S.S. 22 #StayingAtHisSide

226 6 1
                                        

Naging mahirap para kay Jake na masaksihan ang sumunod na nangyari sa kaibigan. Araw-araw na kasi si Ranier na nakaharap sa computer at hawak ang cell phone at gabi-gabi namang nagpapakalunod sa alak. Hindi n'ya akalaing magkakaganito ang kaibigan n'ya.

Noong tanungin nga s'ya ni Shermayne kung saan nagpupupunta ang kaibigan ay nagsinungaling pa nga s'ya. Sinabi na lang n'yang may out of town ito para sa isang importanteng business meeting where in fact ay nasa bahay nito ang kaibigan at doon nagmumokmok.

Para sa kaibigan ay sinubukan n'ya pang hanapin si Clare at nagbakasakali sa mga kaibigan nito pero bigo s'ya. Naging mahirap para sa kanya na makita ang kaibigan na sobrang lango sa alak. First time n'ya itong makitang parang patapon na, parang walang-wala na talaga. Pero wala naman s'yang mapagsabihan sa kalagayan nito dahil nangako s'yang magiging lihim ang lahat. Nangako s'ya kay Ranier.


Tatlong linggong naging ganun ang kalagayan ni Ranier at ganun din katagal na naghihirap ang kalooban ni Jake.

Samantalang wala namang kaalam-alam si Shermayne tungkol sa kalagayan nito. Nag-aalala s'ya dahil nakompirma n'ya kay Fhaye na walang dinaluhang kahit anong business meeting si Ranier at ni minsan after nilang bumisita kay Aivan ay hindi na ito muling pumasok sa trabaho. Sinubukan n'yang tanungin si Jake pero tikom talaga ang bibig nito sa kinaroroonan ni Ranier.


Makailang beses sila ni Aivan na nagpabalik-balik sa bahay ni Jake pero bigo sila. Blessing in disguise man pero masasabi n'yang ang biglaang pagkawala ni Ranier ang dahan-dahan namang naglapit sa kanila ng pinakamamahal n'yang si Aivan. Bad man s'yang ituring pero tanging idinadahilan n'ya lang kung bakit kasama n'ya ang lalaki ay dahil sa paghahanap kay Ranier where in fact gusto n'ya lang talaga itong makasama, period.


'Di kalauna'y hindi na rin nakatiis si Jake.

"Anong pag-uusapan natin? Is it about Ranier?" marahang pagtango lang ang itinugon ni Jake.

"So alam mo nga kung nasan s'ya? I knew it. Nong sinabi mong hindi mo alam nagduda na talaga ako." bumuntong hininga si Aivan saka nagpatuloy. "So asan s'ya?"

"Promise me you won't tell Shermayne about it. Nangako ako kay Ranier. Sa ngayon, kailangan ka n'ya. Baka sakaling maniwala kapag ikaw na ang kumumbinsi." tugon ni Jake. Nagsalubong naman ang kilay ni Aivan.

"Pero nag-aalala na si Shermayne. Gustong-gusto na nga n'yang tawagan si Mamzy para sabihin na nawawala si Ranier pero pinipigilan n'ya ang sarili n'yang gawin 'yon. We really have to tell her." ani Aivan.

"Tingnan mo muna ang kondisyon ng pinsan mo na bestfriend ko bago mo sabihin sa asawa n'ya." natigilan si Aivan sa tinuran ni Jake. "I'm sorry Aivan, pero halika na muna. Tingnan mo muna ang kalagayan n'ya saka ka mag-decide."

Hindi na umimik pa si Aivan sa halip ay tinawagan nito so Shermayne at pinakiusapang samahan muna sina CJ at Alexa dahil gagabihin nga s'ya ng uwi.

Habang nagbibyahe ay ikinuwento ni Jake kay Aivan ang nangyari.

Hanggang sa...

Madilim ang kwarto na kinaroroonan nito at nang buhayin n'ya ang ilaw noon ay halos magtakip na ng mata si Ranier dahil sa pagkasolo. Tumambad sa kanya ang kalagayan nito. Laking awa ni Aivan nang makita ang pinsang tila ba hindi na naaasikaso ang sarili dahil sa bigote nito at makapal na buhok. Nakita n'ya ring pumayat 'yon at bakas sa mata nito ang matagal na hindi pagkakatulog. Tila ba nalito si Ranier nang makita s'ya. tiningnan nito si Jake pero isang tango lang ang itinugon nito sa kanya saka iniwan silang dalawa doon.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon