Samantalang...
Bihis na bihis naman na si Shermayne nang lumabas ito ng kwarto. Saktong labas rin naman ni Ranier ng kwarto na nakapang-opisina na.
"Bihis ka na pala. Isasama sana kita sa opisina ngayon eh." Ani Ranier nang magkasabay silang bumaba ng hagdan.
"Ah-eh ano kasi eh." Nabubulol na namang saad n'ya. Hindi n'ya kasi alam ang idadahilan. Huminto naman 'yon at tiningnan s'ya.
"Ano kasi Ranier-" biting pahayag n'ya, "-ano kasi eh-" muli ay biting pahayag na naman n'ya saka huminga ng malalim, "-may lakad kasi ako eh." Aniya nang biglang maisip ang kaibigang si Melca. "Oo tama. May lakad ako. Lalabas kasi kami ni Melca ngayon. Tama. Medyo namimiss ko na rin kasi 'yon eh." Pagsisinungaling n'ya pa.
"Ganun ba. Oh sige next time na lang. Then I should go." Paalam nito sa kanya na tinanguan n'ya naman.
Nagulat s'ya sa huling ginawa nito. Dinampian nito ng halik ang kanang bahagi ng pisngi n'ya bago tuluyang bumaba ng hagdanan. Nakalabas na 'yon ng bahay nang matauhan s'ya.
Busina ng sasakyan ang muling umagaw ng atensyon n'ya. Sigurado s'yang hindi kay Ranier 'yon dahil narinig n'yang nag-start na ang kotse noon kanina. When she goes out of the house doon n'ya nakita ang sasakyan ni Aivan. Inalalayan s'ya ng lalaki para makapasok sa kotse. Lingid sa kaalaman nilang hindi naman pala tuluyang pumasok si Ranier sa opisina. Bumalik kasi ito nang makita ang sasakyan ni Aivan. Nasaksihan nito kung paano inalalayan ng pinsan si Shermayne. Nang makaalis ang sasakyan noon ay saka lang s'ya bumalik ng bahay at may tinawagan sa opisina.
"Hello. Yes it's me. I won't be working today." Aniya sa kausap sa kabilang linya saka ibinaba 'yon matapos makarinig ng sagot. Natigilan sa pagbibihis nang maalala ang mukha ni Shermayne at ng pinsan n'ya.
Habang nagbibiyahe sila ni Aivan bigla namang naalala ni Shermayne 'yong ginawang paghalik ni Ranier sa pisngi n'ya kanina. Bukod doon 'yong mukha ni Ranier ang nag-aappear sa isipan n'ya. Hindi n'ya mapigilang hindi isipin 'yon sa hindi malamang dahilan. Wala silang kaalam-alam na lihim silang sinusundan ni Alexa.
Yes. Alexa can drive and she has her student license already. Ginawa nito 'yon dahil she wants nothing but the best for her brother. Gusto n'ya lang kompirmahin kung tama ang hinala n'ya and slowly mukhang nakokompirma n'y ngang may gusto ang kapatid n'ya sa asawa ng Tito Ranier n'ya. Masama man ang balak n'ya but she'll do anything para sa kuya n'ya kahit ang katumbas noon ay ang paghiwalayin pa si Shermayne at ang pinsan nila.
Sa mga art gallery lang sila namasyal ni Aivan. She's expecting na magiging masaya s'ya pero iba ang nangyari. Sa halip kasi na matuon ang buong atensyon n'ya dito ay hindi dahil naalala n'ya si Ranier.
Hindi n'ya maintindihan ang sarili. Pakiramdam n'ya kasi may kulang na hindi n'ya malaman kung ano. May mga oras pa ngang naiiwan s'ya ni Aivan at saka lang 'yon babalik at hahawakan ang kamay n'ya kapag nakakalayo na sa kanya. Ibang-iba ito kay Ranier na hindi binibitiwan ang kamay n'ya kapag naglalakad sila. Lutang s'ya at 'yon ang bagay na hindi n'ya inaasahang mararamdaman n'ya habang kasama ang lalaking pinakamamahal n'ya.
Sa kabilang banda pinasok naman ni Ranier ang kwarto ni Shermayne. Suppose to be ilalagay n'ya lang ang painting set na inorder n'ya para dito pero napukaw ng atensyon n'ya ang nakabukas na cabinet. He tried to see kung anong meron doon at saka lang bumungad sa kanya ang mga pinta.
Nasa ibaba ang pintang nature at ang isa-isahin na n'ya 'yon laking gulat n'ya ng tumambad sa kanya ang mga mukha ng pinsan n'ya. Isang tila ba lumang painting ang nakaagaw ng atensyo n'ya. medyo maliit lang 'yon pero napukaw talaga noon ang buong-buong atensyon n'ya lalo na nang makita nito ang signature ng pintor noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/37688091-288-k631508.jpg)
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Novela JuvenilRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed