4

16.2K 519 20
                                    

THL CHAPTER 4

BREE

Lunes na, pero wala pa rin sya, at hindi ko na kayang manatili pa sa lugar na ito kundi, baka mabaliw na ako nang tuluyan. Kaya lumabas ako sa bahay na iyon, dala ang supot na naglalaman ng kaunting pagkain na aking kinulimbat sa kusina; chocolates, skyflakes, at beer. Kasi naman walang mineral water na pwedeng kuhanin. Ang laki laki ng galon ng tubig at hindi ko ‘yon kayang buhatin. Bukod sa damit na suot ko, eto lang ang nadala ko paalis sa lugar.

I sighed. Saka ko muling nilingon ang bahay na tinirhan ko sa loob ng tatlong araw. Aaminin kong hindi pa rin buo ang loob kong umalis pero sa sitwasyon ko ngayon, mas mahirap ang manatili kesa magpatuloy kahit walang kasiguraduhan.

Z never returned again mula nang iwan nya ako noong Sabado. Baka katulad lang din sya ng iba, mangangako pero hindi tutuparin, magpapaasa tapos mawawala nalang na parang bula. Kung sa bagay, sino ba naman ako para pag aksayahan nya ng panahon kung nasa kanya na ang lahat di ba?

Napaupo nalang ako sa isang upuan sa tapat ng isang sari-sari store matapos maglakad ng ilang oras na walang hinto. Nagpahid ako ng pawis sa mukha at inilabas ang plastic na dala ko saka binuksan ang beer na nakalagay sa lata para inumin pampawi ng uhaw.

“Hoy bata! Lumayas ka nga dito kung hindi ka naman bibili!” Sigaw ng isang may katabaang babae na nasa loob ng tindahan na sa tantsa ko ay sya ang nag mamay ari ng maliit na negosyo. “Eh malas ka sa negosyo!” Inis na sabi pa nya. “Ke bata bata marunong ng uminom ng alak, tapos pag nagahasa iiyak iyak.” Saka sya na pailing iling at hindi tinitigil ang pag tingin sa’kin nang matalim.

Muli ko nalang dinampot ang plastic na hawak ko at pinag patuloy ang pag lalakad. Kahit alam ko ang pwedeng epekto sa’kin ng beer ay wala naman akong choice kundi inumin ito dahil ito lang ang nadala kong inumin. Kung sana ganun lang kadali ang kumatok sa isang bahay at humingi ng tubig at pagkain, di sana ganun nalang ang aking ginawa. Pero si ateng tindera, wala naman akong ginawang masama at nakikiupo lang pero itinaboy nya ako kaagad.

Muli akong napahinto at umupo sa isang sementadong lagayan ng halaman sa tabi ng gate ng isang bahay. Ang sakit na ng paa ko kakalakad. Ang laki laki pa ng tsinelas na suot ko dahil kinuha ko lang ito sa bahay ni Z. Nawala kasi ang sapatos na suot ko nung gabing hinabol ako nung isang lalaki. Muli kong dinampot ang plastic na dala ko at naglabas ng skyflakes para kainin. Gutom na ako pero kaylangan kong tipirin ang dala kong pagkain.

‘Kaya mo ‘to Bree.’ Saad ko sa aking sarili habang nagpapahid ng pawis.

Malapit na namang dumilim at hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta o kung saan magpapalipas ng gabi. Wala sa sariling napatingin ako sa direksyon kung saan ako galing at ngayon ko nararamdaman ang pag sisisi na umalis ako sa bahay ni Z.

‘Damn, bakit pa kasi ako umalis eh!’ Paninisi ko sa aking sarili.

“Hoy bata! Wag kang tumambay dito, bawal ang pulubi dito!” Sigaw ng isang babaeng naka uniform na pang maid pagkatapos nyang buksan ang gate. “Hala alis na! Bago pa ako mapagalitan ng amo ko. Bawal ang palaboy dito.” Sabi pa nya.

Napatingin lang ako sa babae at napailing. Naalala ko ang mga katulong namin sa bahay na kung ituring ako ay daig pa ang prinsesa. Naisip ko lang, ganito din kaya ang trato nila sa ibang batang kapos sa kayamanan tulad ko ngayon?

Bagsak ang balikat na tumayo nalang ako at muling binitbit ang plastic ng kayamanan na dala ko. Nagpatuloy ako sa pag tahak ng daan; walang direksyon at walang patutunguhan pero kaylangang magpatuloy. Mas pipiliin ko nang mamatay na lumalaban kesa mabaliw dahil sumuko ako agad. Nag aagaw ang liwanag at dilim, at may mga lalake na iba na naman ang binibigay ng tingin sa’kin. Pero hindi ko nalang pinansin at napag desisyonan kong humanap ng lugar kung saan pwedeng magpalipas ng magdamag.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon