Nang makabalik na si Aivan ay nagpaalam si Shermayne pansamantalang lalabas muna ng silid ni Alexa. Pakiramdam n'ya kasi naso-sophocate sya sa loob. Hindi n'ya matagalang nakikitang nasa ganung anyo si Alexa. Nasa labas na s'ya ng kwarto ni Alexa nang di sinasadya'y nabunggo s'ya sa isang babae. Humingi s'ya ng dispensa.
"You're that Shermayne Tesorero, aren't you?" tiningnan n'ya ang babaeng nabangga n'ya. Hindi n'ya 'yon kilala pero mukhang kilala naman s'ya noon. Tumango na lang naman s'ya tanda ng pagsang-ayon.
"I'm Krizza Enriquez. Clare's bestfriend. You know Clare? She's your husbands girlfriend." Natigilan s'ya sa sinabi nito. Nakitaan n'ya rin ng tila ba galit ang mga mata ng kausap.
"What a coincidence na dito pa kita personally mamimeet." Nakita n'ya how Krizza smirked at her. Bigla s'yang kinapitan nito ng mahigpit sa braso.
"Total nandito ka na rin lang naman I want you to see her. Gusto ko ring malaman mo kung anong kondisyon ng kaibigan ko ngayon." nasaktan man s'ya sa ginawa nitong pagkaladkad sa kanya ay hindi s'ya nagreklamo.
Napatutop ang kamay n'ya sa bibig ng makita ang kalagayan ni Clare. May benda ang ulo at may sugat ang mukha. Nakaramdam s'ya ng awa lalo na ng makita ang machine sa gilid noon.
"Kahapon s'ya naaksidente. For a reason I still don't know." Ani Krizza. "But one thing is for sure. Alam kong isa lang ang pinuntahan n'ya kahapon. Si Ranier lang 'yon." Tiningnan s'ya ni Krizza.
"Dideretsahin na kita. Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Ranier. You're his wife and as his wife malamang nasa iisang bahay lang kayo. I wanted to ask you. Asan ka kahapon?" nanlilisik ang mga mata nito. Hindi s'ya makasagot.
"Kung pareho kayong nasa bahay ni Ranier kahapon then what the heck is going on with the two of you yesterday! What happened between the two of you yesterday?" sigaw nito sa kanya. Hindi pa rin s'ya makasagot lalo na ng maalalang niyakap s'ya ni Ranier kahapon.
"I know may kinalaman si Ranier sa pagkakaaksidente ni Clare." Nanatili s'yang tahimik at nakatuon ang mata kay Clare. Hinawakan s'ya ni Krizza ng mahigpit sa magkabilang braso.
"Kung ayaw mong sabihin kung asan ka kahapon pwes makinig ka sa'kin. Makinig ka sa sasabihin ko sa'yo." Nasasaktan s'ya sa ginagawa nito pero hindi s'ya nagreklamo. "Sa harap ni Clare sumumpa kang lalayuan mo na si Ranier. Look at her. She has a tumor and yet she's in a state of comma." Halos nabasag ang boses ni Krizza nang sabihin 'yon. Na-shock s'ya sa narinig. "If you want money I can give you that. Basta layuan mo lang si Ranier. Kapag ginawa mo 'yon matutuon na muli ang buong atensyon n'ya kay Clare. Who knows a miracle will happen that might save her from that condition."
"Kung pakiramdam mo na ipinaramdam sa'yo ni Ranier na mahal ka n'ya believe me it's not true. Kilala ko si Ranier at isang babae lang ang kaya n'yang mahalin. Bumalik na si Clare and it's her time. Pero sa lagay n'yang 'yan paano n'ya pa masusulit ang mga araw? So, 'wag ka ng magpakita pa kahit kelan kay Ranier. Leave them both alone." Kinagat n'ya ang ibabang bahagi ng labi para pigilang umiyak dahil sa tinuran ng babae.
"Bago mo pa sabihin nagawa ko na. Naiwan ko na s'ya kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala." Sa wakas ay nagawa n'yang magsalita. "Iniwan ko na s'ya at kung gusto mong 'wag na akong magpakita pa sa kanya. Gagawin ko 'yon." Rinig n'ya ang tila nabasag na bagay sa puso n'ya. she's breaking. Her hearts breaking.
"Makakalis ka na." ani Krizza nang sabihin n'ya 'yon. Pagkalabas ni Shermayne nang kwartong 'yon ni Clare ay s'ya namang dating nina Ranier at Jake.
Nakaramdam ng awa si Ranier nang makita ang kinahinatnan ni Clare.
"It was all your fault!" sisi sa kanya ni Krizza pero hindi na n'ya 'yon pinansin. Lumapit s'ya kay Clare at nakaramdam s'ya ng pinaghalong awa at guilt.
Hindi pa rin nakakahulma si Shermayne sa narinig mula kay Krizza. Kung galing si Clare sa bahay ni Ranier kahapon posibleng nasaksihan nito ang lahat ng nangyari kahapon. Umiling-iling s'ya pero 'yon ang nagiging konklusyon ng utak n'ya.
"Kasalanan ko kung bakit naaksidente si Clare." Piping sisi n'ya sa sarili.
One week later...
In comma pa rin si Clare at si Alexa hindi pa rin nagigising. Katulad ni Ranier hindi na rin halos umaalis si Shermayne sa ospital. Gusto n'ya kasing makagisnan s'ya ni Alexa doon. Mag-isa s'ya sa silid ni Alexa dahil hinayaan n'yang pumunta si Aivan sa restaurant nito. Medyo napapabayaan na rin kasi nito 'yon simula nong aksidente ni Alexa.
"Wake up Alexa. You should wake up. Andito na si Ate Shermayne." Mahinang wika n'ya habang hawak ang kaliwang kamay ni Alexa. Bumukas ang pinto ng silid dahilan para lingunin n'ya kung sino 'yon. Hindi n'ya inasahang si Ranier ang makikita n'ya doon. Ibinalik n'ya ang tingin kay Alexa.
"Kumusta na s'ya?" pagal ang tinig ni Ranier at alam n'yang pagod din 'yon. Hindi naman ito lumapit sa kanya sa halip ay nanatili lang itong nakatayo sa nakasaradong pintuan. .
"I heard ikaw parati ang nagbabantay dito. Pasensya na ngayon lang ako nakasilip dito. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon." Paliwanag nito pero hindi n'ya pa rin nililingon si Ranier. "Hindi ka ba napapagod? Ang sabi ng mga nurse ilang gabi ka na raw halos walang tulog."
"Kelangan ko eh." Maikling tugon n'ya. "Salamat sa pagbisita." Dugtong pa n'ya.
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan!"
"Mahal kita at alam kong ganun ka na rin sa'kin. Kailangan nating pag-usapan 'to." Hindi na s'ya nakapagpigil at nilingon na n'ya si Ranier pero hindi n'ya binibitawan ang pagkakahawak kay Alexa.
"Ano ka ba? 'Yong tungkol pa rin ba sa'tin ang iniisip mo? Makonsensya ka naman. Clare's in a comma. Tapos si Alexa hindi pa nagigising tapos gusto mo mag-usap tayo? Ranier naman! Wala na tayong dapat pang pag-usapan."
Nabigla s'ya sa nasaksihan. Dahan-dahang lumuhod si Ranier.
"Pakiusap." Maikling pagmamakaawa ni Ranier.
Halos madurog ang puso n'ya sa nasaksihan. Napapikit s'ya saka nagpasyang tumayo sa pagkakaupo at lapitan 'yon pero laking gulat n'y ng sinubukan n'yang bitiwan ang kamay ni Alexa ay s'yang kapit naman noon sa kanya. Tiningnan n'ya si Alexa pero nananatiling nakapikit ang mga mata nito.
"Hindi mo ba napapansin Ranier? Kahit si Alexa ayaw! Kaya kung pwede lang please umalis ka na lang."
Dahan-dahan namang tumayo si Ranier mula sa pagkakaluhod.
"Mamaya hihintayin kita." Anito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
To be continued...

BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Genç KurguRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed