Chapter 4: All hers

4.6K 139 18
                                    

ADDIE

"Addie! Okay ka lang!?" nag-a-alalang sa akin ni Kuya Brent nang i-hinto niya sa tapat ko ang pulang motor niya. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo!? Bakit humihingal ka!? Ano na naman bang ginawa sa'yo ng kapatid ni Leon? Bakit kasama mo siya?" sunud-sunod na tanong niya pa sa akin.

"K... kuya... tubig," mahina kong sabi sa kanya at naglabas agad siya ng mineral water galing sa bag niya.

Hingal na hingal ako dahil sa ginawa kong paghabol kay Pangilinan dahil sa bilis niyang maglakad.

"Okay ka na?" tanong ulit ng kuya ko. "Lagot 'yang si Axel sa akin! Pinapahirapan ka ba?"

"Oh, kalma! I'm okay, 'wag kang OA," saway ko sa kanya pagkatapos kong mahimasmasan.

"Eh kasi bak—" pinutol ko agad ang sasabihin niya at mabilis akong sumakay sa motor niya.

"Okay nga lang ako," paninigurado ko sa kanya. "Halika na, umuwi na tayo," aya ko sa kanya pagkatapos kong isuot ang pink kong helmet. Umiling lang siya sa akin at pinaandar na niya ang motor niya pagkatapos niyang isuot ang itim niyang helmet.

Malapit lang ang bahay namin sa school kaya nag-mo-motor lang kami ni Kuya Brent kapag sabay kami ng schedule. Minsan, nag-co-commute na lang ako kapag ginagabi siya ng uwi o kapag hapon pa ang pasok niya.

"Kuya, nagugutom ako. May extra ka bang pera? Bili mo naman ako ng donut at ice cream," sigaw ko habang nag-da-drive siya para marinig niya ako. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang may madaanan kaming makakainan.

"Ang takaw mo talaga!" rinig kong sabi niya pero huminto rin naman siya ro'n sa doughnut store na may katabing ice cream parlor. "Pasalamat ka mahal kita."

"Love rin naman kita," paglalambing ko sa kanya. Yumakap pa ako sa likod niya kaya napailing na lang siya at napangiti habang itinatabi niya ang motor niya sa gilid.

"Ang kulit-kulit mo na naman. Masaya ka yata?" puna niya.

"Masayang-masaya," sagot ko at inaya ko na siya para pumasok sa donut store. "Halika na, Kuya. Ibili mo na ako ng donut kasi gutom na talaga ako."

Maraming customers ang bumungad sa amin nang makapasok kami ni Kuya Brent. Karamihan ng mga nandito ay college students galing sa SU at may ilang kakilala ang kapatid ko kaya panay ang tango at bati niya mga nakakasalubong namin.

"Same pa rin ba 'yung iyo? 'Yung may chocolate wafer sa loob?" tanong sa akin ni Kuya habang nakapila kami.

Panay ang pa-cute nung babae na kumukuha ng orders namin kaya sinabi ko na i-te-take out na lang namin ang mga 'yon. Halatang hindi naman interesado si Kuya Brent pero nainis pa rin ako dahil hindi makaramdam 'yong babae.

"Nasa'n ba kasi si Ate Raven kung kailan kailangan ko ng babakod sa'yo?" nakanguso kong sabi habang naglalakad kami patungo sa ice cream parlor.

"Umuwi na, eh. Busy 'yon sa plates niya," maikling paliwanag niya.

Si Ate Raven ang girlfriend ni Kuya Brent at isang death glare lang niya sa mga babae ay lumalayo na agad sila. It's not that she's overreacting, may mga hindi lang kasi talaga marunong lumugar kung minsan.

"O-order na ba ako?" tanong sa akin ng kuya ko pagkatapos naming humanap ng pwesto rito sa labas ng ice cream parlor. It's past five kaya hindi na mainit at may malaking umbrella naman sa gitna ng mga tables kaya okay lang din naman ang pwesto namin.

"Hala, hala!" bulong ko sa sarili ko nang huminto ang isang pamilyar na puting SUV para mag-park sa gilid. It's Pangilinan's! I'm sure! Tanda ko ang plate number nila dahil madalas ko 'yong tignan.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon