21

13.9K 401 34
                                    

TLH CHAPTER 21

Zy Dela Vega

Nandito ako ngayon sa tapat ng school ni Bree para sunduin sya, pero ibang sasakyan ang gamit ko dahil pinahiram ko ang kotse ko sa kawawa kong pinsan na si Lee. Pinahiram ko na rin ng pera at credit card para sa date nila ni Shan dahil as usual, grounded na naman ang pasaway.

Ang maganda kong mood ay napalitan ng pagkadisgusto nung makita ko si Bree kasama ang isang lalake na masayang nagtatawanan. Kilala ko naman ang mga friends nyang babae dahil sa tagal kong hinahatid at sundo ang babaeng ito, kaya naman kung sino man ‘tong kupal na lalakeng nagpapa-cute sa kanya ngayon, for sure may kalalagyan sya.

Lilinga linga sa paligid si Bree at alam kong hinahanap na nya ako ngayon dahil uwian na. Pero dahil hindi nya kilala ang sasakyan na dala ko, sinadya kong mag drive at tumapat sa pwesto nila. Magbababa na sana ako ng bintana nang bigla silang mag lakad at tumungo sa mga nagtitinda ng fishball.

Duh! Ang cheap naman pala ng mokong na ‘to. Didiskartehan lang ang baby ko, sa mga turo-turo pa talaga.

I turned off the engine at nag suot ng shades, saka lumabas sa kotse. Kung kanina ay halos lumuwa ang mata ng mga estudyante habang minamasdan ang kotse ko, ngayon pati laway nila halos tumulo na sa bibig nila na parang nakakita ng artista. Sanay naman ako actually, malakas kasi talaga ang dating ko. I’m wearing a white polo with black top inside, legging pants with ankle boots. Para silang nakakita ng model kung tingalain ako.

Naglakad ako patungo sa tumatawang si Bree kasama si mokong. Kakatapos lang sumubo ni Bree ng fishball at nalagyan ng sauce ang bibig nya. Kumuha ng panyo si mokong at akmang pupunasan ang lips ng baby ko. Pero bago pa nya ‘yon magawa, hinila ko si Bree paharap sa’kin at dinilaan ang sauce sa gilid ng labi nya, syempre gamit ang bibig ko.

I heard them gasped, yung mga tao sa paligid, lalo na si mokong at yung dalawang kaibigan ni Bree na nadamay sa libreng pa-fishball ni kupal. Nalaglag pa ang cup ng fishball ng isa sa mga kaibigan ni Bree at literal silang napanganga.

“There, malinis na. Let’s go, uuwi na tayo, babe!” Inemphasize ko talaga yung word na babe para marinig ni mokong.

“Zy! Nandito ka na pala…” Saad ni Bree at luminga sa paligid, siguro ay hinanap nya ang kotseng dala ko. “Sa’yo yon?” Tukoy nya sa sports car na dala ko.

“Yeah…” Saka ko hinawakan ang cup na dala nya na sauce nalang ang natitirang laman. Ibinigay ko ‘yon kay kupal. “Hi girls, pano? Iuwi ko na si Bree ha?” Bati ko sa dalawa nyang friends na mukhang wala pa sa sarili. It’s my first time na magpakilala ng personal sa kanila, kilala ko lang kasi sila dahil nakikita ko sa bintana ng kotse sa twing susunduin ko si Bree.

“Wow, artista ka po?” Wala sa sariling tanong ng isa.

“Model sya! Yung sa Victoria’s secret?” sabi naman nung isa.

“Ah guys, si Zy pala. Friend—“

“Girlfriend ni Bree.” Putol ko sa sasabihin ni Bree saka ko sya inakbayan.

Napanganga nalang ulit si mokong hawak pa rin ang cup ng fishball na walang laman.

“Ouch!” Naramdaman kong kinurot ako ni Bree sa tagiliran.

“Hehe palabiro lang talaga to…” Si Bree na namumula na ngayon ang mukha.

“Oops, hindi ako marunong magbiro.” Saka ko tinignan si Bree na inirapan lang ako.

“Zy, mga friends ko pala. Si Andrea at Karen. At ito naman si Macoy…”

“Hi Andrea and Karen.” Saka ko kinamayan ang dalawang babae at bumaling kay mokong. “Hello din sa’yo Mokong.”

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon