"No! I was just mistaken. Namisinterpret ko lang lahat ng narinig ko. Alam ko ako lang ang mahal ni Ranier. Ako lang at wala ng iba." Aniya habang nagda-drive.
Pinilit n'yang papaniwalain ang sariling hindi totoo 'yon pero paulit-ulit lang bumabalik sa alaala n'ya ang mga narinig n'ya kanina. She got fully distracted until her head badly aches. Nabitiwan ng isang kamay n'ya ang manibela. She's along the highway at nawala na rin s'ya sa linya. Dahil sa sakit na nararamdaman ng ulo n'ya ay mariin n'yang natapakan ang silinyador ng sasakyan hanggang sa nabunggo s'ya sa isang sasakyan. It went completely dark.
Aivans Place...
"Ate Alex!" Nangibabaw ang boses ni Carl sa kabahayan. Sumigaw s'ya nang makita n'yang nagpagilong-gilong si Alexa sa hagdanan.
"Pop!" pagkuway saad nito nang makitang nagmamadaling lumabas ng silid si Aivan. Maging ito ay nagulantang sa nakita. Nakita n'yang may umaagos na dugo mula sa ulo ni Alexa. Nagmamadali s'yang sumaklolo doon.
Krizza's Place...
"Ano? Totoo?" bulalas ni Krizza sa sinabi ni Jake. Kasalukuyan silang nag-uusap ni Jake sa bahay n'ya.
"Totoo! They were married. It was not a fake marriage at all. It is real." Pag-amin ni Jake. Hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ng lalaki. May inutusan kasi s'yang magmanman kay Ranier at alamin lahat ng nangyari dito simula ng mawala si Clare. Nang malaman n'ya mula sa inutasang ikinasal si Ranier doon n'ya lang tinawagan si Jake para kompirmahin ito.
"Noong una I really think na hindi s'ya mahuhulog kay Shermayne pero hindi naman mahirap mahalin si Shermayne." Muli ay pahayag ni Jake.
"Kailangan nilang maghiwalay! I want him to file an annulment!" biglang matapang na saad n'ya na hindi inasahan ni Jake. "I want you to-" naputol ng tunog ng cell phone n'ya ang mga sasabihin n'ya pa. Unknown number ang nag-appear doon pero sinagot n'ya pa rin 'yon.
"Hello?" hinintay n'yang magsalita ang nasa kabilang linya. "Yes speaking. Teka sino ka ba?" naghintay s'ya ng sagot. "WHAAAT?" napatayong bulalas n'ya ng makinig ang sinabi ng nasa kabilang linya. Binaba n'ya kaagad ang phone matapos ang usapan.
"Anong nangyari?" usisa ni Jake sa kanya.
"Clare had an accident!" aniya saka nagmamadaling umakayat sa taas para i-check sa kwarto si Clare pero wala 'yon doon. "Oh my God!" bulalas n'ya at nagmamadaling bumaba ng hindi makita si Clare doon. Jake drove her to the hospital while on the way sinubukan n'yang tawagan ang phone ni Ranier pero unattended 'yon.
...
Sa parehong ospital isinugod sina Clare at Alexa. Walang kaalam-alam sina Shermayne sa aksidente ng dalawa dahil pareho namang naka-off ang cell phone nila. 'Yong kay Ranier sadyang ini-off nito 'yong sa kanya naman low bat lang talaga.
"Kanina ka pa tahimik d'yan." Puna ni Ivy kay Shermayne habang nakatitig lang s'ya sa bukas na TV pero wala naman doon ang atensyon n'ya. "Shermayne!" untag nito sa kanya.
"Naririnig kita." Sa halip ay sambit n'ya.
"Ivy pakisagot naman nong phone ko may tumatawag ata." Boses ni Joy ang sumabad sa kanilang dalawa. Nagtotoothbrush kasi 'yon. Tumalima naman si Ivy.
"Oh? Papa Aivan calling." Ani Ivy nang makita ang pangalan noon sa screen ng cell phone niya.
"Sagutin mo kaya." Ani Joy habang may toothpaste pa sa bibig. Tumalima na naman si Ivy. Natigilan s'ya nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya.
"Oh anong sabi?" tanong ni Joy nang matapos magtoothbrush.
"Naaksidente daw si Alexa?" muli ay may himig pagtatanong na usal nito.
Hindi pa naman kasi nami-meet ni Ivy si Alexa at si Aivan in person. Nabigla si Shermayne sa narinig. Without a second though kahit nakapambahay pa s'ya ay nagmamadaling kinuha sa pagkakacharge ang cell phone at lumabas ng bahay kasunod n'ya naman sina Ivy. Nasa taxi na sila ng buhayin n'ya ang cell phone. Puros text ni Alexa ang nabasa n'ya doon.
Unang text:
Ate san ka? Bat di mo sinasagot ang calls ko. Kept on calling you.
Pangalawang text:
Ate I nid 2 talk 2 u. ans. My call pls.
Pangatlong Text:
kapag di mo sinagot call ko then I'll do this.
Kasunod na text na nareceive n'ya mula sa bata:
Ate. I'll surely do this!
Sunud-sunod na ganung text na ang nabasa n'ya. Kinabahan s'yang bigla. Binasa n'ya pa ang ibang text saka n'ya nabasa ang text ni Jake.
Jake's Text
Is Ranier with you? Please if he's with you tell him that Clare had an accident.
Napatutop na s'ya sa bibig ng mabasa 'yon. Mabilis lang silang nakarating sa ospital. Tinanong nila sa admission area kung saan dinala 'yong pasyenteng isinugod doon na nahulog sa hagdan ayon na rin sa kwento ni Ivy na sinabi ng kausap nito sa kabilang linya kanina.
"Ate Shermayne." Si Carl habang nasa labas ng ER at patakbo ng lumapit sa kanya at yumakap.
Katulad ni Aivan kinakabahan na rin lang silang naghintay sa labas noon at saka di kalauna'y lumabas ang doctor doon telling them that Allexa's already safe. Nakahinga sila ng maluwag ng marinig 'yon.
Samantalang halos manlumo si Krizza nang marinig ang sinabi ng doctor.
"She's what? She's in a state of comma?" hindi makapaniwalang bulalas ni Krizza. Hindi n'ya inasahan 'yon. Maging si Jake hindi rin inasahan 'yon. Halos bumigay ang katawan ni Krizza pero inalalayan s'ya ni Jake.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
JugendliteraturRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed
