52

11.6K 393 4
                                    

TLH BOOK 2-24

Bree

“Anong problema at ganyan ang mukha mo?” Tanong ni Gerald.

Paano ba naman nakakalimang text na ako kay Zianne at ilang attempts ng tawag pero hindi nito sinasagot. Alas singko na ng hapon at oras na para ihatid nya dito ang anak ko.

“Hindi pa rin sumasagot si Zy eh!” Iritang sagot ko sabay titig sa phone ko.

“Baka naman nagmamaneho na ‘yon, hintayin mo lang.” Pag aalo naman ni Gerald.

“Gerald, sunduin na kaya natin si Summer sa bahay nila? Please…parang…iba kasi ang kutod ko eh.” Pakiusap ko sa kanya na ikina kunot ng noo nya.

“Briana, don’t worry too much. Maya maya lang nandito na yon. Saka wala naman sa usapan namin ni Zy na susunduin ko sila. Sabi nya, magpapahatid sya sa driver.” Sabi pa ulit ni Gerald.

Ilang oras palang na hindi ko kapiling ang anak ko pero parang hindi ako mapakali. Ganito pala ang pakiramdam na mawalay sa anak. Yung ilang oras na ‘yon, parang isang taon na. Alam ko naman na aalagaan ni Zy ang anak namin pero mas kampante pa rin ako kung kasama ko sya at nakikita ko ang ginagawa ng anak ko. Mula kasi nung nagbuntis ako sa ibang bansa at lumabas si Summer, mas minabuti ko nalang na itigil ang pag ta-trabaho. Si Gerald talaga ang tumulong sa’kin kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kaibigan kong ito.

“Hindi ko na sya ipapahiram kay Zy kapag dumilim na at hindi pa nya naibalik dito si Summer. Malalagot talaga sya sa’kin kala nya!” May paghahamon na sabi ko.

Ngumiti lang sakin ang kausap ko at tinapik ako sa balikat. “Relax. Breezy is in good hands.”

Kanina pa kami naghihintay dito sa terrace na kaharap ang gate para makita ko kung dumating na ang sasakyan ni Zianne. Mabuti nga at sinasamahan talaga ako dito ni Gerald eh.

“Oh, si Zianne na yata yon.” Biglang sabi ni Gerald kaya napatingin ako sa gate kung saan mayroong pulang magarang sasakyan. Alam kong kay Zianne na nga yon.

Agad akong tumakbo para bumaba at inabangan ito sa waiting area ng bahay ni Gerald na parang open lobby para sa mga papasok na bisita.

Pero yung pagka excite ko ay napalitan ng pagtataka nang lumabas ang sakay nito at iniluwa si Zianne na nakasuot pa ng shades, naka white v-neck tshirt, skinny jeans at ankle boots at naglakad patungo sa kinaroroonan ko na parang sa fashion show lang.

Teka! Nasaan ang anak ko?

“Nasan si Summer?” Ang bungad ko sa kanya ng makalapit ito.

“Nasa mansyon, kasama ang mga lola nya.” Simpleng sagot nito na ikinapantig ng tenga ko.

“Oh eh bakit nandon? Di ba usapan ay iuuwi mo sya?”

She just shrugged her shoulder na parang wala syang naaalalang ganong usapan.

“Zianne…” Napasuklay ako sa buhok at umikot sa sobrang frustrations. Nakita ko pa si Gerald na nakababa na rin pala ay nakaupo na ito sa couch na parang duyan ang style.

“Anong ibig mong sabihin na hindi mo kasama ang anak ko! May usapan tayo di ba?” Galit na sabi ko sa kanya.

“Hmm…” Napahawak pa sya sa kanyang baba at napatingin sa boots na suot nya na parang nag iisip.

“Zianne sumagot ka ng maayos!” Saka ako sumilip sa kotse nya na nakapark sa tapat ng bahay ni Gerald. Sumugod ako patungo sa pulang kotse na yon at umaasang nandun ang anak ko, perhaps kasama ng isang kasambahay at pinag ti-tripan lang ako ni Zianne.

“Oh saan ka pupunta?” Narinig kong sabi pa nya pero nagpatuloy lang ako.

Pilit kong binuksan ang pinto pero nakalock. Biglang nag blink ang ilaw kaya muli ko itong binuksan. Pero pagbukas ko, wala akong Summer na nakita. Walang laman ang kotse nya. Punyemas!

“Nasaan ang anak ko!” Sigaw ko sa kanya.

Hinawakan ako nito sa braso at inakay patungo sa kinaroroonan namin kanina pero hinawi ko lang ito.

“Zianne ano ba! Nasaan si Summer?” Pagkatapos ay buong lakas na tinulak ko ito sa kanyang likod pero bahagya lang itong natinag sa aking ginawa. Pigil ang luha ko sa mata pero lumalabas nalang ng kusa ang mga iyon sa mata ko sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.

“Gusto mo syang makita?” Tanong nya na may halong paghahamon.

“Wag mo akong hinahamon Zianne…” Madiin na sabi ko dito sabay duro sa kanyang mukha. “Nasaan ang anak ko!”

“Anak ko rin sya Briana.” Pinal na sagot nya.

Tumaas ang kilay ko. “Oh eh ano ngayon? Hindi ko sya ipinagkait sa’yo! So ngayon bakit hindi mo sya kasama? Ibalik mo sa’kin! Anak ko yun eh!” Hindi ko na napigilan ang galit ko at pinaghahampas ko sya sa dibdib pero hinuhuli lang nya ang kamay ko. Hindi ko na rin napigilan ang paglabas ng aking luha.

“Bree tama na! Hindi ko sya nilalayo sa’yo kung yan ang iniisip mo!” Sabi ni Zianne na ngayon ay mahigpit na ang pagkakayakap sa’kin. Ang mga braso ko ay hindi ko maigalaw sa higpit ng mga yakap nya at wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak.

“Bakit hindi mo sya inuwi dito, kung hindi mo sya inilalayo sa’kin?” Sabi ko matapos makapag pahinga ng ilang segundo dahil sa matinding paghikbi.

“Nasa mansyon sya, masayang nakikipag laro at kwentuhan sa mga lola nya. Ikaw nalang ang kulang, at buo na tayo…” Sabi nito na ngayon ay hinihimas himas ang likod ko para pakalmahin ako.

Pinilit kong humiwalay sa pagkakayakap nya. “Sinabi kong hayaan mo muna ako diba? Sinabi ko sayong hindi pa ako handa! Mahirap bang intindihin yon? Hindi ko naman ipinagdamot sayo ang anak natin ah!” Sumbat ko sa kanya at wala akong pakialam kung may nakakarinig. Si Gerald ay nakalapit na rin samin pero mukhang hindi naman ito makikialam unless makikita nyang nagkakasakitan na kami. Alam talaga nya kung saan dapat ilugar ang kanyang sarili.

“Really Bree? Hindi mo sya inilayo at ipinag damot?” Saka sya tumawa ng malakas na parang nang aasar. “Kaya pala ngayon ka lang nagpakita. Kaya pala hindi mo sa’kin sinabi na buntis ka. Pinagkait mo sa’kin ang karapatan na maalagaan ko kayong mag ina sa pinaka kritikal na oras na pinag daanan nyo. Yun ang noong nagbuntis ka at ipinanganak mo sya. Sige nga, ngayon mo sa’kin sabihin na hindi mo sya ipinagdamot. Tang ina naman eh!” At nakita kong nanginginig ang panga nito sa pagpipigil sa sariling magalit.

Saka nya itinuro si Gerald na nakatayo lang sa isang tabi at nanonood sa away naming mag asawa. “Si Gerald ang pinili mong hingan ng tulong kahit ako ang may obligasyon na ibigay ang lahat ng pangangailangan nyong mag ina.” Ngayon ay nakikita kong isa isa na ring bumabagsak ang mga luha nito sa mata. “At ano ang dahilan, dahil galit ka? Kasi nagsinungaling sa’yo sila mama at tita Ryne, kaya ako ang pinasalo mo ng lahat? Putang ina! Hindi ko rin alam yon Bree! Hindi ako alam! Wala rin akong alam!” Malakas na sigaw nito kaya napaatras ako at napayakap sa sarili.

Mabilis namang nakarating si Gerald sa likod ni Zianne at hinawakan ito sa kanyang balikat para pigilan sakali man na masaktan ako nito. Pero pabalang na hinawi lang iyon ni Zianne at tinignan ito ng masama na parang sinasabing wag syang makialam kung ayaw nyang masaktan.

At saka sya matalim ang tingin na bumaling sa’kin. “Bakit di ka makasagot? Kasi totoo di ba?” At bigla syang napalunok at nagpunas ng luha. Huminga sya ng malalim at muling tumingin sa’kin. “Palagi kitang inuunawa, simula umpisa hanggang ngayon iniintindi kita Briana. Iniisip ko ang mararamdaman mo, ang kapakanan mo, ang kinabukasan mo. Gusto kitang alagaan at protektahan, at ilayo sa kung sino man ang gustong manakit sa’yo.” Umiiyak na sabi nya. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganito sa harapan ko at masasabi kong sobra sobra ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

“Wala naman akong ginawa sa’yo kundi mahalin ka di ba? Hindi mo ba alam na mahal kita? Kulang ba yung mga ginagawa ko para sa’yo? Yet you chose to leave me behind Bree, you chose to run away from me. Hindi mo manlang inisip na hindi ka nag iisa. Mula nang makilala mo ko ay hindi ka na nag isa. Kasama mo ako. Kakampi mo ako. At kahit pamilya ko ang nagsinungaling sa’yo, hindi mo manlang inisip na ikaw pa rin ang pipiliin ko kung kinakailangan. Bree naman eh, bakit ba palagi mo nalang akong sinasaktan?!” Buong hinanakit na sabi nya kasabay ng pag hikbi.

Ngayon pareho na kaming umiiyak sa gitna ng bumabagsak na ulan mula sa langit na hindi na rin namin alintana sa tindi ng emosyon na binibitiwan ng isat isa.

Mahal ko naman sya eh. Gustong gusto ko syang yakapin sa totoo lang. Gusto kong sabihin na mahal ko sya at alam ko at nakikita ko naman ang lahat ng ginagawa nya para sakin. Pero natatakot ako, na sa muling pag bigay ng puso ko sa kanya, matagpuan ko na naman ang sarili kong nag iisa. Natatakot akong ma-expose muli ang lahat ng kahinaan ko sa kanya at sa pamilya nya dahil pakiramdam ko, wala akong maipagmamalaki. Nanliliit ako kapag iniisip kung gaano kalaki ang mundo ni Zianne, tapos ako ano? Wala akong maiambag sa kanya. Yung pakiramdam na parang lahat nalang ng bagay sakin ay kontrolado nya at ng pamilya nya dahil ako ay isang hamak na ampon lang nila.

Ito rin ang dahilan kung bakit ako lumayo. Pagod na pagod na ako sa mga taong may tinatago sa’kin. Pagod na akong magmahal ng mga taong may ibang hangad sa akin. Alam kong dapat ko munang kausapin si tita Ryne at tita Kianne sa isyu tungkol samin pero ginusto kong lumayo para na rin mabuo ang sarili ko. Pero iba ang nangyari, iba ang nabuo; at iyon ay si Summer Breeze. At ngayon, wala ng ibang kumukumpleto ng buhay ko kundi ang anak ko lang. Nangako ako sa sarili ko na sa kanya ibibigay ang lahat ng pagmamahal ng meron ako dahil sya lang ang meron ako. Sya lang ang pamilya ko. At hindi ko kakayanin kung mawawalay sakin ang anak ko.

Inilahad nito ang kamay nya sakin na tinignan ko lang. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan sa nagdidilim na langit.

“Hindi ko inilalayo sa’yo ang anak natin. Sumama ka sa’kin, para makasama mo sya.” Mahinahon na ang boses ni Zianne. Ito ang isang bagay na hinahangaan ko sa kanya, kaya nyang iisang tabi ang kanyang nararamdaman para lang maging maayos ang lahat. Kahit mahirap at masakit, kaya nyang kayanin. Katulad ngayon, na sa tantsa ko ay nakikipag bati na sya kahit nagkasigawan pa kami kanina lang.

“Sasama ako sayo, magbibihis lang ako.” Ang tanging nasabi ko nalang at agad itong tinalikuran at naglakad papasok ng bahay ni Gerald. Nilagpasan ko na rin si Gerald na nakatayo pa rin pala sa hindi kalayuan.

Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko at nag bihis. Paglabas ko, nagulat ako ng nakita kong nakahalukipkip si Zianne sa labas ng pinto ng kwarto at nakasandal sa pader  na parang hinihintay ako. Basang basa pa rin ang kanyang katawan dahil sa ulan kanina.

Hindi manlang sya binigyan ng pamalit ni Gerald? Tanong ko sa aking sarili. Pero malamang ay inalok naman ito ng kaibigan ko, but knowing Zianne, mataas ang pride nito kaya malamang ay tumanggi lang sya.

“Pumasok ka muna. Hahanapan kita ng pamalit.” Sabi ko sa kanya na agad naman nitong sinunod.

Binigyan ko sya ng tshirt at jogger pants na malaki ang size. Binigyan ko na rin sya ng towel para makapaligo sa banyo sa loob ng room. Pag labas nya, nagpapatuyo na rin sya ng buhok at pansin kong bitin ang suot nyang jogger pants pero ayos lang naman kasi uso naman ang bitin na pants ngayon. Ang tangkad kasi nya.

Kaya may isa pa akong napansin, may…parang nakaumbok sa…shemay.

“Zy…” Iritang sabi ko pero pakiramdam ko ay ang init ng mukha ko ngayon.

“Ano yon?” Tanong nito na patuloy lang sa pagpapatuyo ng buhok.

“Kung ano man yang iniisip mo ay wag mo nang ituloy. Ang bastos mo talaga!” Sabi ko nalang.

Takang tumingin naman ito sa akin at iniisip marahil kung ano ang tinutukoy ko. Pero nakita ko syang yumuko at ngumiti.

“Ah ito ba?” Tanong nya pero hindi ko sya tinignan. Kunyari nalang ay nag aayos ako ng gamit at laruan ni Breezy. “Eh hindi mo ako binigyan ng pamalit na underwear, so wala akong suot. Kaya ganyan sya…” Simpleng sagot nya na nagpaikot ng mata ko sa sobrang inis. Pero oo nga naman, hindi ko sya nabigyan ng underwear.

“Tsk…bilisan mo na dyan at gusto ko ng makita ang anak ko.” Ang tanging nasabi ko nalang.

I heard her chuckled. “Wanna do something about this first?”

Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka pero nung nakita ko ang pamilyar na ngisi sa kanyang mukha ay binato ko sya ng isang toy ni Breezy, isang rubber monkey.

“Bastos ka talaga!” Sabay irap sa kanya.

Narinig ko na naman ang pag tawa nya. “Oh for sure, namiss mo rin si Zynior. Hindi ba?”

“Halika na!” Tumayo na ako bitbit ang maliit na bag ko lalagyan ng kaunting gamit.

“Yan lang ang dala mo?” Tanong nya.  Tapos na rin syang magpatuyo ng buhok.

“Oo, susunduin ko lang naman ang anak ko, ano pa ba ang dapat kong dalhin?” Tanong ko dito.

She smiled her stupid smile again. “Goodluck.” She said at nag lakad na ito palabas ng pinto at tinungo ang parking. Sumunod ako sa kanya at sumakay sa sasakyan nya. Tinext ko nalang si Gerald na magpapasundo kami ni Breezy mamaya kapag hindi kami hinatid ni Zianne sa bahay.

Mabilis kaming nakarating ng mansyon at aaminin kong kinakabahan ako. Ayokong mag eskandalo at ayoko munang makausap si tita Kianne tungkol sa isyu namin before. Susunduin ko lang talaga ang anak ko at pagkatapos ay uuwi na. Yun lang.

Pero pagpasok na pagpasok palang sa mansyon nila ay agad kong nabungaran si tita Kianne na parang hinihintay talaga ang pagdating ko. Nakaupo sya sa couch at nakataas pa ang paa sa lamesita sa harap na nakatingin sa’kin na may makahulugang ngiti sa mukha.

“Sa wakas! Lumabas ka rin sa lungga mo Briana Cassandra.” She said at bahagya pa itong nakangisi na nakatingin sa’kin. Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin sa pagkakasabi nya nito.

“Nandito ako para sa anak ko, tita Kianne.” Sagot ko naman dito at tumigil sa kanyang harapan.

Umayos sya ng upo at itinukod ang siko sa kanyang tuhod.

“Na apo ko. I missed you too Bree.” Sinabi nya saka tinapik ang bakanteng pwesto sa tabi nya.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Zy na nakatayo rin sa aking tabi. Tumango naman ito sa akin kaya muli akong tumingin kay tita Kianne.

“Nasaan si Summer?” Tanong ko sa halip na sundin ito sa paanyaya nyang tumabi ako sa kanya.

“You mean Breezy?” She smirked at parang wala akong tiwala sa ngiti nyang iyon. I swear magkakamatayan kami kung hindi nila ibibigay sakin ang anak ko. Makakapatay talaga ako tandaan nila.






The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon