TLH CHAPTER 10
Bree
“Apo, ang aga mo yatang umuwi?” Tanong ni lola Miling.
Nagmano ako sa matanda at binigay ang uwi kong pagkain. Binilhan kasi sya ni Zy kanina pagkatapos naming pumunta sa park. “Lola oh, kumain ho kayo nang marami.”
Tinanggap naman nya ang pagkain at makahulugang ngumiti sa’kin. “Nagkita ba ulit kayo ni Zy?”
“Lola…” Saka ako nagkamot ng ulo. “…opo eh, niyaya nya ulit akong kumain at namasyal lang saglit.” Ngumiti lang ang matanda sa sinabi ko. “Sya nga pala lola, eto po oh binillhan rin namin kayo ng gamot.” Saka ko inabot ang binili naming gamot para kay lola.
Hindi na kasi sya nakalabas kanina dahil sa sobrang sama ng pakiramdam isama pa ang pananakit ng katawan. Kaya nga ayoko sanang sumama kay Zy nung niyaya nya akong pumunta sa park dahil balak ko sanang ibili ng gamot si lola mula sa malilimos kong pera.
Naalala ko tuloy ang eksena kanina kasama si Zy habang nakasakay kame sa kotse at pauwi na sana.
“Uhm, Zy pwede bang itabi mo muna dyan sa drug store.” Utos ko sa kanya na sinunod naman nya agad.
“May bibilhin ka?” Takang tanong nya habang pinapark ang sasakyan.
Inilagay ko muna si Breezy the teddy sa back seat at nagtanggal ako ng seatbelt. “Wala, mamalimos lang.” Saka ako ngumisi sa kanya.
“What? Teka!” Pigil nya nung palabas na ako ng kotse. “Mamamalimos ka talaga? Nakikita mo ‘yang guard na yan? Baka itapon ka lang nya palabas ng store.” Hawak hawak pa rin nya ang kamay ko para hindi ako makababa ng kotse. Halata rin ang pag aalala sa kanyang mukha.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinapik tapik ang kanyang pisngi. “Cute ka rin pala.” Saka ko ‘yon pinisil. Napaatras naman sya nang bahagya at pigil na pigil sa pagngiti.
“Oh wag ka munang kiligin dyan dahil joke lang ‘yon.” Sabi ko pa.
“Joke lang na mamamalimos ka dyan?” Taas kilay nyang tanong.
“Joke lang na cute ka.” At tuluyan na akong nakababa ng sasakyan.
“Teka! Oy baby Bree!” Rinig ko pang habol nya sakin. Pero binilisan ko lang ang paglalakad.
Nakapasok na ako ng drug store at tumungo sa muna sa malaking ref para kumuha ng gatas at grape juice na nakalagay sa bote na babasagin para kay lola. Saka ako tumungo sa counter para hanapin ang gamot na kaylangan ko, nang bigla akong pabalang na hablutin sa braso ng guard.
“Hoy bata! Magnanakaw ka no?” Tila galit na sabi pa nya habang mahigpit na nakahawak sa braso ko. “Ibalik mo ‘yang mga kinuha mo at siguradong wala ka namang pambayad!”
“Teka kuya, nasasaktan ako!” Sigaw ko at sa hindi inaasahang pangyayari ay nabitiwan ko ang mga dala ko. Isang malakas na tunog ng nabasag na bote sa sahig ang aking narinig kaya napatili ako. “Ahh!”
Nakita ko ang pag iisang linya ng labi ni kuyang guard at napatiim bagang pa ito habang tinitignan ang makalat na sahig. “Tignan mong ginawa mo? May pambayad ka ba dyan ha?!” Sigaw nya ay muli nya akong hinawakan sa braso.
“Kuya masak…kit…” My voice faltered when I saw Zy standing behind the guard’s back. Yung itsura nya na yan, ang hirap i-describe pero para syang papatay sa talim ng matang binibigay nito sa guard.
“Bitiwan mo sya….” Boses ni Zy, na halata lang na pinapakalmang pilit pero ang totoo ay galit na galit na sya. Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang nakalibing na si kuyang guard ngayon.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ЧиклитCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...