Chapter 1: Sadie Hawkins

10.6K 153 12
                                    

AXEL

"Baby, gising na..." rinig kong sabi ni Mommy gamit ang malambing niyang boses. Marahan niya akong tinatapik sa balikat kaya ibinalot ko sa kumot ang sarili ko.

"Ayokong pumasok, 'My! Inaantok pa ako," mahinang sagot ko habang inaalis ko ang kamay niyang nasa balikat ko.

"Nako! Sinabihan ko na kasi kayo nina Julian kahapon na 'wag na kayong magpuyat sa paglalaro ng online game dahil may pasok pa kayo pero hindi ka nakinig!" sermon niya agad kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Five more minutes, 'My! Sige na, please?" pakiusap ko pero naramdaman ko ang pagpalo niya sa hita ko.

"No! It's already quarter to six! Maligo ka na at ba-biyahe pa kayo ng mga kapatid mo," tanggi niya sa pakiusap ko at naghilahan pa kami ng kumot. Ang kulit talaga ni Mommy! "Axel Theodore! Isa!"

Alam kong galit na siya dahil nagsimula na siyang magbilang kaya bumangon na ako at mabilis na pumasok sa banyo. Narinig ko pa ang reklamo ni Mommy bago ko buksan ang shower dahil magulo na naman daw ang kwarto ko.

Tsk, si Mommy talaga!

Hindi na lang ako sumagot at nagsimula na akong maligo. Kinatok pa ni Mommy ang pinto ng banyo at sinabi niyang dumiretso na ako sa dining area pagkatapos kong magbihis. Sinundan 'yon nang paglabas niya sa kwarto at pagkalipas ng twenty minutes, sumunod na rin ako sa dining dahil tapos na akong maligo at magbihis.

"Oh anak, maupo ka na at kumain ka na ng breakfast mo para makaalis na kayo," bungad ni Mommy nang makita niya akong naglalakad palapit sa dining table.

"Good morning, Sir Axel," bati naman sa akin ni Manang Nieva, isa sa mga house helps namin. "Ano pong gusto niyong inumin? Hot chocolate po ba o coffee?"

"Hot chocolate na lang po, Manang. Salamat," sagot ko sa kanya.

"Sige po," sagot niya at tinalikuran na niya kami para pumunta sa kusina.

"Morning, 'My. Morning, 'Dy," bati ko sa parents ko at ginulo ko pa ang buhok ng bunso kong kapatid sa tabi ni Mommy bago ako naupo sa tabi ni Kuya Leon. "Morning, Panget! Morning, Kuya!"

Ibinaba ni Kuya Leon ang magazine ng mga latest cars na hawak niya para makipag-fist bump sa akin at sinimangutan lang kami ng bunso naming kapatid na si Kailyn.

"Kuya Axel! Ginulo mo na naman ang hair ko! Ugh!" ngumuso pa siya at umirap sa akin bago niya inayos ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. I just made a face to irritate her more. Bwisit na bwisit siyang bumaling kina Mommy at Daddy pagkatapos niya akong irapan.

"'My, 'Dy! Si Kuya Axel, oh!" sumbong niya.

"Axel..." makahulugang tawag sa akin ni Mommy pero tumawa lang kami ni Kuya Leon habang kumukuha ako ng bacon.

"Sumbungera," sabi ko pa at nakita ko si Dad na ibinaba ang kape na iniinom niya.

"Axel, tigilan mo ang kapatid mo," saway niya pa sa akin kaya nagkibit-balikat na lang ako at kumain.

Mabilis lang akong kumain dahil patapos na sina Kuya Leon at Kailyn. Kinukulit na rin kami nitong bunso namin dahil ayaw niya raw ma-late.

"Leon, sige na, mauna na kayo ni Kai sa garage at ilabas mo na ang kotse mo," rinig kong sabi ni Mommy habang paakyat ako sa hagdanan patungo sa kwarto ko. I have to brush my teeth again. Hassle. "Susunod na lang si Axel."

Si Kuya Leon ang naghahatid sa amin ni Kailyn sa school bago siya pumasok sa Serendipity University dahil nasa kabila lang nito ang Serendipity High. Kapag hindi maaga ang pasok niya, do'n lang kami inihahatid ng driver o ni Daddy kapag maaga siyang umaalis para mag-monitor sa iba't ibang branches ng Xela, ang mga restau bars namin.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon