ADDIE
"Xscape should have a basement parking lot like this at their studio," sabi ni Ethos habang inaalalayan niya ako pababa sa sasakyan niya. "You know, for safety purposes. Para hindi na maulit ang nangyari sa inyo ni Zia noong isang araw."
"Strict na raw ang security ngayon sa studio sabi ni Julian kay Zia. I'm sure they won't allow such thing to happen again," sagot ko habang hawak niya ang kamay ko.
According to Ethos, Tito Timothy had this basement parking lot and secret entrance constructed for their family and friends when Xscape started to become a big name. It's for their privacy and safety. Sa main branch lang ng Xela may ganito dahil dito raw madalas ganapin ang mga family gatherings ng Sandoval at Pangilinan clan. Isa pa, dito lang naman tumutugtog ang Xscape kaya kailangan na mas secured ang place.
Sabay kaming naglakad paakyat sa hagdan patungo sa isa pang entrance ng Xela. Dumiretso kami sa isang hallway kung nasaan ang office ni Tito Timothy at ang ilang private dining rooms.
Napansin ko agad ang mga naka-frame na write-ups mula sa iba't ibang magazines at newspapers tungkol sa Xela. May ilan ding pictures ng grunge bands at vinyl cds na nakalagay sa pader.
"Wow, Xela's beautiful..."
I took my time as I admired the whole place. This is actually my first time here and I'm already liking the vintage vibe that it's giving. I also noticed that there's a wine bar at the right side and a stage in the center.
"It is," sang-ayon ni Ethos. Magkahawak-kamay kaming naglakad palapit sa table ng mga kaibigan namin na nakaupo malapit sa harap ng stage.
"Finally! Dumating din kayo," salubong sa amin ni Zia. Isa-isa silang humalik sa pisngi ko nina Mary, Michelle at Rheigne. Bumati rin sila kay Ethos bago nila ipinakilala sa amin sina Sophie at Joaquin.
"Hi! It's nice to meet you, Sophie," nakangiting sabi ko pagkatapos naming humalik sa pisngi ng isa't isa.
"You too, Adds," nakangiting balik niya. Nakipag-kamay naman sa amin ni Ethos si Joaquin at excited ko siyang hinarap.
"Joaqs! Nagkita rin tayo in person!" nakangiting sabi ko. Ipinakilala siya sa akin Rheigne two years ago pero sa video call at pictures ko lang siya nakikita. Same goes with Zia dahil pareho pa kaming nasa ibang bansa noon.
"It's nice to finally meet you in person, Adds," nakangiting sagot niya. Siya dapat ang date ni Rheigne sa launching event pero magkaaway sila kaya hindi niya kasama si Joaquin last time.
"Nasa'n sina Axel?" tanong ni Ethos. Naupo na kaming lahat at nakaikot kami sa isang malakaing circular table na reserved para sa amin. May limang bakanteng upuan dahil wala pa ang Xscape.
"Backstage," sagot ni Rheigne. "You're just in time for their set. Nag-pi-prepare lang sila kaya hindi pa lumalabas sa stage."
"Bakit ba kasi ngayon lang kayo?" tanong ni Mary. Napansin ko ang mga alcoholic drinks na nasa table nang bumaling ako sa kanya. It's getting late and they're already drinking.
"Sobrang traffic sa EDSA," maikling paliwanag ko. "Guess some things never change," dagdag ko pa at sumang-ayon naman sila.
"Oh, there's Axel. Magsisimula na siguro sila," sabi pa ni Mary nang tumuro siya sa gilid ng stage.
Sabay-sabay kaming lumingon at nakita kong may kinakausap si Axel. Tumuturo siya sa aming dalawa ni Ethos at tumango lang staff bago niya iniwan si Axel para lumapit sa isang waiter. Sandaling bumaling sa direksyon namin si Axel at kinawayan pa siya ni Ethos bago siya bumalik sa backstage.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.