Naiwan na si Shermayne sa silid ni Donya Helena at doon lihim s'yang lumuha habang nakatingin sa matanda. Pikit 'yon at alam n'yang himbing na himbing sa pagtulog. Sa ganoong pagkakataon alam n'yang hindi nito nakikita ang pagpatak ng luha n'ya.
"Mamzy ang totoo n'yan balak ko naman talaga kayong bisitahin dito kaso nagkaroon na nga ng malaking problema." Pinahid n'ya ang pumatak na luha.
"Pwede po ba akong magsumbong sa inyo? Alam ko pong wrong timing pero kailangan ko po itong sabihin sa inyo ei." Muli n'yang pinahid ang pumatak na luha.
Lingid sa kaalaman n'yang balak sanang pumasok ni Ranier sa silid pero hindi na natuloy nang marinig ang boses n'ya. Aalis na sana 'yon pero tila ba may nagtulak na 'wag na munang umalis kaya naman nanatili si Ranier sa may pintuan na medyo nakabukas ng kunte.
"Dumating na po 'yong talagang girlfriend ni Ranier pero nasa hospital po s'ya. Ang totoo po n'yan talagang maganda s'ya. Para po s'yang isang anghel. Kaya naman bibitiwan ko na po ang apo n'yo. Ibabalik ko na po s'ya kay Clare dahil mas kailangan s'ya ngayon ni Clare." Humikbi s'ya pero pinigil n'yang magkaroon ng tunog ang pagtangis n'ya.
"Kahit na kailangan ko rin s'ya. Kahit na mahal ko na po s'ya. Kahit na mahal na mahal ko pa rin s'ya." pinahid n'ya ang pumatak na luha.
"Kanina po nag-date kami ng apo n'yo." Pinilit n'yang ngumiti. "Date po ang tawag ko doon kahit tinaray-tarayan ko pa s'ya." lihim namang napangiti si Ranier.
"Kanina gustong-gusto ko na po s'yang yakapin at sabihing miss na miss ko na po s'ya kaso naalala ko 'yong kalagayan ni Clare at 'yong pangakong binitiwan ko kay Alexa." Nalungkot si Ranier sa narinig.
"Mamzy, 'wag po sana kayong magagalit sa'kin pero kailangan ko ng iwanan ang apo n'yo dahil wala akong karapatan sa kanya. Hindi s'ya tunay na sa'kin. Tatanggapin ko na po ang proposal ni Aivan at siguro mas pipiliin kong lumayo na lang kami." Ang kanina'y tahimik na pagtangis ay nagkaroon ng mahinang tunog. Gusto ng pumasok ni Ranier at damayan s'ya pero nagpigil ito.
"Pangako mamzy, matututunan ko ulit mahalin si Aivan. Pangakong magiging masaya ako sa kanya." Hindi na napigilan ni Ranier ang sarili at tuluyan ng pumasok sa silid na 'yon. Napalingon si Shermayne nang marinig na may pumasok sa silid.
"R-Ranier?" nagulat s'ya nang makita 'yon. Pero sa halip na sumagot ay hinila s'ya nito palapit at saka ikinulong sa mga bisig nito.
Tuluyan ng lumakas ang kanina'y pinipigil na pagtangis. Hinayaan n'ya lang na nakayakap 'yon sa kanya pero hindi s'ya gumanti ng yakap. Hanggang sa kumalma na s'ya at umalis sa pagkakayakap ni Ranier.
"Bakit mo 'ko niyakap!?" bumalik na naman ang pagtataray n'ya. Hindi naman umimik si Ranier sa halip ay tumingin lang ito sa kanya. "Kanina ka pa ba d'yan?" sinuri n'ya ang mukha nito. Napansin n'yang huminga ito ng malalim.
"Ang taray mo na naman." Umismid lang s'ya. "Kadarating ko lang. Kanina pa ako kumakatok kaso hindi mo naman binubuksan kaya ayon pumasok na ako. Eh napansin kong umiiyak ka kaya naman-" huminto si Ranier sa pagsasalita, "-bakit ka ba umiiyak?" tila ba wala itong alam na nagtanong sa kanya.
"Sinong may sabing umiiyak ako? Hindi ako umiiyak! Akala mo lang umiiyak ako." Depensa naman ni Shermayne.
"Ikaw! Kung hindi pag-iyak 'yong ginawa mo kanina eh di hindi." Sinulyapan muna nito ang lolahin. "Asa baba sila mama at papa." Tiningnan naman ito ni Shermayne. "Si Mama't papa mo, kasama si Kuya Jason. Kaya ako pumunta dito para sabihin sa'yo 'yon." Paglilinaw nito.
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Novela JuvenilRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed