Samantalang...
Sa loob ng resto tahimik na naghintay si Ranier. Mabilis pa rin ang tibok ng puso n'ya. Hindi n'ya pa rin alam kung anong unang sasabihin n'ya. Pinaghalong excitement at kaba kasi ang nararamdaman n'ya. Hindi s'ya mapakali sa kinaroroonan. Tiningnan n'ya ang paligid ng resto. Iilan lang ang tao doon dahil sa kinausap n'ya ang pinakang manager ng resort about his plan on talking to his long lost girlfriend. Pumayag naman 'yon at sinabing may isa pa namang resto na pwedeng puntahan ng mga customer. Hindi s'ya mapakali sa upuan hanggang sa makita na n'yang parating na si Shermayne. Lalo lang bumilis ang tibok ng puso n'ya. kung nagkataong may sakit s'ya sa puso malamang inatake na s'ya nong mga oras na 'yon.
Tiningnan ni Shermayne ang resto nang makapasok s'ya sa loob. Walang masyadong customer. Kung meron man ay nasa pinakang dulo pa ang mga 'yon. Napansin n'ya ring nasa pinakang sentro ang table nila ni Ranier. Within a small span of time napaayos pa ni Ranier ang resto na 'yon eh mag-uusap lang naman sila. Naglakad s'ya palapit doon. Sinikap n'yang hindi magtama ang mga mata nila kaya iniiwas n'ya ang tingin doon hanggang sa makalapit sa table. Ipinaghila s'ya noon ng upuan at naupo naman s'ya. katahimikan na naman ang bumalot sa kanila. Animo nagpapakiramdaman pa sila kung sino muna ang magsasalita.
"I miss you."
Napahinto sa pag-inom ng juice si Shermayne nang marinig n'ya ang sinabing ni Ranier. Sinulyapan n'ya 'yon ng saglit lang. nakatitig 'yon sa kanya.
"Namiss kita sobra." Mas tumagos sa puso ni Shermayne ang mga katagang 'yon. She wanted to said the same thing pero wala s'yang lakas ng loob na isatinig 'yon.
"It's been three years pero hindi pa rin kita nakalimutan." Nagagawa na ni Ranier magsimula ng conversation kahit na mayroon pa ring awkward moments sa pagitan nila. "Kung san-san kita hinanap dito lang pala kita matatagpuan."
Tiningnan ni Shermayne si Ranier. Wala pa rin s'yang mahagap na salitang pwedeng sabihin. Iniiwas n'ya muli ang tingin nang makitang nakatitig pa rin ito sa kanya.
"Hindi na kita tatanungin kung bakit ginawa mo ang mga ginawa mo na dahil alam ko namang bahagi ako ng dahilan mo. Pero sana sapat na ang tatlong taon. Bumalik ka na sa'min. bumalik ka na ulit sa'kin."
Huminga s'ya ng malalim sa narinig kay Ranier. Naramdaman ni Shermayne na 'yong nararamdaman n'yang tila nakabara sa puso n'ya ay unti-unting nawawala. Sinubukan n'yang tingnan si Ranier. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Tiningnan n'ya ang mukha noon, walang ipinagbago sa halip mas nakita n'yang mas lalo lang 'yong gumwapo. Ang mga mata noon katulad pa rin ng dati, nababasa n'ya pa rin sa mga mata nito ang tunay na nararamdaman. Hindi na n'ya namalayang dahan-dahan ng umaangat ang kamay n'ya. she was trying to reach for his face. Naabot n'ya naman 'yon at hinawakan pa nga ni Ranier ang kanang kamay n'ya habang nakahawak 'yon sa kaliwang pisngi nito. Hindi n'ya alam kung bakit may pumatak na luha mula sa mga mata n'ya. Ang isang patak ay nasundan pa ng isa pa. Sa halip na pahirin ay hinayaan n'ya lang 'yon. Habang hawak ni Ranier ang kamay n'ya na-realize n'yang tama nga si Ivy. She just need to give it a try. Kahit hindi man s'ya magsalita alam na n'yang ang break na gusto ng puso n'ya ay ang break na makasama n'ya si Ranier. She still feels for her. After three years, ito pa rin ang laman ng puso n'ya.
Hinawakan na ni Ranier ang kamay n'ya at hinayaan n'ya lang 'yon. Mas pinili n'yang 'wag ng magsalita. Ang nararamdaman n'yang takot na magbalik ay parang dahan-dahang inaalis ng prisensya ni Ranier. Ang pag-aalinlangan na muling magbalik sa kanila ay dahan-dahan na ring nawawala. Si Ranier lang pala ang kailangan n'ya para maalis ang mga pag-aagam-agam.
"I miss you too." Pinakawalan na n'ya ang mga katagang talaga namang nararamdaman n'ya. she saw him smile. Then after that nakita n'yang tumayo si Ranier at nilapitan s'ya. lumuhod 'yon saka hinawakan ang kamay n'ya.
"I miss you more." si Ranier habang hawak ang kamay ni Shermayne. Humarap si Shermayne at dahil ng nakaluhod ang isang tuhod ni Ranier ay halos katapat n'ya na ito. Hindi na n'ya napigilan ang sarili. Niyakap na n'ya si Ranier. That was it. All her worries and doubts has been erased by that hug. Finally, she knew it. It was the sign she's been waiting for-their unexpected meet up. It was indeed fate. She believed it. Naniniwala s'yang pinagtagpo muli sila ng tadhana. This time alam na n'ya kung ano ang talagang kailangan n'ya at napatunayan na n'ya sa sariling her break is already over. She needs to go back.
Napapangiti naman si Ivy habang pinagmamasdan ang kaibigan at si Ranier sa may resto. Nawala lang ang ngiti nito nang maramdaman nitong may pumatong na braso sa balikat n'ya. Nilingon nito 'yon, si Aivan lang pala.
"May kailangan kang ipaliwanag." Ani Aivan.
Sinulyapan naman ni Ivy si Aivan. Alam n'ya kung ano ang ibig sabihin noon.
"Mukha nga." Maikli at pabirong sagot naman ni Ivy at saka inalis ang pagkakaakbay ni Aivan. "Gusto mo ng paliwanag? Tara sa mini bar." Naglakad na s'ya at naramdaman n'yang natagalan bago sumunod si Aivan. Sigurado s'yang pinagmasdan muna ni Aivan si Shermayne bago tuluyang sumunod sa kanya.
Napuno ng kwento at paliwanag ang gabing 'yon. Kwento at paliwanag galing kay Shermayne at Ivy. Pero ang pinakamahalagang kwento nang gabing 'yon ay ang katotohanang handa na si Shermayne na muling bumalik.
Two days later...
Kasama si Ivy, pumunta si Shermayne sa gallery ng itinuring na n'yang ama na si Mang Homer. Nakita n'yang busy 'yon sa paglilinig ng mga nakasabit na paintings. Nakita n'ya din ang nanay Aurora n'ya sa counter ng gallery. Yakap ang isinalubong sa kanya ng mga 'yon. Mahirap sa kanya ang magpaalam sa mga 'yon pero she needs to. She needs to bid goodbye to fully go back.
"Kung 'yan na ang disisyon mo ay hindi ka namin pipigilan. Sabi nga nitong si tatay Homer mo kung anong makapagpapasaya sa'yo palagi lang kaming nasa likod mo't nakasuporta sa'yo." Nakita ni Shermayne na may pumatak na luha mula sa mata ng itinuring na n'yang ina sa loob ng tatlong taon.
"Shentell, wag kang makakalimot. Kung kinakailangang araw-arawin mo ang pagtawag sa'min gawin mo. Mamimiss ka namin ng sobra." Pinipigil ni mang Homer ang maging emosyonal sa harap n'ya at alam n'ya 'yon. Nakita kasi n'ya kung paanong sa pagbuntong-hininga na lang idinadaan ni Mang Homer ang nararamdamang emosyon.
"Salamat po." Aniya. Hindi na n'ya mapigilang pumatak ang luha.
"Salamat po sa pagturing sa'kin na para n'yo ng tunay na anak. Sa pagmamahal n'yo sa'kin at pag-aaruga kahit hindi n'yo naman talaga ako kaanu-ano. Salamat po sa lahat-lahat, nay, tay." Pumatak na ang mga luha n'ya.
Nahawa tuloy sa kanya si Ivy na nanonood sa kanila. Katulad n'ya pumapatak na rin ang luha noon. Ang kaninang pigil n'yag pag-iyak ay nagkaroon ng tunog ng yakapin s'ya ni Aling Aurora. Yumakap din s'ya ng mahigpit at saka parang batang umiyak.
"Palagi kang mag-iingat." Ginulo naman ni Mang Homer ang maikli n'yang buhok.
"Kung kailangan mo kami, palagi lang kaming nandito para sa'yo, anak." Yumakap din s'ya kay Mang Homer. Ayaw na n'yang lalo pang magtagal doon dahil baka umatras na naman s'ya at magpa-iwan. Matapos ang pormal na pagpapaalam ay umalis na rin sila doon. Hindi na s'ya lumingon pa. ayaw n'yang makitang umiiyak na ng tuluyan ang dalawang taong naging malapit sa kanya sa nakalipas na tatlong taon.
Nasa eroplano na sila't lahat at pabalik na ng Manila pero hindi pa rin mapigilan ni Shermayne ang maging emosyonal. Nasa VIP seat sila at katabi n'ya si Ranier habang si Ivy naman ay katabi si Aivan. Sinubukan s'yang pakalmahin ni Ranier sa pamamagitan ng pag-akbay nito sa kanya. Sumandal s'ya sa dibdib nito at hindi na n'ya namalayang nakatulog na pala s'ya.
Naramdaman ni Shermayne na may yumuyugyog sa kanya. Iminulat n'ya ang mga mata. Si Ranier pala 'yon at ginigising na s'ya. magla-land na ang eroplanong sinasakyan nila. Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman n'ya sa isiping nasa Manila na sila. Hinawakan ni Ranier ang kamay n'ya. she then felt so secure. Palabas pa lang sila sa arrival area ay nakita na kaagad n'ya ang mga pamilyar na mukhang naghihintay sa pagbabalik n'ya.
...
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Teen FictionRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed