"Good evening." Bati ni Ranier ng maabutan si Shermayne sa living area na nakikipaglaro kay little rain.
"Hmmn! 7:30 pala huh. 8:30 na kaya. Late ka na. Kumain na ako dail nagutom na ako. Ang tagal mo kasi eh." Tila nagtatampong saad nito.
"Sorry naman. Hindi ko naman akalaing matatapos ng late ang proposal na 'yon but I got this." Anito sa kanya saka ipinakita ang boquet ng bulaklak at tinanggap n'ya naman 'yon nang iabot sa kanya.
"Ehem! Ako ba eh nililigawan mo huh? Everytime na uuwi ka palagi kang may dalang kung anu-ano. Nakakasawa na kaya."
Umarte naman na animo'y naghihinanakit si Ranier.
"Dapat nga magpasalamat ka pa. Aba nakakapagod din kaya 'tong ginagawa ko. Tapos deadma pa rin sa'yo." Pabirong saad nito dahilan para pisilin n'ya ang ilong nito.
"To naman 'di na mabiro. Lika na at susubuan kita sa pagkain mo bilang ganti ko sa kabaitang ipinapakita mo." Pabirong wika ni Shermayne saka iginiya si Ranier sa dining hall.
Tinitigan lang naman ni Ranier ang inihanda n'yang pagkain.
"Ayaw mo ba?" takang tanong n'ya nang mapansing hindikinikibo nito ang pagkain.
"Diba sabi mo nga susubuan mo ako. Ano na?" nakangiti at pilyong sambit naman ni Ranier. Umismid lang naman s'ya.
"At sineryoso mo naman. Nagbibiro lang ako kanina nong sinabi ko 'yon."
"Nakakagutom na talaga." Pagpaparinig pa nito sa kanya. Kaya naman hinawakan na n'ya ang kutsara saka nagsimula nang subuan ng pagkain 'yon.
Lihim silang pinapanood ng mga kasambahay at natutuwa ang mga 'yon sa kanila. Hindi maiwasang magtama ang paningin nilang dalawa pero palaging s'ya ang nag-iiwas noon. 'Yong totoo alam n'yang na-aattract s'ya kay Ranier pero pinipigilan n'ya ang sarili dahil alam n'ya ang limitasyon at karapatan n'ya sa buhay ng lalaking 'yon.
"Pop where are you going?" usisa Carl kay Aivan.
"Resto." Maikling tugon n'ya doon.
"But you haven't eaten your breakfast yet."
"I'm full." Sagot n'ya saka tumalikod na kay Carl at Alexa.
"Kuya palagi ka na lang ganyan. Hindi ka na namin nakakasabay kumain. Hindi mo na rin inaasikaso 'yong gallery mo. Masyado mo na namang siniseryoso ang buhay mo. Si Ate Shermayne ba?" diretsahang tanong ni Alexa sa kanya. Napalingon naman s'ya dito habang nagpapapalit-palit naman ang tingin ni Carl sa kanilang dalawa.
"Ano ka ba Alexa! It's not about her! Okay sasabay akong magbreakfast sa inyo kung 'yan ang gusto mo." Inis na saad n'ya saka padabog na dumulog sa hapagkainan.
"I think I'm already full." Disappointed na saad ni Alexa saka padabog na tumayo at iniwan sila.
"Alexa bumalik ka dito!" sigaw n'ya doon pero hindi naman s'ya pinansin noon sa halip dirediretso 'yon sa itaas.
"Pop, nag-aaway ba kayo ni ate Alexa?" inosenteng tanong ni Carl sa kanya.
"Of course not." Tanggi n'ya naman dito.
"Kasi naman if Ate Shermayne's the reason kung bakit ka nagkakaganyan then why not call her. I would love her to be here." Nakangiti pang sambit nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
JugendliteraturRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed