17

16.1K 479 35
                                    

TLH CHAPTER 17

Briana ‘Bree’ Cassandra

“Okay na ‘to Zy, hindi naman ako mahilig sa mga damit eh.” Protesta ko sa kasama ko habang nandito kami ngayon sa mall at namimili ng mga damit ko.

“Nah, look at this…” Utos nya sabay angat ng isang ternong pantulog na may malaking Winnie the Pooh na print. Tsk!

“Ginagawa mo na naman akong bata eh! Ayoko nyan!” Reklamo ko at nagpatiuna sa paglalakad para tignan ang mga medyas.

“Oh kung ayaw mo nun, eh di eto nalang.” Hawak nya ngayon ang isang silk nighties na terno rin. Pataas-taas pa ang kanyang kilay.

I crossed my arms and gave her a death glare. Itong babaeng ito pasimple eh. “If I know, gusto mo lang akong tyansingan pag sinuot ko yan, kaya ayoko!” Saka ko sya muli tinalikuran.

Halos tapos naman na kami sa pamimili at nahihiya na nga ako dahil sya na halos ang bumubuhay sa’kin ngayon kahit alam kong estudyante lang din sya. Ako rin naman, ang totoo, freshman college na sana ako ngayon, sayang at kakaumpisa palang ng pasukan kaso dahil sa trahedyang nangyari sa buhay ko, heto ako ngayon. Nagtitiis, I mean, nag eenjoy kasama ang may saltik na babaeng ito. Oh well, don’t get me wrong, I really enjoy Zy’s company. Ang sarap kasi nyang mag alaga eh, kahit minsan eh kinukulit nya ako, but I know she cares about me and I care about her too.

“Gutom ka na? Saan mo gustong kumain?” Tanong ni Zy pagkatapos nyang bayaran ang mga pinamili namin.

“Ahm, parang gusto ko ng…” Saka ko inikot ang mata ko para mag isip.

“Oh don’t tell me fried chicken na naman yan. How about steak?” Sabi nya bago pa man ako makasagot.

Nagtanong pa kung sya naman pala ang magdedesisyon. “Oh sige, steak nalang.” Saka ko pinulupot ang braso ko sa kanya habang hawak nya ang mga paper bag ng damit na pinamili namin kanina.

Nang makatapos kaming kumain ay niyaya ko syang mag grocery. Gusto ko kasing matuto mag luto para kapag naiiwan ako sa bahay ay mapag aralan ko ito gamit ang youtube.

“Marunong ka bang mag luto at talagang may listahan ka pa?” Taas kilay nyang tanong habang nakatingin ako sa maliit na papel na pinaglistahan ko ng mga kaylangan kong sangkap.

“Hindi, pero mag aaral ako. Ayaw mo ba non? Ipagluluto kita para naman maaga ka makauwi ng bahay.” I told her pero ang atensyon ko ay nasa listahan pa rin na hawak ko. “Shrimp nalang saka butter ang kulang….” Saka ako nagbaling ng tingin sa kanya na nakangiti pala ng malapad sa’kin. “Hoy! Anong nangyare sayo?” Winagayway ko pa ang aking kamay dahil parang wala syang balak magsalita. “Mukha kang tangang nakangiti lang dyan.” Sabi ko pa.

Napailing lang sya at pagkuway bigla akong binuhat kaya awtomatikong napakapit ako sa kanyang leeg habang sapo nya ang aking mga hita. “Zy! Ibaba mo nga ako! Nakakahiya…” Saka ako napatingin sa paligid. 

Bigla akong napatingin sa kanya dahil nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa’kin. “Is that the reason kung bakit mag aaral kang magluto? Ang ipagluto ako?” Tanong nya.

Nagtatakang tumango lang ako sa kanya. “Oo, bakit?”

At yung ngiti nya ay mas lumapad lang, lumabas pa ang mga ngipin nyang perfect ang alignment. Ang asul nyang mata ay mas lalo lang tumingkad ang kulay. Ang ganda talaga ng babaeng ito.

“Wag kang masyadong sweet, baka hindi na ako umuwi sa magulang ko nyan.” Saka nya ako hinalik halikan sa labi at pisngi.

“Zy! Tama na nga! Nakakahiya sa mga tao oh…” Nag aalala kong sabi habang tinatapik ang balikat nya pero ayaw pa rin nya akong tigilan sa paghalik.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon