Chapter 9: Different

3.3K 117 19
                                    

AXEL

"Axel," tawag niya sa akin pagkatapos kong ibalik sa dating pwesto ang mga gulong na ginalaw niya kanina. Muli kaming naupo sa ibabaw nito at bumaling ako sa direksyon niya.

"Mhm?"

"Nakakapanibago naman. Hindi talaga ako sanay na tinatawag ka sa first name mo."

"You'll get used to it," sagot ko. "Pauso ka kasi. Why call me using my surname when I have a name?"

"Para alam mo agad na ako 'yon kapag narinig mong may tumatawag sa'yong Pangilinan" natatawa niyang paliwanag. "Ikaw nga 'tong nakigaya pa."

"I did that to annoy you."

"Gano'n?" Tumawa siya at umiling. "Akala ko pa naman endearment natin 'yon."

"What?!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Kung anu-ano pala talagang pumapasok sa isip mo! Are you high?" seryoso kong tanong.

"Minsan," kibit-balikat niyang sagot bago niya hinampas ang braso ko nang hindi ako sumagot. "Syempre hindi, 'no! That was a joke."

"Ewan ko sa'yo."

Umiling na lang ako at ipinikit ko na ang mga mata ko para ipagpatuloy ang naputol kong pag-idlip kanina.

"Nagsungit na naman siya," rinig kong sabi niya sa tabi ko.

Hindi na rin naman niya ako kinulit kaya natuloy na ang pagtulog ko sa buong duration ng byahe.

Alas siyete na nang magising ako at si Addie naman ay mahimbing na nakasandal sa balikat ko. Nakanganga pa siya at naramdaman ko na lang na may basang parte na sa kaliwang balikat ko. Tsk!

Dahan-dahan kong isinandal ang ulo ni Addie bag niya para makapaghubad ako ng suot kong pang-itaas. Mabuti na lang at may extra shirt sa bag ko dahil may outdoor activity kanina sa Physical Education naming subject.

Pagkatapos kong magbihis, napansin ko na nag-pa-park na ang kuya ni Addie sa harap ng isang maliit na retail shop ng mga gulong. Narinig ko ang pagpatay niya sa engine ng sasakyan kaya tumalon ako pababa mula rito sa cargo para tumulong sa pagbaba ng mga gulong.

"Nakatulog si Addie?" tanong agad ng kuya niya nang lumabas siya mula sa sasakyan.

"Oo," maikli kong sagot habang nakapamulsa at nakatingin sa kapatid niyang tulog pa rin sa likod ng pickup. Ilang sandali lang ay naalimpungatan din naman siya kaya kinusot niya muna ang mga mata niya bago lingunin ang paligid.

"Gising na pala," sabi ko pa habang pinapanuod ko si Addie na naghihikab.

"Bunso, pagod ka na ba? Just sleep inside the pickup," rinig kong sabi ng kuya niya nang lumapit ito sa kanya.

"Hindi na, Kuya Brent. Tutulong ako," sagot niya at tumayo na siya para bumaba mula sa cargo.

"Tigas naman ng ulo," iiling-iling na sabi naman ng kuya niya. Lumapit pa ito sa gilid para alalayan siya sa pagbaba. "Tutulong ka pero huwag kang hahawak ng gulong, ha? Mag-inventory ka na lang habang inililipat 'tong mga gulong sa loob," bilin pa niya.

"Mana sa'yo!" sagot ni Addie at ngumisi pa siya pagkatapos siyang ibaba ng kuya niya. "Opo, masusunod. Tara na! Simulan na natin para mabilis tayong makauwi," duktong niya pa at sinimulan na ng kuya niya ang pag-u-unload sa mga gulong na laman ng cargo.

"I'll help," anunsyo ko at sabay pa silang napatingin sa akin.

"Sigurado ka?" nanunuyang tanong ng kuya niya. Itinuro niya pa ang suot kong PE shirt na kulay puti pagkatapos niyang itaas ang magkabilang manggas ng suot niyang itim na shirt. "Baka madumihan ka."

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon