Chapter 16: Let me be

3K 93 13
                                    

ADDIE

"Addie!" mariing tawag ni Kuya Brent nang makapasok kami sa shop.

Sinalubong kami ni Tatay at magkasunod kaming nagmano ng kapatid ko sa kanya. Wala pa rin akong kibo at dire-diretso lang akong umakyat sa hagdan papunta sa bahay namin sa taas. Narinig ko pa sina Kuya Jake at Kuya Henry na nag-u-usap.

"Oh, mukhang parehong mainit ang ulo nung magkapatid, Tito?" sabay nilang sabi habang pinupunasan nila ang mga grasa sa kamay nila.

Assistant ni Tatay sina Kuya Jake at Kuya Henry, mga working students sila. They're the same age with Kuya. Para na ring mga anak ang turing sa kanila nina Nanay at Tatay. Naging kaibigan na rin namin sila ni Kuya dahil dalawang taon na silang nagta-trabaho sa shop.

"Addie! Kinakausap pa kita!" sigaw ng kapatid ko nang makapasok kami sa bahay.

Kanina niya pa ako sinesermunan mula nang balikan niya ako sa lugar kung saan niya ipinarada ang motor niya. Ilang minuto rin akong naghintay kanina kaya sigurado ako'ng may sinabi pa siya kay Axel.

"Ayoko nang makinig sa'yo, Kuya! I can't have your piece of my mind if you won't have mine!" pakikipagtalo ko sa kanya.

"Brent, bakit ba kayo nagsisigawan ng kapatid mo!?" rinig naming tanong ni Nanay mula sa kusina.

Lumabas pa siya mula ro'n kaya nagmano muna ako sa kanya bago ako nagmartsa paakyat sa kwarto ko. Si Kuya Brent naman, nagmano rin sa kanya at agad na sumunod sa akin sa taas kaya bago ko pa man din ma-i-lock ang pinto ng kwarto ko, napigilan na agad 'yon ng kamay niya.

"You don't understand, Addie! He's bad for you, sasaktan ka lang niya!" pakikipagtalo niya sa akin habang nagpupumilit siyang pumasok sa kwarto ko.

"Bakit? Paano mo nasabing makakasama lang siya sa akin!?" sagot ko habang pilit ko siyang iniipit sa pinto pero mas malakas talaga siya sa akin. Of course, he's taller and more muscular! Ugh!

"Akala mo hindi ko alam? You're having frequent chest pai—"

"I don't want to hear it!" putol ko agad sa sinasabi niya. "Kuya naman, hindi pwedeng laging ito ang dahilan kung bakit hindi ako pwede sa maraming bagay! Hindi rin pwede na lagi mo na lang akong i-de-deprive sa mga bagay na sa tingin mo, makakasama sa akin. Dinaig mo pa sina Tatay at Nanay!"

"I am just trying to protect you!" depensa niya. "I'm doing this for you, Addie!"

"No! Let me be!" sagot ko at sinipa ko ang tuhod niya kaya napadaing siya sa sakit.

Mabilis kong ini-lock ang pinto at kinuha ko agad ang phone ko sa bag. Bumungad agad sa akin ang ilang messages galing kina Zia dahil hindi ako nakasunod sa kanila at ang isang text message galing kay Axel.

Axel:
Nasa bahay ka na? Galit pa rin ba ang kuya mo? Please tell me so that I can talk to him again. Gagawin ko lahat hanggang makuha ko ang tiwala niya.

Napangiti ako sa nabasa ko. At least, mapapanatag ako na hindi siya kayang takutin ng kuya kong wala yatang magawa sa buhay niya.

Me:
Yes, nasa bahay na ako. Kuya's still mad but I can handle him, don't worry. And Axel? Thank you for being courageous enough to stand up for us.

Pinadala ko agad sa kanya ang reply ko at ilang minuto lang ay sumagot din naman siya.

Axel:
Hmm... pwede ba akong tumawag para mas maayos tayong makapag-usap? I am not very fond of texting, you see. I prefer to hear your voice... I want to hear it.

Hindi pa man din ako nakaka-reply ay nakita ko na agad ang pangalan niya sa caller ID nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko naman 'yon at masiglang boses ang ibinungad ko sa kanya.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon