Nagising si Melca dahil sa isang napakalakas na tugtog ng sikat na kanta ang Boom Panes ni Vice Ganda. Hindi na s'ya nagtaka pa dahil halos dalawang buwan ng ganun ang nangyayari. Nakapantulog pa s'ya ng lumabas sa silid nya at nang makarating sa maliit na sala ay nakita n'ya ang naka-short at sleeveless na babae. Hanggang likod lampas balikat ang buhok noon. Pawisan na rin ang katawan noon dahil sa pagsabay sa tugtog. Ang maganda at maputing katawan noon ang malimit n'yang mapansin tuwing umaga habang nakikita n'yang sumasabay sa pagsayaw sa tugtog. Napansin naman ata noon na may nagmamasid dahil lumingon 'yon sa kanya.
"Melca! Oh! Gising ka na pala! Halika na! Sayaw ka! Sabay ka sa'kin para naman mabanat 'yang nanlalambot mong buto." Nakangiting bati ni Shermayne na nilapitan pa s'ya saka hinila. Nagpatianod lang s'ya pero nakatayo lang doon habang sumasabay na 'yon sa tugtog.
"Oh! Ano pang tinutunganga mo d'yan? Sabay ka na!" muling sambit nito sa kanya pero mas pinili n'yang manood lang dito. "Ay! Ayaw n'ya talaga." Ulit nito at pinisil ang pisngi n'ya.
"Eh pa'no ba naman ako makakasabay sa'yo eh inaantok pa ako. Lagi mo na lang akong ginigising noh." Sagot n'ya na animo'y nagtatampo.
"Hmmn! Di ka na nasanay! 'Kaw talaga!" anitong muli at saka pinisil ulit ang pisngi n'ya. Nagpatuloy lang ito sa pagsayaw na sinabayan pa ng kanta kahit sintunado naman.
"Anong kaguluhan naman 'to? Ngayon na nga lang ulet ako natulog dito tapos nabulabog naman ako ng atungal ng aso." Napalingon silang dalawa sa nagsalita-si Ivy 'yon.
"Makasabi ka naman ng atungal ng aso wagas! Maganda kaya ang boses ko sablay nga lang pag may tono." Ngingiti-ngiti namang sambit ni Shermayne.
"Si Joy?" usisa naman ni Melca.
"Gising na rin. Nahiya naman kasi ako sa alarm clock." Ani Joy Jemarie na humikab pa.
"Kitams Ivy. Alarm clock ako at hindi aso." Pabirong saad naman ni Shermayne. "Dali na sabayan n'yo na lang ako." Pagkuway saad nito at hinila-hila naman 'yong dalawa na lambot na lambot pa.
"Kaibigan ko ba talaga ang taong 'to?" pabirong usal ni Joy na tinawanan na lang ni Shermayne.
"Kape lang ang katapat n'yan." Ani Melca saka tinungo na ang kusina na sinundan naman ni Joy Jemarie at Ivy samantalang ipinagpatuloy na lang naman ni Shermayne ang pagsasayaw.
Si MELCA GARCIA ay isa sa mga closest best friend ever ni Shermayne. Sobrang caring, mabait, sweet, understanding at lahat pa ng positive word na may "ing" sa huli. S'ya 'yong nagbibigay ng matitinong advice kay Shermayne. May katangkaran ito at medyo mapusyaw ang kulay ng balat. Mala-kuya Jayson din ito ni Shermayne kung magsermon pero average kuya Jayson nga lang. Ulila na ito at s'yang nagmana ng maliit na tahanan ng matandang dalagang tita nito na kamamatay lang noong nakaraang taon.
Si IVY TAN isa sa mga kaibigan ni Shermayne ang pinaka nakaangat sa kanilang apat. Pinakamatangkad din s'ya sa kanilang apat. Pasaway din s'yang katulad ni Shermayne ngunit ang pagkakaiba nga lang nila eh kung si Shermayne ay close at malapit sa ama s'ya naman ay hindi. She runs her own life at kung may natatangi man s'yang gustong makasama sa buhay n'ya ng matagal 'yon ay sina Shermayne at hindi ang papa n'ya o kung sino pa man. Palaban s'ya at 'yon ang kakaibang ugaling tatak na n'ya.
Pinakamatalino, iyakin, kabahin at matatakutin pero palabiro pa rin, 'yan naman si JOY JEMARIE MARQUEZ (mama's girl). Wavy ang medyo may kahabaan n'yang buhok. Medyo mapusyaw din ang kanyang balat na humahabol lang din sa kulay ni Melca. Sa kanilang apat, s'ya ang walang problema sa pamilya kahit magkahiwalay ang parents n'ya. Pinaka-emosyonal rin s'ya sa kanilang apat.
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Teen FictionRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed
