AXEL
"Dude, saan ka na naman galing?" tanong agad sa akin ni Dane nang makabalik ako sa room.
Nasa likod ko si Perez habang hawak niya ang pint ng vanilla ice cream na hindi niya naubos sa rooftop kanina.
"Oh, nahanap ka pala ni Addie?" duktong pa ng kaibigan ko.
"Siya lang naman ang nakakahanap sa akin," mahina kong sagot at nilagpasan ko na sila nina Julian, Stefan at Kevin para bumalik sa pwesto ko.
"Ano raw sabi ni Pangilinan?" rinig kong tanong ni Perez sa kanila pero nagkibit-balikat lang ang apat kong kaibigan dahil mukhang hindi rin nila narinig.
Mabuti nga at dumating na ang teacher namin sa Physics kaya hindi na nangulit ang mga kaibigan ko. Ito namang katabi ko, panay ang kalabit.
"Oh?" inis kong baling sa kanya. "Nagsusulat ako ng lecture. Kung tatanungin mo ako kung anong sinabi ko kanina, hindi ko na uulitin 'yon."
"Ay? Minsan feeler ka rin pala," natatawa niyang asar sa akin sabay usad ng braso kong nakaharang notebook. "Pausad lang nito. Hindi ko kasi makita 'yung lecture sa board."
"Tsk!"
"What? Hindi ko talaga makita, nahihirapan ako," she defensively stated.
Umiling ako at bumaling sa harap niya. Do'n ko napansin na lumipat pala sa harap niya si Joey, ang pinakamatangkad sa buong klase.
"Bro, 'di makita ni Perez ang lecture sa board," sabi ko pagkatapos kong tawagin ang atensyon niya.
"Sorry, Addie. Naiwan ko kasi ang salamin ko kaya hindi ko rin masyadong makita ang sulat sa board," paliwanag ni Joey at humawak pa siya sa batok niya, halatang biglang nakaramdam ng hiya. "Lilipat na lang ako," sabi niya pa at tumango naman ako.
"Sige, dude. Pasensya na, nahihirapan kasi siya," sagot ko pa at babalik na sana ako sa pagsusulat pero nakita kong pinigilan siya ni Perez.
"Nako Joey, okay lang naman. Kokopya na lang ako sa kanya," sabi niya sabay turo sa akin. "Sige na, stay there para hindi ka na mahirapan."
"Hindi na, Addie. I can manage," sagot ni Joey sa kanya at lumipat na siya ro'n sa vacant seat sa gilid dahil absent naman ang kaklase naming nakaupo ro'n.
Mas malapit na siya at nakikita niya pa rin naman ang lecture sa board kaya hindi ko alam kung bakit inaaway ako ni Perez.
"Ikaw kasi, eh. Bakit mo pa sinabi? 'Yan tuloy," mahinang sita niya sa akin.
"Mas okay pa nga ang pwesto niya ngayon kaysa no'ng nandyan siya sa harap mo kanina," inis kong paliwanag. "Pinadali ko na nga ang sitwasyon niyong dalawa para makopya mo ang lecture nang maayos tapos nagagalit ka pa?"
"Oh, eh 'di thank you ho," inis niyang balik at nagpatuloy ang mahinang pagtatalo namin.
"Alam mo Perez, ganyan ka ba talaga?"
"Ano na naman?"
"Mabait ka sa lahat. Kahit nahihirapan ka na, sasabihin mo okay lang sa'yo. Gawa ka nang gawa ng pabor para sa ibang tao, ni hindi ka nga yata marunong magalit. Kung magagalit ka, sandali lang. Hindi ka ba napapagod?"
"Bakit ako mapapagod? Isa pa, ano namang masama ro'n?"
"Inaabuso ka na kasi minsan, hindi mo pa alam."
"You know what, Pangilinan? Life is short. Yes, it's cliché but I try to live up to that statement as much as I can. And that's why I do the things that I do. Para wala akong pagsisisihan," depensa niya. "And it's the little things, you know?"
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
JugendliteraturSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.