TLH BOOK 2-6
Bree
“Ma’am, drinks po.” Saad ng waiter saka ibinaba ang isang baso ng margarita sa harap ko.
“Wala akong order na margarita.” Takang sabi ko sa kanya.
“Ah, ma’am pinapabigay po ng babae sa kabilang table.” Saka nya itinuro ang babaeng sinasabi nya. And there I saw her, smiling while waving at me. Tumayo ang babae at nakangiting lumapit sa’kin.
“Hi.” Masayang bati nya.
Walang kabuhay buhay na nginitian ko naman ito. “Hello.”
Umupo sya sa upuan sa tabi ko. “Need some company?”
“Hmm no. I want to be alone, I’m sorry…” I told her.
She smiled a painful smile. “Alright, enjoy your drinks then.” Ngumiti sya saka tumalikod at umalis.
Ngayong gabi, sya palang ang unang babaeng lumapit sa’kin habang nagpapalipas ako ng oras dito sa bar, at mga apat na lalake na rin ang napaalis ko nang magtangkang lapitan ako. I want to be alone for a while, dahil kung gusto ko ng kasama, edi sana sinama ko si Gerald.
I just want to think, I’m getting stress out and anxiety is killing me. Hindi ko alam kung nakabuti ba ang muling pagbabalik ko ng Pinas dahil parang mas naging magulo ang sitwasyon ko. I married Zy the other night. Well, okay lang sana kaso ang dami kong nadiscover na kalokohan nya kanina nung naglinis ako ng bahay nya. Lots of girls cried for her, that’s for sure. Paano ko nalaman? Eh ang daming panty na naiwan sa ilalim ng bed, and I know they are not hers, maliit ang size ng mga panties na nakita ko. And Zy is wearing calvin klein undergarment na parang brief na sya tignan. Of course, I knew very well the reason why.
Idagdag pa ang picture nila ni Xera with caption pa sa likod. So girlfriend nga nya nya ang modelo na ‘yon. Tapos ano? Sino sa amin ang kabet? Sya di ba? Sus, hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng kasal kasalan na ginawa namin ni Zy but I know exactly what I want to do, I want to ask for an annulment. Iyon lang ang makakapag bigay ng peace of mind sa’kin.
Wala sa sariling napatitig ako sa isang babae na mukhang ang bigat bigat ng dinadala. Ang totoo, wala akong balak pansinin ang kahit na sino pero na-amaze ako nang makita ko ang kulay berde nitong mata. She’s tall, parang kasing tangkad ni Zianne. Astig din itong tignan, maganda sya at mukhang may lahi dahil sa tangos ng ilong at hubog ng mukha at kulay ng mata. Nakaupo sya sa harap ng counter at katulad ko, nakakailang kawawang nilalang na rin ang kanyang pinaalis na parang langaw. Mukhang gusto rin nitong mapag isa at halatang may mabigat na dinadala.
I got curious, tumayo ako at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. “Boss, Tequila.” Order ko sa bartender na nasa harap at abala sa pagtitimpla ng kung ano anong alak. Napatingin ako sa babaeng nasa bandang kanan ko pero nakatitig lang ito sa baso ng alak sa kanyang harap.
Ibinaba ng bartender ang isang shot ng tequila at bahagyang napakunot ang noo ko. “No, isang bote ang order ko.” Saka ko nilagok ang shot ng tequila na ibinigay nya.Napansin ko ang bahagyang pag-ngiti ng babaeng may berdeng mata. To be honest, ang ganda nya, she has this playful smile too like Zianne’s. Tapos parang match pa sila, yung tipong bagay silang maging bff tapos hindi mo malalaman kung kanino ka mag kaka-crush kasi pareho silang poging maganda. Well, kung pagandahan ang labanan, dun pa rin ako sa asawa ko syempre.
Asawa talaga? Akala ko ba magpapa annul ka na? Kontra ng aking isipan.
“Sa wakas ngumiti ka rin.” Ani ko sa babaeng nasa tabi ko. Oh well, aaminin kong gumaan ang pakiramdam ko nung makita ko syang ngumiti.
Napalingon ito sa’kin at nakita ko sa mga berde nyang mata ang pagkamangha. Bahagya pang nagkaawang ang kanyang bibig. “Oh, my gorg…” Wala sa sariling sambit nito pero agad rin namang natigilan, pero hindi pa rin nya inaalis ang matamang pagtitig nya sa aking mukha pati na rin sa aking kabuuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/308204159-288-k349692.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
Chick-LitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...