S.S. 32 #DifferentSenaryos

162 6 0
                                    


Samantalang...

Makailang ulit namang kinatok ni Aivan ang kwarto ni Alexa pero hindi pa rin s'ya pinagbubuksan noon. Kahapon kasi pagkagaling n'ya kina Shermayne sa pagbabakasakaling makausap 'yon ay nagkukulong na si Alexa sa kwarto nito. Hindi pa rin ito lumalabas hanggang ngayon. Nag-aalala na s'ya para doon. Si Carl naman ay nananatiling nagmamasid sa kanilang dalawa.

"I'll talk to her, pop." Ani Carl at saka nagsimula na itong kumatok at tawagin ang pangalan ni Alexa. Sinulyapan s'ya nito saka ngumiti. "Ako na dito pop. Bumaba ka na muna. Wait mo kami downstair." Anito na halos ipagtulakan na s'ya.

"Ate alex. Ate Alex it's me Carl. Please open up. Bilis wala na si pop dito." Ani Carl na sunud-sunod ang ginawang katok . tila naman nakiramdam muna ang nasa loob saka dahan-dahang binuksan ang pinto ng silid. Dali-dali namang pumasok si Carl nang mabuksan n'ya ang pinto.

"Anong kailangan mo?" walang buhay na tanong n'ya sa bunsong kapatid.

"Nag-aalala na kasi si pop sa'yo. Bakit ba kasi nagkukulong ka dito. Magkaaway ba kayo ate?" usisa nito sa kanya at inilibot ang tingin sa silid. "Akala pa naman ni pop hindi ka kumakain." Usal pa nito nang makita ang mga nakakalat na balat ng chicherya, biscuits at chocolate sa loob ng kwarto n'ya.

"Hayaan mong mag-worry si Kuya. Baka sakaling ma-realize n'ya what he's missing." Makahulugang pahayag n'ya sa kapatid. "Hindi kami nag-aaway ni kuya." Dagdag pa n'ya.

"May problema ba si pop, ate?" usisa nitong muli. Tinitigan lang naman n'ya ang kapatid.

"Carl, napansin mo ba bumabalik si kuya sa pagiging lonely prince. Nakikita mo ba 'yong mga mata n'ya? Parang nawawalan na naman s'ya ng ganang mabuhay." Pagkuway saad n'ya dito na ikinakunot naman ng noo nito. Mukhang hindi s'ya naintidihan ng kapatid.

"Carl, nalulungkot si Kuya because she misses Ate Shermayne that much. Gusto mo bang nalulungkot ang kuya?" aniya na mariing inilingan naman ng kapatid.

"Then we're going to do everything para hindi s'ya malungkot diba?" muling pahayag n'ya na sunud-sunod namang tinanguan nito. "Remember malapit na ang birthday mo? Kailangan nating magcelebrate. We're going to invite Ate Shermayne at gawan natin ng paraan para magkausap sila. Tutulungan mo si ate diba?" sunud-sunod na namang tumango 'yon. Pinisil naman n'ya ang pisngi noon.

"But before that you have to talk to pop first." Ani Carl nang pisiilin n'ya ang pisngi nito. "Because he's really worried." Dugtong pa nito.

Nagpaikot naman s'ya nang mata pero tumalima naman sa gusto ng kapatid. Naabutan n'ya namang naghihintay ang kuya n'ya sa baba. Hindi n'ya naman nilapitan 'yon sa halip ay dumiretso s'ya sa dining area. Hinayaan na lang naman muna s'ya ni Aivan since naprove naman nitong okay s'ya.

Baguio...

"I think uulan Ranier. Sure ka bang magko-commute lang talaga tayo papuntang palengke?" ani Shermayne habang naghihintay sila ng tricycle palabas doon.

"Hindi 'yan. Trust me. Just wanted to prove you na kaya ko talaga ang mamuhay ng simpleng katulad mo."

"Bahala ka na nga d'yan." Tanging sambit nito saka dumating naman ang tricycle. May sakay 'yong dalawang matanda kaya't sa likod sila ng driver sumakay.

"Okay ka lang bang dito tayo or maghihintay pa tayo ng iba?" tanong sa kanya ni Ranier pero sumakay na s'ya doon.

"Okay lang sa'kin ewan ko lang sa'yo." Aniya pero proud na rin namang sumakay doon si Ranier. Palibhasa't hindi nga sanay nararamdaman n'yang hindi 'yon mapakali at alam n'yang nahihirapan 'yon kaya naman hinawakan n'ya ang kanang kamay noon. Medyo napanatag naman si Ranier dahil sa ginawa n'ya.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon