"Then proceed to the real highlight of this event." Makahulugang saad ni Aivan saka at kinindatan pa nito si Ranier.
Muli namang tumingin sa kanya ang lalaki at nakita n'yang huminga muna ito ng malalim.
"I met you accidentally. You wreck my car. That was a brand new one. Clare even chose that car for me." Sa sinabing ito ni Ranier naalala n'ya 'yong unang pagkikita nila nito kung saan aksidenteng nagasgasan ang kotse nito ng scooter na dala nila nong mga oras na 'yon.
"What have you done?" si Jake ang nagsalita sa himig na pagalit. Nabaling tuloy ang mata n'ya sa kinaroroonan ni Jake at doon n'ya nakitang nakatungo si Ivy sa pasigaw na tanong ni Jake. Nakita n'ya ring umarteng nagulat sina Joy at Alexa.
"Can't you see, you've just wrecked my car!" muling sambit ni Jake.
"Joy! Mayne!" si Melca naman ang nagsalita. Napangiti s'ya. Na-gets na n'ya ang ginagawa ng mga 'yon. Inire-reenact ng mga 'yon 'yong first time na pagkikita nila ni Ranier. "OM-Geez! Okay ka lang ba kayo Mayne? Joy?" pagpapatuloy ni Melca sa pag-arte.
"As you can see they're both fine but as for my car IT'S NOT FINE!" matapang na anyo Jake.
Muling nabaling ang mata n'ya kay Ranier dahil nagsalita na naman ito.
"Remember that I even blackmailed you para lang mag-pretend na girlfriend ko and I succeeded. Unfortunately nagkaroon ka ng emergency and the we both found out na ikaw at ako pala ay nakatakdang magpakasal. We both were caught in between so we had no chance kundi tanggapin 'yon but I had so many tricks with me." Saad ni Ranier.
"Peke? Anong ibig mong sabihin?" si Ivy ulit. Umaarte ulit ito at napatingin ulit s'ya sa kinaroroonan nito.
"Hindi mo gusto ang kasalang ito. Hindi ko rin gusto pero hindi naman natin pwedeng atrasan dahil sa mga pansarili nating dahilan. Kaya naman wala tayong ibang choice kundi gumawa ng ibang paraan." Si Jake 'yon na ginagaya ang reaksyon ni Ranier.
"At naisip mong i-fake ang marriage natin?" si Ivy pa rin.
"Yes! I can assure you, once na nasa pangalan ko na 'yong main company namin sa Hongkong at 'yong dito sa Pinas madali na nating mapapalabas na fake ang kasal natin. Naiwasan na nating matali sa isa't isa at higit sa lahat, naisahan natin si Mamzy."
Napangiti s'ya dahil nakita n'yang natahimik si Ivy at kuhang-kuha nito ang pananahimik na naging reaksyon n'ya noon.
"Intindihin mo naman ako. May girlfriend ako at mag-aapat na taon na kami sa darating na December. Isipin mo na lang kung anong mararamdaman n'ya kapag nalaman n'yang kasal na ako." Tahimik lang si Ivy. "Mahal na mahal ko s'ya, Shermayne."
So kaya pala malimit magkasama sina Jake at Ivy dahil dito. Ngayon alam na n'ya. Prinaktis talaga siguro ng mga ito ang reenactment na 'yon dahil wala s'yang nakitang awkwardness sa dalawa.
Bumalik muli ang atensyon n'ya kay Ranier.
"I planned on faking our marriage but Mamzy caught me. Kaya naman ang dapat sana'y pekeng kasalan nauwi sa totohanan. Hindi ko sinabi sa'yo ang totoo dahil ayokong mag-worry ka. So I pretended that our marriage is fake." Huminga itong muli ng malalim.
"I then found out na hindi pala 'yong pagkikita natin sa coffee shop ang una nating pagkikita. We've already met when I was nine and you were eight." Nag-pause muna si Ranier bago muling nagpatuloy.
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
TeenfikceRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed
