ADDIE
"Kuya Brent, utang na loob! Wear your shirt, please!" inis na inis kong sabi sa magaling kong kapatid.
Nakatayo siya sa harap ko habang topless at may marka ng grasa ang katawan niya. Normal na ito para sa akin pero mukhang sa mga customers namin ay hindi dahil kulang na lang ay maglaway sila.
"Mahihirapang maglaba si Nanay kapag nagdumi pa ako ng shirt," sagot ni Kuya pagkatapos niyang uminom ng tubig. "Bakit ba? Ano na namang problema mo? Ganito naman talaga ako sa tuwing nag-ta-trabaho rito sa shop," duktong niya.
Ininguso ko agad ang direksyon ng apat na babae'ng magkakaibigan na nasiraan ng sasakyan malapit sa amin. Sinundo pa sila ni Kuya Brent sa may kanto para hilahin ang sasakyan nila dahil tumawag sila rito kanina.
"Balak ka yatang tunawin ng mga 'yan sa titig," bulong ko pa sa kanya. "Kilala ko 'yong chinita. Nagpa-repair ng sasakyan dito ang driver niya last week. Nasa backseat siya noon habang panay ang titig sa'yo. Ngayon naman, nagsama pa siya ng mga alipores niya," iritable kong sabi dahil naaartehan ako sa presensya nila.
Umirap sa akin 'yong isa nang makita niyang kausap ko ang kapatid ko. Umirap din ako sa kanya kaya sinaway agad ako ni Kuya Brent.
"Customers pa rin sila. Behave," sabi niya pa bago niya ako tinalikuran.
Lumapit siya ro'n sa apat para sabihing okay na ang sasakyan nila. Na-disconnect lang daw ang battery nito kaya hindi umaandar kanina. If I know, sinasadya lang nila 'yon para makita si Kuya Brent.
Tuwing weekends kasi ay tumutulong kami ng kapatid ko kay Tatay rito sa auto repair shop namin. Si Kuya Brent ang tumutulong sa pag-a-ayos ng mga sasakyan at ako naman ang nasa cashier. May dalawa pang assistants si Tatay na parehong ka-edad ni Kuya pero wala sila ngayon dahil sinamahan nila si Tatay na kumuha ng mga bagong mechanical parts.
"Addie! Resibo," tawag sa akin ni Kuya Brent pagkatapos niyang makipag-usap do'n sa mga babae.
Bumalik si Kuya sa tabi ko para kumuha ng basahan. Pinunasan niya ang grasa sa kamay niya at katawan. Habang ginagawa niya 'yon, nilapitan naman siya nung chinita.
"Uhm... excuse me? Brent, right?" tanong niya pa kay Kuya. Mas inuna pa talaga nila ang paglapit sa kapatid ko kaysa sa pag-chi-check kung okay na ba talaga ang sasakyan na dala nila. "Narinig ko kasi na 'yon ang tinawag sa'yo nitong cashier niyo. You own this shop, 'di ba?" maarte niya pang sabi habang nakatayo sa likod niya ang tatlo niyang kaibigan.
"Actually... I am not a mere cashier here, I am his sister," sabi ko naman kaya bumaling sila sa akin. "Kaya nga tinawag ko siya na kuya kanina, 'di ba?" duktong ko.
"Oh, sorry. Akala kasi namin, staff ka lang dito," singit nitong isa na makapal ang makeup. "Mukha kasi, eh."
"Sa ganda kong ito, pagkakamalan mo akong staff?" Napasinghap ako sa inis at tinaasan ko pa sila ng kilay. "Fine, I will take that as a compliment. Because you know what? I would rather be mistaken as a staff dahil alam ko namang maganda pa rin ako. Kaysa naman sa inyo, mga mukha kayong trying ha—"
"Addie, stop it," saway sa akin ni Kuya Brent bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Seryoso siyang bumaling do'n sa apat na babae at kitang-kita ko kung paano namula ang tenga niya. He's mad, I can tell. "Just leave if you are going to insult my sister. Don't worry about the repair charge, I got it covered. Basta sa susunod, h'wag na sana kayong babalik dito," mahinahon pero mariin na sabi ni Kuya sa kanila.
Mabuti na lang at walang ibang customer dito ngayon dahil baka magkaro'n pa sila ng masamang impression sa shop namin. Pinagtatanggol lang naman ako ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.