S.S. 54 #AsanKa

136 6 0
                                    




Matapos ang libing ni Clare ay sinikap alamin ni Ranier kina Melca kung saan nagpunta si Shermayne pero bigo s'yang malaman 'yon sa mga 'yon. Pumunta rin s'ya sa Cavite para tanungin ang mga magulang nito pero bigo s'yang makakuha ng kahit na anong impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Shermayne. Sa halip ay annulment papers na may pirma na ni Shermayne ang iniabot sa kanya ni Jayson. Wala na s'yang maramdaman maliban sa lungkot at pagdurusa. Katulad ngayon naririto na naman s'ya sa bar. Gusto n'yang uminom pero hindi n'ya magawa.

"Couz." Napalingon s'ya sa nagsalita.

"C-couz." Hindi n'ya inasahan ito. Umorder ito ng isang male's drink at saka iniabot sa kanya ang isang baso.

"Namimiss mo s'ya?" tumango lang s'ya. "Namimiss ko rin s'ya." ani Aivan at saka uminom ng alak. "Sobrang naapektuhan lang talaga s'ya ng mga nangyari kaya siguro mas pinili n'yang lumayo." Uminom na rin s'ya ng alak.

"Walang kwentang tao kasi ako." Hinawakan n'yang mahigpit ang baso ng alak. "Kaya umalis s'ya at iniwan ako dahil wala akong kwentang tao." Nakita n'yang uminom muli ng isang basong alak pa si Aivan.

"Patawarin mo ako couz. Ako ang dahilan kung bakit s'ya umalis. Kung hindi ko lang sinubukang sabihin sa'yong duwag ka at hindi masabi sa kanya ang totoo nasa tabi mo pa sana s'ya ngayon. Patawarin mo ako." Tiningnan n'ya ang pinsan. Napansin n'yang tila namayat ito. "Masyado lang akong nadala ng emosyon ko noon. Hindi ko naman akalaing maririnig n'ya 'yon. Patawarin mo ako couz." Umiling naman s'ya.

"Hindi Couz. Wala kang kasalanan. Kung sinabi ko kaagad sa kanya noon ang tungkol doon at kung mas naging matapang ako at hindi ko s'ya iniwan nong mga panahong 'yon hindi s'ya aalis. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko 'to."

Sabay silang bumuntong-hininga kaya naman nagkatinginan sila at doon pa lang alam nilang bilang magpinsan namiss rin nila ang isa't isa. They ended up hugging each other at kahit hindi nila sabihin alam nilang nagkapatawaran na sila.


- - -

"Sabi ko na ba d'yan kay Melca na mag-leave muna kasi may tatlong leave pa naman s'ya tapos pumasok pa rin talaga sa trabaho." Nagtatampo si Joy Jemarie kaya naman inakbayan s'ya ni Ivy. Naglilibot sila sa mall ngayon at bibili ng regalo kay Jayson na magbi-birthday na.

"Ako na lang ang tutulong sa'yo pagpili ng gift." Ani Ivy. Tiningnan naman n'ya ito ng masama. "Bakit ba? Wala kang ibang kasama dito kaya wala kang choice." Inalis naman ni Joy Jemarie ang pagkakaakbay n'ya saka parang batang nagdadabog.

"Hoy! Ano ka ba? Ang daming tao oh." Tila naman nahiya si Joy at nakinig kay Ivy. Marami ngang tao nang tingnan n'ya ang paligid.

"Bakit kasi pati si Shermayne hindi ma-contact. Kung andito lang sana s'ya alam ko kung anong ireregalo ko kay Kuya Jayson." Napaisip naman si Ivy bigla.

"Oo nga noh." Maikling sambit ni Ivy.

"Pansin mo ba ilang linggo na natin s'yang tinatawagan pero hindi naman natin ma-contact." Naningkit naman ang mata ni Joy.

"Ako talaga may hindi magandang pakiramdam eh." Tiningnan s'ya ni Ivy dahil sa sinabi n'ya. "Hindi kaya niloko lang s'ya nong dalawang French na 'yon?" pagkuway sambit n'ya kay Ivy.

"Tss!" tanging react ni Ivy. "Recommended din ni Prof. Mendez 'yong dalawang 'yon."

"Prof?" tiningnan ni Ivy si Joy Jemarie saka sinundan nito ang tinitingnan.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon