S.S. 10 #WhyHer?

242 10 0
                                    

"Good morning." Masiglang bati ni Ranier sa lolahin na nagbabasa ng dyaryo sa hardin. Halatang hindi s'ya inasahan ng donya.

"What's with that look, mamzy? Hindi ka ba masayang nandito pa ako?" pilyong sambit n'ya.

"Bakit andito ka? May trabaho ka diba? Remember you're currently the VP of-"

"I wanted to talk to you mamzy and besides alam na ng secretary ko ang mga gagawin kapag wala ako. I instructed her everything." putol n'ya sa sasabihin pa ni donya Helena.

"So sana pala s'ya na lang ang VP ng SC." Sa halip ay wala sa loob na sagot naman nito.

"Mamzy, 'wag na muna nating pag-usapan 'yong tungkol sa SC. I wanted to talk to you regarding Shermayne."

Napahinto sa pagbabasa ang Donya at inilapag ang dyaryo sa mesang naroroon.

"And what about her?" naging interesante ito sa usapang 'yon.

"Bakit s'ya? I mean, madaming iba d'yan pero bakit s'ya? She's just an ordinary girl, walang pangalan, walang koneksyon walang-"

"She's a good person, a very beautiful lady in and out and she's just the best candidate to be your wife."

"But you knew from the start that I do have a girlfriend, Mamzy. Bakit kailangan mo pa akong ipakasal sa kung kanino na lang gayung alam mo namang may girlfriend na akong mahal na mahal ko at mahal ako." Sineryoso na ni Ranier ang usapan.

"May girlfriend ka pero nasan s'ya? Diba wala s'ya dito?" seryoso na rin ang donya. "Kung ayaw mong magpakasal madali lang naman ang solusyon, iho. Give up and just throw everything away kasama na ang SC." Mapanghamong sambit nito.

"You know I can't do that. Hindi ko hahayaang mawala sa'kin ang kompanyang matagal n'yo ng ipinangako na mapupunta sa'kin. Aivan even gave up that company for me."

"Ayon naman pala eh. Ano pa bang problema? You wanted SC that much and I'm giving you the chance to have it. We had a perfect deal at kung hindi mo kayang tuparin ang deal natin then QUIT." Seryoso pa rin ang donya.

"Paano n'yo naman napapayag ang isang katulad n'ya eh inamin n'ya sa'kin mismo na ayaw n'ya sa'kin."

"Wanna hear a good story, iho?" naging curious naman si Ranier sa tanong na 'yon ng grandma n'ya.

"I blackmailed you and I did the same to her." Paunang sambit ni Donya Helena na lalong ikina-curious lang ni Ranier.

"Her father helped me in a way you should not know. So nong nalaman kong naghahanap ng mapagsasanlaan ang papa n'ya para sa pagpapagamot sa mama n'ya I gave it a shot. Si Anton ang naging front ko. Si Anton ang nakakausap nila but definitely sa'kin nakasanla ang lupa nila. Lumagpas sila sa due date. Wala silang pera para tubusin ang lupa kaya naman pinili kong bigyan sila ng offer na hinding-hindi nila matatanggihan." Napangiti ang donya sa alaalang 'yon.

"Ang sabi ko ke Anton ibabalik ko for free ang lupa nilang 'yon kapalit ng pagpapakasal ng bunso nilang babae sa apo ko. Doon lang nila nalaman na hindi si Anton kundi ako ang pinagsanlaan nila. Unfortunately ipinadala ng kuya n'ya si Shermayne sa Manila and declined the offer. Pero you know me. Kung anong gusto ko, nakukuha ko." Napangiti na naman ito.

"I thought I'm losing it but it was fate that bring her back to me and to you, iho. Nagkasunod-sunod ang malas ng pamilya nila nang muling atakihin ang mama n'ya at maaksidente naman ang kuya n'ya. 'Yong malas na 'yon bwenas naman ang katumbas sa'kin. S'ya na mismo ang tumanggap sa deal kapalit ng lupa, at ng gastos sa operasyon ng mama at kuya n'ya. But I told Anton to have an additional condition. 'Yon ay ipakulong sinuman sa papa at kapatid n'ya kung sakaling magpasya s'yang umatras sa napagkasunduan." Pagpapatuloy ni Donya Helena.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon