"Nakakainggit talaga." Si Joy Jemarie ang nagsalita.
"Dalhin mo rin kasi minsan 'yong boyfriend mo." biro ni Jayson.
Sabay-sabay namang tiningnan nina Shermayne si Joy na halatang namula ang mukha. Napatikhim naman si Melca at si Ivy naman katulad ng dati bumanat ng tawa. Sinulyapan n'ya ang kapatid bakas sa mukha nito ang pagtatanong kung may nasabi ba s'yang hindi maganda.
"Oh! Narinig mo 'yon Joy sabi ni Kuya Jayson minsan dalhin mo 'yong boyfriend mo." Si Ivy sa gitna ng pagtawa nito.
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" wala pa ring kamalay-malay si Jayson at tila ba nagtataka pa sa tinuran ni Ivy.
"Kuya wala pa 'yang boyfriend." Si Melca naman na pinanlakihan pa ni Joy ng mata.
"Ah wala pa ba? Sorry naman." Tumawa na naman si Ivy kaya naman kinurot ito ni Joy sa may bewang.
"Aray!" react ni Ivy dahilan para matigil ang pagtawa nito.
"You're very insensitive!" napatingin si Jayson kay Carl na itinuturo pa s'ya.
"H-huh?" nagulat talaga si Jayson sa tinuran ni Carl.
"Kahit ako I can sense she has a crush on you. Can't you see she's blushing." ani Carl. Iiling-iling pa ito. Tinakpan naman ni Alexa ang bibig ng kapatid.
"Naku pagpasensyahan n'yo na 'tong si Carl. Mahilig lang talaga 'tong mag-joke." Ani Alexa nang makitang lalong namula ang mukha ni Joy dahil sa sinabi ng kapatid. Bumanat na naman ng tawa si Ivy at halos mapa-ubo pa ito. Hindi naman kaagad nakahulma si Jayson dahil sa sinabi ni Carl.
"T-teka. H-hindi kaya!" mariing pagtanggi naman ni Joy na halos panlakihan na ng mata si Carl. Tiningnan naman ito ni Jayson, hindi tuloy ito makatingin doon. "Ah! Next week na pala birthday ni Shermayne noh?" bago nito sa usapan. Gusto talaga nitong mapalitan na kaagad 'yon dahil sa sobrang hiya. Nagtagumpay naman ito nang tumigil si Ivy sa pagtawa at saka napa-oo.
"Oo nga noh." Si Ivy. "Dapat may handa 'yon huh." Hirit pa nito. "Okay. We'll throw a party for you." Dagdag pa nito.
"Kahit 'wag na. Simpleng dinner na lang. I'll cook." Ani Shermayne dahilan para mapatingin sa kanya sina Melca maging ang kuya Jayson n'ya.
"M-magluluto ka?" halos magkakasabay pang tanong nina Melca, Ivy, Joy at Jayson. Tumango naman s'ya.
"Talaga?" si Ivy ulit.
"Ikaw? Magluluto?" ulit na tanong nito na tinanguan n'ya ulit. Napangiti s'ya. Alam n'yang natural lang na hindi makapaniwala ang mga 'yon. Wala naman kasi s'yang alam sa pagluluto three years ago iba na nga lang ngayon dahil natuto na s'ya sa tulong na rin ni Aling Aurora. Biglang nawala ang ngiti n'ya.
"Sana lang nandito rin sina Nay sa birthday ko." Mahinang saad n'ya.
Napatingin naman ang mama n'ya sa kanya. Nakita n'yang tila ba nakaramdam 'yon ng pagseselos dahil sa sinabi n'ya. Naikwento na rin kasi n'ya kanina sa mga ito ang tungkol kina Mang Homer at Aling Aurora.
"Gawan natin ng paraan para makapunta sila." Narinig n'yang saad ng mama n'ya. Napangiti s'yang muli. Akala n'ya kasi magsiselos na lang ito. "Gusto ko rin namang makilala ang mga kumupkop sa aming prinsesa." Dagdag pa nito.
"We'll do that. Papupuntahin natin sila dito." Si donya Helena ang nagsalita.
"Fhaye, ikaw ng bahala." Dagdag pa nito. Tumango naman si Fhaye.
"No problema." Ani Fhaye at kinindatan pa s'ya.
Dumako ang tingin n'ya sa mama ni Ranier. Ipinakilala na kasi ito sa kanya ni Ranier nong nasa airport pa lamang s'ya. Naikwento na rin ito sa kanya ni Ranier nong nasa Cebu sila. Pansamantala s'yang bumitaw kay Ranier at lumapit sa kinaroroonan ng mama ni Ranier.
"Hindi po kayo nagsasalita." Aniya nang mahawakan ang kamay noon.
"Gusto kitang makita. Gusto kong makita ang babaeng minamahal ng anak ko." Nakita n'yang sinikap nitong mahawakan ang mukha n'ya. Hinayaan n'ya lang ito. "Sa palagay ko napakaganda mo." Anito pero nasilayan na n'ya ang pagdungaw ng ngiti sa labi nito.
"Mas maganda po kayo." Aniya na ikinangiti pa nitong lalo.
"Sa susunod, 'wag mo ng iiwan 'tong anak ko huh!?" napatingala s'ya sa naghahawak ng wheelchair. Papa ni Ranier 'yon. "Halos mabaliw 'yang batang 'yan sa kahahanap sa'yo." Pabiro pang saad nito.
"Pa!" narinig n'yang react pa ni Ranier.
"Buti po hindi natuluyan." Pabirong tugon n'ya.
"Muntik na." sumakay na rin sa biro si Don Emilio.
"Kung hindi ko lang ginabayan, malamang baliw na 'yang bestfriend kong 'yan." Ganun din si Jake nakisakay na rin sa biro. Natuon na ang usapan at biruan kay Ranier.
"Sige pagtulungan n'yo ako." React pa ni Ranier.
"Pero sa lahat ng kabaliwan n'yan 'yong tungkol sa Shentell at STS ang kabaliwang hindi n'yan tinigilan." Si Aivan at inakbayan pa si Ranier. Nakita n'ya namang siniko nito 'yon.
"Kasama ka kaya don." Hirit pa ni Ranier.
"Pero hindi 'yan bumigay kasi hinintay ka talaga n'yan." Natuon ang mata nila ni Ranier sa papa n'ya. 'Yon kasi ang nagsalita. "Kaya hanggang ngayon matino 'yan dahil sa pagmamahal sa'yo." Napangiti s'ya sa sinabi ng ama.
"Papa, seryoso ka." Hirit n'ya.
"Buti pa si papa pinagtatanggol ako." Hirit din ni Ranier.
"Kaya nga 'wag ka na ulit aalis dahil baka matuluyan na." sabay hirit pa ni Mr. Tesorero.
Napuno ng tawanan dahil sa tinuran ng papa n'ya. parang bata namang nagreact si Ranier. They were happy. She is also indeed happy. She knew it. Nakabalik na talaga s'ya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Genç KurguRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed