Lumipas muli ang mga araw na hindi n'ya pa rin iniimikan si Ranier at wala talaga s'yang balak imikan ang mokong na 'yon. Basta napansin n'ya lang na nagpapaalam 'yon sa kanya na papasok na raw sa trabaho. Deadma pa rin s'ya doon dahil wala naman s'yang pakialam. Makailang beses n'ya ring napansing nagtatangka 'yong lapitan s'ya pero palagi s'yang paiwas. 'Yong totoo nahihirapan rin s'ya sa sitwasyon pero nabubwisit nga lang talaga s'ya sa lalaking 'yon.
Hindi na n'ya halos mabilang kung gaano na s'ya katagal sa bahay na 'yon ni Ranier. Kaya naman nagpasya s'yang lumabas at itinaon n'ya talagang dayoff ng kaibigang si Melca.
That was also the time na nagpasya s'yang bilhin ang asong matagal na n'yang gustong bilhin. Si Melca pa rin ang kasama n'ya dahil si Ivy ay balik Cebu agad pagkatapos ng kasal n'ya.
Ang ending nilang magkaibigan ay sa bahay nito kung saan walang patid na kwentuhan ang kanilang pinagsaluhan. Deadma s'ya sa mga pagtunog ng cell phone dahil alam n'yang si Ranier lang 'yon at mambubwisit lang sa kanya.
Samantalang...
Alalang-alala naman si Ranier dahil wala kahit isa sa tawag n'ya ang sinagot ni Shermayne. Kaya naman nakahanay sa harapan n'ya ngayon ang mga kasambahay at mga gwardya dahil maging ang mga 'yon ay hindi akam kung saan nagpunta si Shermayne.
Galit na galit s'ya dahil hinayaan ng mga 'yon na umalis ng bahay si Shermayne na mag-isa.
Isa lang ang lugar na naisip n'yang pwede n'yang paghanapan kay Shermayne at 'yon ay sa bahay ng kaibigan nito. Nagpasya na s'yang hanapin si Shermayne sa bahay ng kaibigan noon kahit na hindi pa s'ya nagbibihis. 'Yong suot n'yang damit sa opisina ay 'yon pa rin ang suot n'ya sa pagsunson sa babae. Si Mang Jonas ang driver n'ya dahil ito ang may alam ng bahay ni Melca.
Natigil sa paghalakhak sina Shermayne nang makarinig ng katok sa pintuan.
"Saglit lang Mayne." ani Melca at saka mabilis na tinungo ang pintuan.
"Magandang gabi po. Andito po ba si Mam Shermayne?" tanong kaagad ni Mang Jonas.
"Mang Jonas? Ano pong ginagawa n'yo dito?" ani Shermane nang makitang si Mang Jonas ang mapagbuksan ng kaibigan.
"Mam mahal ko po ang trabaho ko. Baka naman po pwede na kayong sumama sakin pabalik sa bahay. Kung hindi po kayo sasama, matatanggal po ako sa trabaho." pakiusap ng matanda. Nagkatinginan tuloy sila ni Melca.
"Sige na. Next day off ko na lang ulit tayo lumabas." si Melca ang nagsalita. Nag-aalangan man ay mas pinili n'yang sumama kay Mang Jonas pabalik.
"Mam ako na po ang magdadala n'yan." mahinahong sambit ni Mang Jonas sa nakakahon n'yang tuta pero tumanggi s'ya. "Ano po ba 'yan mam?" usisa muli ng matanda nang makarating sila sa may kotse.
"Si little Rain po." makahulugang sambit n'ya at umismid pa nang makitang naghihintay sa loob ng sasakyan si Ranier. "Mang Jonas pwede pong pabuksan ng likod? Doon ko na lang po ito ilalagay." mabilis namang tumugon ang matanda.
Napakatahimik lang ni Ranier hanggang sa makarating sila sa bahay. Pakiramdam n'ya tuloy galit ito sa kanya.
Hindi man lang s'ya nito pinagbuksan ng kotse sa halip ay dire-diretso lang ang ito papasok ng bahay. Wala talagang balak 'yon na pansinin s'ya dahil nang makapasok s'ya sa bahay ay nasa kalagitnaan na 'yon ng hagdanan. Nakadalawang beses s'ya ng tawag sa lalaki pero hindi man lang s'ya pinansin.
"RANIER!" pangatlong beses na sigaw ni Shermayne dahilan para lingunin s'ya ng lalaki.
"Hindi ako bingi! 'Wag kang sumigaw! Wala ka sa bundok!" sagot ni Ranier nang lingunin s'ya.
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Teen FictionRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed
