Epilogue

18.4K 508 60
                                    

The Lost Heiress

Bree

Hindi pa man kami nakakamove on sa engrandeng celebration ng birthday ni Breezy, ngayon naman ay idadaos ang kasal namin ni Zy. Isang beach wedding dito sa exclusive resort na pag aari rin ng mga Moltalban idinaos ang kasal. Solemn at intimate lang ang tema. Ayoko kasi na masyadong maraming tao lalo na kung hindi rin naman namin kilala.

Pero hindi naman konti ang mga taong pumunta dahil malaki laki na rin ang ang myembro ng mga kaibigan at pamilya ng mga Dela Vega.

Lahat ay naka dress, even my bride Zianne. Nakakatuwa dahil masayang masaya ang lahat. Sa malapit sa shore ginanap ang exchange of vows at pag iisang dibdib namin ng asawa ko through a priest. Now, we are legally, officially and formally married to each other.

At ngayong gabi, nandito pa rin kami sa resort, sa loob ng isang malaking hall na nakaopen ang paligid kaya damang dama ang malamig na simoy ng hangin at amoy ng dagat.

And tonight, magsasaya ang lahat. It’s actually our wedding party. Nakapag palit na rin kami ni Zianne ng ibang dress at ready na kami na umpisahan ang kasiyahan.

Sa saliw ng sweet na kanta kung saan si mama Kianne ang pumili, A Thousand Years by Cristina Perri. Lahat ng nakatatanda ay isa isang lalabas sa harap kung saan may isang piraso ng rose silang hawak sa kamay. Pupuntahan nila ang mga asawa nilang nakaupo sa upuan, ibibigay ang rose at aalalayan papunta sa harap para isayaw.

Ang unang lumabas ay si Dra. Isabelle, nakangiti ito at ang gracefull ng lakad nyang pumunta sa pwesto ni tita Trish. Iniabot ang rosas at inalalayang pumunta sa gitna para sumayaw. Ang kamay ay nakahawak sa bewang ni tita Trish. Ang kamay naman ng huli ay nasa batok ng asawa. I saw Xera and Cielo shouting at their parents. Masayang masaya ang kambal habang minamasdan ang magulang.

Ganun din ang ginawa ni tita Louise na sumunod na lumabas sa bandang harap at tumungo sa asawa, si tita Shayne.

Next ay si tita Ryne. Bahagya pang natigilan ang lahat sa grand entrance nya. Ang ganda nya kasi sa suot na dress at para rin itong rumarampang tumungo patungo kay tita Ash. Actually, ninang namin sila sa kasal. Pag lapit nito sa harap ng asawa ay agad tumayo si tita Ash at mahigpit na niyakap ang asawa. Halatang mahal na mahal at ang sweet pa rin nila sa isat isa kahit sa ganitong edad. Humalik pa si tita Ryne sa pisngi ni tita Ash bago ibigay ang rosas at magkahawak kamay na pumunta sa harap para daluhan ang mga naunang nag sasayaw.

And next, but not the least, ang parents namin ni Zianne.

Nakangiting lumabas si mama Kianne na nakapag palit din ng ibang dress hawak nito ang rosas at tumungo sa pwesto ni mommy Bry. Naluluhang natutuwa si mommy Sabryna ng biglang lumuhod ang asawa sa kanyang harap, nakalahad ang rose sa kamay na parang nag pro-propose ulit. Sa halip na tanggapin ang rose ay hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi. Pareho silang masayang tumayo pag katapos at nagyakapan. Dumalo na rin sila sa harap at nag sayaw.

Kung merong langit dito sa lupa, heto na yon sa aking harap. Napasandal ako ng ulo sa balikat ni Zianne na nasa aking tabi. Nakakakilig pag masdan ang mga nagsasayaw na mga nakakatanda sa aming harap. Isang patunay na kahit anong pagkakamali, paghihirap, pagkukulang, pasakit, at pagkabigo na dulot ng nakaraan, sila ang patunay na masarap magmahal. Masarap tumanda, kasama ang minamahal.

Napapahid ako ng luha ng hindi ko napansin na biglang tumulo sa aking mata. Kung buhay ang parents ko, parang nakikita ko rin silang masayang nagsasayaw kasama nila.

“Are you okay?” Tanong ni Zy at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Nag angat ako ng tingin at ipinatong ang baba ko sa kanyang balikat. “Yeah, I just realized, how I love you so much…” Naiiyak na sabi ko.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon