S.S. 63 #kapangyarihanNgTadhana

155 6 0
                                    



Hindi pa man natatagalan si Shermayne na nakakaalis sa table ay napatda naman si Ivy sa nakitang pumasok sa resto ng resort. Nakaharap pa naman s'ya sa pinakang entrance kaya kitang-kita s'ya kaagad ng mga pumapasok doon. Tiningnan n'ya ang direksyon na pinuntahan ni Shermayne saka ibinalik sa pumasok sa entrance ng resto. Hindi na s'ya nakagawa pa ng paraan para itago ang sarili dahil nakita kaagad s'ya noon. This time ay lumalapit na nga ito sa table n'ya.

"Ivy, andito ka rin pala." Ani Ranier nang makalapit sa table na kinaroroonan ni Ivy. Napansin n'yang parang nabigla ito nang makita s'ya doon.

"Oh. Rain. A-anong ginagawa mo dito?" sinikap n'yang kumalma. Pero paano na kapag bumalik si Shermayne anong sasabihin n'ya. 'Yon ang tumatakbo sa isip n'ya habang kaharap si Ranier.

"May kasama ka?" napuna nito ang pagkain ni Shermayne. Napatingin si Ivy sa naka-serve na pagkain ni Shermayne saka ibinalik ang tingin kay Ranier. Nakatingin pa rin si Ranier dito na hinihintay ang sagot n'ya.

"Ahm-ano eh-oo." Pakiramdam n'ya nanuyo ang lalamunan n'ya. "Ikaw ngang ginagawa mo dito?" bago n'ya sa usapan habang ang mga mata ay wala pa ring patid ang pagsulyap sa direksyon na pinuntahan ni Shermayne.

"Pahinga daw." Ngumiti si Ranier kay Ivy. "Si Aivan ang salarin kung bakit ako nandito." Nakatayo pa rin s'ya at nakatuon ang mga kamay sa upuan na inalisan ni Shermayne. "Papa mo kasama mo?" napatingin si Ivy kay Ranier.

"Asan si Aivan? Puntahan nga natin." Tumayo s'ya at saka sinulyapan ang direksyon na pinuntahan ni Shermayne. Natatakot s'yang makita ng kaibigan si Ranier dito. Oo! Gusto n'yang magkita sila Ranier at Shermayne pero hindi pa muna sa pagkakataong ito dahil nga sa sinabi ni Shermayne kagabi sa usapan nila.

"Hindi mo magugustuhan ang makikita mo. Join na lang ako sa inyo. Nagugutom na rin kasi ako eh." Napalunok ng laway si Ivy sa sinabi n'ya. napansin n'yang tila hindi ito mapakali. "May problema ba Ivy?" umiling lang naman si Ivy. "Pwede bang maki-join senyo?"

"Hindi!" tiningnan n'ya si Ranier. "I mean ano kasi eh-" hindi na naituloy ni Ivy ang sasabihin dahil nagsalita na si Ranier.

"May ka-date ka ba Ivy?" nangingiti pa si Ranier nang itanong 'yon kay Ivy.

Ang tanging gusto lang ni Ivy ay umalis na lang muna si Ranier doon bago pa dumating si Shermayne kaya naman napatango na lang s'ya. Nakinig n'yang nagkatunog ang tawa ni Ranier.

"Kaya pala hindi ka mapakali d'yan." Ngingisi-ngisi pang saad ni Ranier.

"Rain pwede bang -"

"Umalis na muna ako kasi may date ka?" si Ranier na ang nagtuloy ng tanong na 'yon. Tumango na lang s'ya para lang umalis 'yon. "Oh sige. Tatawagin ko si Couz. Mukhang kailangan ko ng katulong para kilatisin ang date mo." Nakangisi pa rin si Ranier kay Ivy at saka nagpaalam na.

Nakahinga naman ng maluwag si Ivy nang makitang palabas na muli si Ranier ng resto na 'yon. Gagawa s'ya ng paraan para makaalis kaagad sila ni Shermayne doon. Tiningnan n'ya pang mabuti ang direksyong pinuntahan ni Ranier. Hindi na n'ya 'yon nakita. Nagtaka pa nga s'ya dahil ang bilis naman noong nawala pero that's not the point. Ang punto ngayon ay makaalis sila ni Shermayne doon. Tiningnan n'ya ang direksyon na pinuntahan ni Shermayne at nakita n'ya 'yong nakangiti na pabalik na sa table nila. Lingid sa kaalaman ni Ivy na hindi naman talaga umalis si Ranier.

Lumipid lang si Ranier sa may pinakang hagdanan ng resto para tingnan sana kung sino ang ka-date ni Ivy. Nagsinungaling s'ya nong sabihin kay Ivy na susunduin n'ya si Aivan. Ang plano n'ya sana kasi ay i-good time si Ivy. Babalik s'ya sa table noon kapag nakita n'yang naroroon na ang ka-date noon.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon