Laking gulat ni Shermayne nang pagbukas n'ya ng pinto ng silid ay nabungadan n'ya si Ranier na tila ba kanina pa naghihintay sa kanya. Wala s'yang kaalam-alam na nakatanggap na 'yon ng bad news galing sa lola. Ibinalita kasi ng lola nito na sapilitang lumabas ng ospital ang kapatid n'ya.
"We need to go." Anas ni Ranier na ikinasalubong naman ng kilay ni Shermayne.
"We? Saan naman tayo pupunta eh diba nga may trabaho ka? Nakalimutan mo ba?" patay malisyang tugon naman ni Shermayne saka sinubukang lumabas ng kwarto pero hinarangan s'ya nito.
"We really need to go. Ang kuya mo." Napilitan ng sambit ni Ranier at dahilan para manalaytay sa kanya ang biglang lakas ng kaba. Without a second thought nag-ayos s'ya ng sarili and decided to go with him.
Chopper na ang ginamit nila papuntang Cavite at doon na ikinwento sa kanya ni Ranier ang tungkol sa kapatid n'ya. Naging mabilis lang ang pagdating nila ng Cavite. Bumati lang sila sa mamzy ni Ranier saka dumiretso na sa bahay nila.
Pagkapasok pa lang ni Shermayne sa bahay ay narinig na n'ya ang mga pinggan na tila ba hinuhugasan. Dumiretso s'ya sa kusina at naabutan ang kuya n'yang naghuhugas noon. Napansin n'yang nakasaklay 'yon habang nakatayo. Saka n'ya lang na-realize na halos tatlong buwan na s'yang hindi nakakadalaw sa kapatid. Mabilis n'yang sinaklulohan 'yon.
"Kuya." Masayang bati n'ya na ikinatigil namang pansamantala ng kapatid. 'Yon ang naging dahilan para yakapin n'ya ang kapatid mula sa likuran.
"Kuya dapat hindi ikaw ang gumagawa nito. Ako na since nandito naman na ako."
Laking gulat n'ya nang tanggalin ng kapatid n'ya ang braso n'yang nakayakap. Maging si Ranier na simpleng nakatingin sa kanila ay nagulat sa tila ba malamig na pakikitungo ng kuya n'ya sa kanya. Hindi n'ya naman inalintana 'yon saka nakisawsaw sa kapatid sa paghuhugas ng pinggan.
"Bakit bigla ka daw lumabas ng ospital. Tingnan mo nga you're not yet okay, kuya." Aniya pero hindi naman sumagot ang kapatid.
"Hindi ka rin daw umiinom ng mga gamot na inireseta sa'yo. Tapos sabi pa ni papa naging maiinitin daw ang ulo mo. Anong problema kuya?" aniya na muling sinagot ng kapatid ng pananahimik.
"Ako na dito. Magpahinga ka na muna. Gawaing babae ito." Nanatiling tahimik ang kapatid at hindi s'ya pinapansin.
"Kuya naman. Ako na nga dito sabi." Pagpupumilit n'ya at nagtagumpay naman s'ya dahil dahan-dahan s'ya noong iniwan at naglakad gamit ang saklay. Pinunas n'ya muna ang kamay n'ya sa suot na pants at inakmang aalalayan 'yon pero laking gulat n'ya ng tabigin nito ang mga kamay n'ya.
"Kuya!" nabigla s'ya pero tila ba hindi s'ya narinig noon. "Kuya!" ulit n'ya pero nanatiling nakatalikod 'yon sa kanya. "Kuya naman!"
"Anong ginagawa mo dito? Sa pagkakaalala ko wala na akong kapatid." Ani Jayson na lalong ikinabigla n'ya.
"Kuya naman. Eh ano palang ginagawa ng maganda mong kapatid dito? Hindi magandang biro 'yan huh." Aniya saka sinubukang lapitan 'yon pero hindi n'ya naituloy nang dahan-dahan din 'yong umatras palayo sa kanya.
"Hindi ko matandaang tinawagan kita para papuntahin dito? Wala rin akong maalalang may kapatid pa ako. Ang pagkakaalam ko kasi wala akong kapatid na traidor." Napatda s'ya sa narinig.
Hindi n'ya inasahang manggagaling 'yon sa bibig ng kapatid. Samantalang dahan-dahan rin namang lumabas si Ranier sa bahay upang bigyan silang dalawa ng pagkakataong magkausap pero rinig pa rin nito ang usapan ng dalawa mula sa kinaroroonan nito.
"Umalis ka na!" utos nito sa kanya na tila ba nakadurog sa puso n'yang sadyang durog na nang mga oras na 'yon.
"Kuya naman. Galit ka ba sa'kin? Hindi naman kita trinaidor eh. Kuya." Aniya na bakas sa mukhang nasasaktan sa nangyayari.
"Hindi mo ako trinaidor? Eh anong tawag mo sa ginawa mong pagpapakasal habang wala akong kalaban-labang nakahiga sa ospital?" bakas sa mukha ni Jaso ang paghihinanakit.
"Alam mo ba kung bakit kita ipinadala sa Maynila? 'Yon ay para ilayo ka kina donya Helena at kay Mr. Wong. Noong maaksidente ako ikaw ang nasa isip ko noon. Lahat ng makabubuti para sa'yo pinaplano ko na. Pero sa bandang huli nagdisisyon ka ng para lang sa sarili mo at hindi nag-iisip sa mararamdaman ng ibang taong nakapaligid sa'yo." Di na n'ya napigilang pumatak ang mga luha dahil sa binitiwang salita ng kapatid.
"Hindi ko inisip 'yong pansarili ko kuya. I was caught in between. I've decided to marry someone na hindi ko mahal para sa iyo, sa inyo ni mama. Masama bang magdisisyon ako para sa ikabubuti ninyo?" aniya sa pagitan ng paghikbi.
"Yon nga ang masakit doon Shermayne eh. Nagdisisyon ka nong time na mahina ako at alam mong walang magagawa. Nong mga panahong alam mong hindi ako makakatutol. Hindi ako inutil Shermayne pero nong ginawa mo ang disisyong sinasabi mong para sa ikabubuti namin ni mama ipinaramdam mo sa'kin na useless ako." Bakas pa rin sa tinig nito ang paghihinanakit.
"Ganun ba 'yong pakiramdam mo kuya? 'Yon na ba lahat ang ibig sabihin ng disisyon ko? I'm 24 years old. Enough to make my own decision." Aniya saka pinahid ang mga luha.
"Kuya lahat ng disisyon at gusto mo para sa'kin sinunod ko. Wag akong magtrabaho dahil baka nga magkasakit ako, wag akong sasama kung kani-kanino, wag akong lalabas ng hindi nagpapaalam sa'yo, wag akong magtatago ng sikreto, lahat ng 'wag mo kuya sinunod ko ng walang tutol. Lahat ng gagawin ko ikinukunsolta ko pa sa'yo dahil 'yon ang gusto mo pero kuya isang disisyon lang ang ginawa ko and yet you're treating it like it was the biggest mistake ever created." Sunud-sunod na ang pagpatak ng luha n'ya. She's hurting.
"Ayon na nga ang point ko eh you-" putol na sambit ni Jason.
"Kuya 50-50 si mama that time and she needs to be operated. You need to be treated as well. Nagdisisyon ako hindi dahil gusto ko kundi dahil pinili ko na mabuhay lang kayo. Pinili kong gumaling kaagad kayo. Ayokong maulit 'yong nangyari eight years ago kung saan kailangan pa kitang hintayin bago ako mag-decide." Putol n'ya sa sasabihin pa sana ng kapatid.
"Wag mo namang iparamdam sa'kin na mali 'yong disisyon ko. 'Wag mo namang iparamdam sa'kin 'yon dahil hindi mo alam kung anong naramdaman ko nong mga oras na pinili ko ang magdecide ng hindi kinukunsolta sa'yo." Aniya saka pinahid ang huling patak ng luha.
"Kung talagang wala ka ng kapatid then it's up to you. Pero tandaan mo nandito lang ako palagi para sa'yo because I will still be that same Shermayne you used to care of." Huling sambit n'ya saka nagmamadali ng iniwan ang kapatid na naiwan namang tila ba natauhan sa mga pinagsasabi n'ya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Novela JuvenilRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed