Palakpak nang mga ilang saksi sa kasal nila ang naging huling signal bago sila dumulog sa hapagkainan. Kasama n'ya si Shermayne habang kumakain na sila pero hindi n'ya inaalis ang pagsulyap kay Fhaye na iwas naman ang mata sa kanya. Nong makakuha s'ya ng pagkakataon ay nagawa n'yang personal na kausapin si Fhaye. Nagtaka man si Shermayne ay hinayaan na lang s'ya sa halip ay si Jake na ang kumausap sa kanya habang wala si Ranier.
Habang pasimple naman ang paglapit na ginawa ni Ranier kay Fhaye kung saan napansin n'ya ang marahang pagsinghap nito nang makalapit s'ya.
"How did she knew it?" galit na tanong n'ya kaagad kay Fhaye habang pinipigil na mapalakas ang boses. "You ruined everything! You stupid bitch!" muli ay galit pa rin ang tinig n'ya.
"S-Sorry po. Hindi ko naman inasahan na i-scan n'ya ang mga gamit ko." Halos magkabulol - bulol na sagot naman nito sa kanya.
"May kasalanan ka na naman sa'kin. Pero kalilimutan ko 'to kung ipapangako mo sa'kin na hindi malalaman ni Shermayne ang tungkol sa nangyari. Hindi n'ya dapat malamang hindi peke ang kasalang ito. Naintindihan mo ba ako?!" hindi naman sumagot si Fhaye dahil sa takot.
"Naintindihan mo ba ako, huh?" ulit n'ya na sinagot naman ng sunud-sunod na tango nito.
Napansin n'yang halos nagpipigil na ito sa paghinga kaya naman kahit gusto n'ya itong itulak sa pool since nasa may pool side sila nag-usap ay mas pinili n'yang putulin na ang usapan. Napatda naman s'ya nang makasalubong ang mga kaibigan ni Shermayne. Sinubukan n'yang iwasan 'yon pero talagang hindi s'ya nais padaanin ni Ivy na s'yang nagunguna sa tatlo.
Samantalang...
"Mula ngayon bahagi ka na ng Sui Shermayne, ang nakapagtataka lang eh kung bakit parang okay lang sa'yo ang mga nangyari." Ani Jake na sa halip sagutin n'ya ay nginitian n'ya lang.
"At nagagawa mo pang ngumiti ngayon. May dapat ba akong malaman?" hindi na naman s'ya sumagot at nananatiling ngiti lang ang tugon doon. "Hindi mo ba ako sasagutin?" muli ay sambit nito.
"Diba dapat mas alam mo since kaibigan ka ni Ranier?" makahulugang sambit nito. "Maiwan na kita. Kailangan ko pa ring kusapin sina Ivy." Aniya saka tumayo na. "Wag mo 'kong susundan." pahabol pa niya nang mapansing balak nitong sundan s'ya.
"Ranier!" seryosong banggit ni Ivy sa pangalan n'ya. Dala ng inis kay Fhaye ay hindi makangiti si Ranier sa halip ay buringot itong sumagot ng 'oh'.
"Aba! Mayabang pala naman 'tong taong 'to eh." Pagkuway sambit nito dahil sa tinuran n'ya.
"May problema ba tayo?" sa halip ay tanog n'ya na pinilit pakalmahin ang sarili nang ma-realize na kaibigan nga pala ni Shermayne ang kausap n'ya.
"Meron. 'Yong fact na pinakasalan ka ng kaibigan ko at 'yong reyalidad na mayabang ka." Matapang na sagot naman nito sa kanya.
"Naku Ranier pagpasensyahan mo na 'tong si Ivy. Nagbibiro lang 'yan." Hinging paumanhin ni Joy saka siniko si Ivy.
"Nagbibiro ba s'ya ng lagay na 'yan? Mukha kasing seryoso." Sa halip ay may pagka-antipatikong sambit n'ya.
"Oo! Seryoso at hindi ako nagbibiro. Wag kang antipatiko dahil mukha ka namang aso."
Nagpantig ang tenga n'ya sa narinig.
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong n'ya na nagpipigil sa galit.
"Bingi ka rin pala bukod sa mayabang at antipatiko." Muling saad ni Ivy na ngumiti pa ng nakakloko.
"Wala akong pakialam kung kaibigan ka pa ni Shermayne o hindi. Pero -"
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Ficção AdolescenteRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed