TLH BOOK 2-21
Bree
Matapos mag dinner ay hindi pa rin umalis si Zianne. Gusto pa daw nyang makalaro ang anak namin. Hindi ko na kinontra pa dahil ayokong mag away kami kaya sinabi ko nalang na pagkatapos kong mag shower ay kaylangan na nyang umuwi at matutulog na si baby Summer.
Bubuksan ko palang sana ang pinto palabas sa CR when I overheard their conversation. Sino pa? Eh di si Summer at si Zianne. Nag uusap sila na parang nag kakaintintidihan talaga. Bahagya kong binuksan ang siwang ng pinto para makita ng mabuti ang ginagawa ng mag ina. Naka higa sa Breezy sa bed at naka harap sa kanya si Zy. Nakatukod ang kamay nito sa kanyang ulo at kinukwentuhan ang anak.
“You miss me?” Tanong ni Zy sa anak. Summer is waving using her hands and feet tapos nag sasalita rin sya ng kung ano ano na parang sumasagot kay Zy. “I miss you too baby. Kayo ng mommy mo, miss na miss ko kayo.” Sabi pa nya.
Then I decided to watch them bond like this for a while. Maybe Zy wants to catch up with her daughter. I find them cute though.
“Do you know that I love you so much?” Tanong ni Zy sa baby na ikinahagikgik ni Summer. “Yeah, mama loves you so much. Mahal na mahal ko kaya kayo ni mommy.” Sabi pa nya.
“So how was your mommy nung naglilihi palang sya sayo?” Tanong muli ni Zy and Summer tries to communicate using cute mumblings, as if answering Zianne’s question. “Really?”
Napaataas ang kilay ko at wala sa sariling nangiti. So talagang iniimagine ni Zy na nag kwe-kwento ang anak at kunyari ay naiintindihan nya.
“Talaga ba? Hindi mo sya pinahirapan ha baby girl?” Gigil na sabi ni Zy habang hinahawak hawakan ang maliit na kamay ng anak. “So ano naman ang mga pagkain na ikina-crave nya nung naglilihi sya?” Tanong muli ni Zy. “Really? Inagaan ba sya ni tita Gerald mo ha baby?”
Napailing nalang ako. Somehow, alam ko na naiinggit at nasasaktan sya dahil sya dapat ang kasama ko nung mga panahon na yon at hindi si Gerald.
Sumasagot sagot pa rin ang baby Breezy namin as if she’s really communicating with her mom.
“Good. Dapat kasi ako yung nag alaga sa kanya that time di ba? Kaso yung mommy mo, ang hilig hilig tumakbo palayo sa’kin. Di ba nya alam na mahal na mahal ko sya?” Tanong muli si Zy na nagpakirot ng puso ko. “Yeah, I really love your mommy. Naiisip ko ngayon, kamusta kaya sya nung pinag buntis ka? Nahirapan ba sya? Does she have mood swings?” Zy paused like she’s really listening to my baby’s mumbling. “Really? So you’re telling me that you’ve been a good girl to mommy?” I saw Zy is smiling while watching our baby closely. “Your mommy and mama loves you so much. You’re my little princess, do you know that?” Sabi pa ni Zy.
“Baby Summer, could you do me a little favor?” Tanong ni Zy sa anak. Si Summer naman amused lang na nakatingin sa kanya. Maybe she’s thinking that Zy is playing with her. “Can you please tell mommy that I love her so much?” Sabi ni Zy na nagpahilam ng mata ko sa luha. I was moved by her words. Surely, these two completes my life now. Ang sarap sa pakiramdam na pagmasdan sila ngayon.
“Thank you baby, don’t forget to tell that to your mommy okay? Para hindi na sya tumakas pa, and we will be one happy family. How’s that sound?” Masayang tanong ni Zianne na nakangiti pa sa anak. Yung anak ko naman ang likot ng mga kamay at paa dahil tingin nya ay nakikipag laro si Zy sa kanya.
Summer gripped Zy’s fore finger with her small hand na parang sinasabing sumasang ayon ito sa sinasabi ng kanyang mama. Then Zy kissed Summer’s hand.
“At dahil mahal kita, I promise na hindi na ako mag yoyosi because it’s not safe for me and for you, and for your mommy too.” Napataas ang kilay ko. Seryoso ba sya na titigilan na nya ang bisyo nya? Eh heavy smoker kaya sya. Then nakita kong may kinuha sya sa bulsa ng jacket nya. Isang stick na lollipop. Watda?
![](https://img.wattpad.com/cover/308204159-288-k349692.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...