39

11.4K 411 57
                                    

TLH BOOK 2-11

Bree

“Tita…” Ani ko habang yakap yakap sya na parang batang nagsusumbong dito.

“Ssshh, dun tayo sa couch.” Saka nya ako hinila patungo sa couch at pinaupo. “I’ll get you water.” Saka sya naglakad papunta sa ref habang ako ay naiwang nakaupo sa sofa.

“What happened?” She asked at inabot sa’kin ang isang basong tubig.

Uminom muna ako at humarap sa kanya. She’s sitting on the singular couch in front of me. “Sana pala tita, hindi nalang ako umuwi ng Pinas. Wala na pala akong babalikan…” Panimula ko at nakakaunawa naman itong tumango.

Magsasalita na sana sya nang tumunog ang kanyang cellphone.

“Couz…yeah she’s here.”

“Hmmn, I think so…please bring pizza and beer…yeah something happened. Bilisan mo ha. Alright.” Saka nya itinabi ang phone sa gilid.

“Bree, ano ang nangyari? Bakit may mantsya ng dugo ang damit mo?” Tanong ni tita Kianne.

“Wala po ito tita, wag kayong mag alala—“

“Bree, it’s fucking blood, please tell me what happened.” Pagpipilit nya pa.

“Tita, opo dugo ito pero hindi sa’kin ito. It’s from my cousin.” Agad namang napataas ang kilay nito na parang nagtataka. “Tita, remember Aunt Mae? May anak po sya, si kuya Nathan, at na-meet ko sya kanina.”

Tumango naman sya ulit. “Are you sure you’re okay? Please tell me…”

“Hmn, nagkita kame ng hindi sinasadya kanina. Tapos ano po, ahm…nagkaroon kasi kame ng kaunting pagtatalo.” Nag aalinlangan akong ikwento na sinampal ako ng kuya ko kaya naman pinagtulungan ito ng mga tao sa park. But one thing na itinuro sa’kin ng dalawang kong tita, lalo na si tita Ryne ay ang pagsasabi ng totoo all the time. She says small details matter a lot, so I have to be honest at all times.

“At bakit kayo nagkaroon ng pagtatalo?” Tita Kianne asked me.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Si tita Kianne na ang nagbukas at pumasok si tita Ryne na may dalang pizza can of beers. Tinulungan naman agad sya ni tita Kianne sa pag bubuhat at pag aayos ng mga dala nito.

“Bree? What happened to you?” Alalang tanong nya.

“Tita, don’t worry. Okay lang po ako…” Sagot ko sa kanya. “Uhm, I’ll take a quick shower lang po, babalik ako agad.” Tumango naman ang dalawa kaya agad akong tumungo sa kwarto at mabilis na naligo at nagbihis. Sa bigat ng nararamdaman ko ngayon, gusto kong hilingin sa dalawa na manatili dito ngayong gabi. Pero alam kong may kanya kanyang pamilya ang mga ito, at nakakahiya masyado kung gagawin ko ‘yon. Subukan kong i-text si Gerald mamaya para samahan ako.

“So Briana, what’s with the blood stains and this…” That is tita Ryne, saka nya hinawakan ang pisngi ko. Siguro ay namumula pa rin ang aking mukha dahil sa pagkakasampal ni kuya. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit ganito sila ka OA mag alala. I am grateful indeed, kahit hindi nila ako kadugo, they treat me like a family. Minahal nila ako at binigay ang mga pangangailangan ko ng walang hinihintay na kapalit. That’s why I feel safe and secured when they are around. I trust these two so much at sila na rin ang tumayo na aking mga magulang.

Wala na akong nagawa kung hindi sabihin ang totoo. Ang lahat ng aking natuklasan at ang nangyari kanina sa park. Nag uumpisa na rin kaming uminom ng beer. Habang si tita Kianne ay abalang abala sa pag lantak ng pizza.

“Kaya ka ba umiiyak kanina kasi namatay na ang Aunt Mae mo?” Tanong ni tita Kianne habang ngumunguya.

Napainom tuloy ako ng beer dahil sa tanong nya. “Hindi po tita…”

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon