at puso n'ya. kinakabahan s'ya pero pilit n'yang pinakakalma ang sarili. Wala namang masama kung sasama s'ya. Kung sakaling si Ranier ang kakausap sa kanya bahala na. Namimiss n'ya na rin ito at bahala na kung anong sasabihin at gagawin n'ya mamaya. She'll cross the road when she gets there. Hindi na n'ya inayos ang sarili sa halip ay iniwan na lang ang iginuguhit sa balkonahe. Ang plano n'ya ay hindi naman s'ya magtatagal. Kung sakaling si Ranier o si Aivan o sinuman sa kanilang dalawa ay haharapin n'ya lang ng pormal ang mga 'yon at bahala na.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon