Madaling araw na nang magpasya s'yang umalis ng mansion. Walang nakamalay sa kanya maliban sa gwardya doon. Isa lang ang gusto n'ya ang umuwi sa kanila. Mabuti na lang at may tricycle ng naglilibot ng mga oras na 'yon kaya naman nakauwi din s'ya sa kanila. Naratnan n'ya pang gising na ang papa n'ya. nakita naman kaagad s'ya noon na bumaba ng tricycle kaya sinalubong kaagad s'ya nito. Walang sabi-sabing yumakap s'ya dito nang makaalis na ang tricycle.
"Papa." Muli naramdaman n'ya ang kagustuhang umiyak and she cried.
Hindi na muna nagtanong pa ang papa n'ya sa halip ay hinayaan na muna s'ya nitong umiyak habang nakayakap. Matapos 'yon ay sumunod s'ya dito papasok sa loob. Sinilip n'ya ang mama n'ya na natutulog at ganun din ang kuya n'ya.
"Alam kong may dinadala ka. Sabihin mo kay papa." Sumeryoso ang papa n'ya. namumugto pa rin ang mga mata n'ya dahil wala naman s'yang ginawa kundi ang mag-iniyak kagabi pa.
"Papa." Usal n'ya.
"Dahil ba ito kay Ranier?" tumango s'ya. "Sinaktan ka ba n'ya?" humikbi s'ya kasunod ng iling at ng pagtango.
"Papa, Papa." Paulit-ulit n'yang sabi. Nilapitan s'ya ng ama, umupo sa tabi n'ya at inakbayan s'ya kasunod ng pagpapaunan nito ng ulo n'ya sa balikat nito.
"Ang prinsesa ko umiiyak. Hindi ako sanay ng umiiyak ang prinsesa ko."
"Papa, mahal n'ya raw ako pero pinili n'ya 'yong girlfriend n'ya." sumbong n'ya sa ama. "Mahal n'ya ko pero pinili n'ya 'yong girlfriend n'ya." ulit n'ya. "Pinili n'ya 'yong girlfriend n'ya. Pinili n'ya papa." Paulit-ulit n'yang sumbong. "Ang sakit-sakit dito." At saka sinimulan n'yang suntukin ng mahina ang puso n'ya. Pinigilan naman s'ya ng papa n'ya.
"Kapag nagmamahal ka nasasaktan ka. Hiningi mo ba ang paliwanag n'ya kung bakit n'ya mas pinili 'yong sinasabi mong girlfriend n'ya?" hindi s'ya umimik.
"Hinintay mo bang makapagpaliwanag s'ya?" hindi pa rin s'ya umimik.
"Anak, alam kong nasasaktan ka ngayon dahil maraming tumatakbong konklusyong d'yan sa isip mo. Pero magtiwala ka lang sa kanya."
"Papa, nag-away kami. I mean inaway ko s'ya. Diba dapat sinubukan n'ya munang maresolba ang issue namin bago s'ya pumunta sa babaeng 'yon." Huminga ng malalim ang papa n'ya.
"Pinakinggan mo ba ang paliwanang n'ya sa kung anumang issue na mayroon kayo?" hindi s'ya umimik. Hindi n'ya nga man lang binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag 'yon. Sa halip pinili na naman n'ya ang umiyak.
"Hssh! Tahan na ang aming prinsesa. Tahan na." sansala ng papa n'ya. lingid sa kaalaman nilang gising ang Kuya Jayson n'ya at rinig nito ang pinag-uusapan nila. Napakuyom ito ng palad dahil sa narinig.
Manila, Hospital...
Halos pumatak ang luha ni Ranier sa anyo ni Clare. Gising nga 'yon pero halata namang naghihirap. Pero pilit pa rin 'yong ngumiti nang makita s'ya. Iniwan silang dalawa ni Jake at Krizza sa loob.
"R-R-Ranier." Narinig n'yang habol nito ang hininga matapos banggitin ang pangalan n'ya. "S-Salamat at nandito ka na." muli naramdaman n'ya ang paghihirap nito matapos magsalita.
"Ila-bas m-mo n-na ako dito." Nakita n'yang sinusubukan nitong ngumiti. "Gu-gusto k-kong pumunta sa park kasama ka. Ikaw lang." pinigil nya ang umiyak.
Nahihirapan s'ya para dito. Naalala n'ya ang sinabi ni Jake habang nasa biyahe sila pabalik ng Manila. Isang milagro ang paggising nito pero kailangan na nga raw nilang ihanda ang sarili nila sa posibilidad na mawawala na ito. Halos naririnig n'ya pa ang mga katagang 'yon na sinabi ng doctor kina Jake at Krizza nang magising si Clare.
"R-Ranier, ilabas mo na ko dito." Muling saad nito at nakita n'ya ang marahang pagpikit ng mata nito at muling pagmulat. Nakikita n'yang naghihirap ito pero hindi dumadaing.
"O-oo na-man." Tumikhim s'ya matapos sabihin 'yon. Pakiramdam n'ya kasi basag ang boses n'ya.
"Sa-sala-mat." Maikling tugon nito na pinilit pa ring ngumiti. "Wa-wag m-o kong i-iiwan." S'ya ang nahihirapan sa tuwing nagsasalita ito.
"Oo. Wag ka ng magsalita pa. Hindi kita iiwan." mahinang sambit n'ya dito na pilit naman nitong ikinangiti.
"Pa-pa-ngako?" ayaw n'yang mangako pero nong mga oras na 'yon alam n'yang kailangan s'ya ni Clare kaya naman sumagot s'ya.
"P-pangako." Nakita n'ya na namang pilit ngumiti 'yon.
Pakiramdam n'ya tinutunaw ng mga ngiti nito ang puso n'ya. Nasasaktan s'ya at nahihirapan para dito. Kailangan n'ya si Shermayne sa mga oras na 'to pero masyado namang komplikado para sa kanilang tatlo ang sitwasyon.
Katulad ng hiling ni Clare hindi s'ya umalis sa tabi nito. Nahimok rin n'ya si Krizza na i-discharge na si Clare at sa bahay na nito alagaan.
- - - -
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Novela JuvenilRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed
