Kinagabihan...
Maraming naging bisita si Donya Helena ng gabing 'yon. Iba't ibang tao mula sa iba't ibang class. Naging bongga ang celebration na 'yon dahil nga once in a lifetime naman 'yon. Lahat halos sinubukan n'yang i-entertain katulong ang papa ni Ranier at ang kapatid nitong si Fhaye. Ganundin naman ang ginawa ng apo n'yang si Aivan at Alexa. Hanggang sa binigyan s'ya ng pagkakataong magbigay ng mensahe. Noong una masaya ang mensahe ngunit ng patapos na ay tila ba kumurot naman sa puso nilang nakakarelate doon ang sinabi ng donya.
"At higit sa lahat magiging mas makabuluhan at masaya sana ang kaarawan kong ito if that person who happened to be so close to my heart is here and celebrating it with me. Pero kahit na wala s'ya hinding-hindi ko pa rin s'ya malilimutan. Hinding-hindi ko pa rin malilimutan ang batang 'yon. Kung nasaan man s'ya ngayon sana ay masaya s'ya at bumalik na s'ya sa apo kong si Ranier. Naghihintay pa rin ang apo ko sa'yo, iha." Nagpahid ng luha si Donya Helena. "Maraming salamat sa pagdalo n'yo."
Bumuntong-hininga na lang naman si Ranier na kasalukuyang nasa may intrada at s'yang nag-ientertain sa mga dumarating na bisita.
"Namimiss mo pa rin s'ya tito." Nilingon ni Ranier ang nagsalita. "Welcome po." Baling nito sa pumasok na bisita. "Namimiss ko na rin s'ya. Kung alam kong magkakaganito at lalayo s'ya sana hindi ko na lang s'ya ipinilit na sagutin si Kuya." Puno ng pagsisisi si Alexa. Inakbayan n'ya ito.
"Wala kang kasalanan. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Tsaka alam ko namang babalik din s'ya. Medyo matagal nga lang but I'm sure babalik s'ya." nakangiting saad n'ya kay Alexa at saka ibinaling ang atensyon sa dumating na bisita.
"Pwede bang maiwan muna kita dito Alex? Kukunin ko lang cell phone ko sa loob nalimutan ko eh." Tumango naman ito sa kanya kaya nagpasya na s'yang pumasok ng mansion.
Nakasalubong n'ya pa si Ivy nang papasok na s'ya sa loob. Binati s'ya nito at ngumiti naman s'ya.
"Ivy." Habol n'ya nang lumagpas na 'yon sa kanya. Lumingon naman ito. "Balita?"
"Naghahanap pa rin." Nakuha naman kaagad nito ang tanong n'ya. "Ayaw pa ring magpakita. Pero sabi nga ni Fhaye maghintay ka lang. Darating na rin siguro 'yon." Nakangiting dugtong pa nito na nginitian na rin lang n'ya. "Sige labas na ako. Sabi ko kina Melca CR lang ako eh." Tumango naman s'ya at pumasok na sa loob.
Paakyat na s'ya ng hagdan nang mapansin n'ya ang isang nakabalot na bagay na pinagtutulungan ng dalawang kasambahay.
"Ate ano 'yan?" agaw n'ya sa atensyon ng mga 'yon.
"Sir hindi rin nga po namin alam. Baka po regalo kay madam kaya isasama namin doon sa mga regalong nakahanay sa loob." Sagot ng isa sa mga kasambahay na nagbubuhat noon. Tatalikod na sana s'ya pero ewan ba n'ya kung anong nagtulak sa kanya para puntahan ang dalawang kasambahay na 'yon.
"Ako ng magdadala nito." Aniya at pinagbigyan naman s'ya ng mga 'yon.
Dinala n'ya nga 'yon sa silid kung saan naroroon ang iba pang mga regalo. Paalis na s'ya doon pero muli n'yang nilingon ang nakabalot na 'yon. He was curious with that gift. Ewan n'ya ba. Pero para kasing may nagtutulak sa kanyang buksan 'yon. Hindi n'ya naman magawa dahil para 'yon sa lola n'ya. palabas na sana s'ya nang makasalubong n'ya naman si Donya Helena at si Fhaye.
"Mamzy."
"Oh iho, anong ginagawa mo dito?" napakamot s'ya sa ulo.
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Ficção AdolescenteRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed