Chapter 39: Angel

1.8K 61 5
                                    

AXEL

"What was that for!? Tang ina mo!" daing ni Julian habang nakahawak siya sa sikmura niya at napangiwi sa sakit.

"I heard everything," kibit-balikat kong sabi bago ako sumeryoso. "Why did you do that, Julian? Hindi mo naman kami kailangang pakialaman, hindi naman ako nakikialam sa inyo ni Zia."

"It's unhealthy, Axel. Will you really betray Ethos just because of Addie?"

"Sabi ko naman 'di ba, I'll settle with whatever she can give. I admit, I can't help but want something more than that but it doesn't mean that I'll betray Ethos," sagot ko at dire-diretso akong naglakad palabas ng high school building.

"Pero 'di ba sabi mo noong tinanong ka ni Stefan, hindi mo na siya papakawalan ulit kapag nalaman mong gano'n pa rin ang nararamdaman niya para sa'yo. Kapag gusto ka pa rin niya after all these years," sabi niya naman nang maka-recover siya at makahabol sa akin. "She still likes you, man. I'm sure."

"Maybe you're just mistaking her simple act of being concerned to me as a friend for something else. She's still with my cousin, right? Kung gusto niya pa rin ako, bakit may Ethos ngayon?" punto ko. "Don't worry, I know my place. Wala kang dapat ipag-alala, Julian."

"Maybe. Or maybe she's just torn between the two of you," makahulugan niyang sabi. "Alam mo nga ba talaga? O minsan nakakalimot ka?" dagdag niya pa at napailing na lang ako.

"Bakit ba ang dami mong tanong, dude?" impatient kong sabi. "Kaya ko ang sarili ko. Kung hindi mo ako kayang suportahan, hayaan mo na lang ako. At kung may sasabihin ka, sa akin mo sabihin. Leave Addie alone. Ako ang makakalaban mo kapag pinasama mo pa ang loob niya."

"Chill, man. Ayaw ko ng gulo," paglilinaw niya. "Magkakaibigan tayo, wala akong masamang intensyon. Hindi lang ako pabor sa mga nangyayari dahil alam kong may masasaktan na naman."

"Ako lang naman ang pwedeng masaktan dito, Julian. Kung masaya talaga si Addie sa pinsan ko, ako lang ang masasaktan," sagot ko.

"One can never tell, Axel," makuhulugan niyang sabi sabay tapik sa balikat ko. "One can never tell."

Tahimik naming tinungo ni Julian ang carpark at wala nang nagtangka pang magsalita. Katabi ng itim kong Dodge Challenger ang kulay puti niyang Ferrari kaya sabay kaming tumigil sa paglalakad. Bakante na ang tatlong espasyo na para sa mga sasakyan nina Dane, Stefan at Kevin. Tumango lang kami sa isa't isa bago ako naunang sumakay sa sasakyan at umalis.

Muli na naman akong napaisip dahil sa mga salitang binitiwan ni Julian. Nainis ako sa ginawa niya pero naiintindihan ko siya. Ganito naman talaga siya noon pa. He's always the observant and mature one in the group. Kay Zia lang siya tumitiklop at nagiging immature.

"Axel! Nasa'n ka na? Nakita mo ba si Julian?" bungad sa akin ni Kevin nang sagutin ko ang tawag niya habang suot ko ang wireless headset ko. "Para kasing tanga 'yang si Julian. Kasabay na namin tapos bumalik pa, may naiwan daw."

"Oo, nagkita kami. Magkasabay kami hanggang sa carpark pero hindi ko nakitang sumunod siya sa akin," sagot ko. "Baka dinaanan si Z? Hinahanap na ba kami?"

"Oo nga pala. Si Zia pa pala," sabi naman niya. "Hindi pa naman. Ma-de-delay raw ang shoot. Nag-back out si Chelsea last minute, may mas importanteng commitment daw siya na kailangang puntahan. Wala namang magawa ang mga staffs dahil hindi naman bayad si Chelsea sa cameo niyang gagawin dapat," paliwanag niya.

"Wala akong problema kay Chelsea pero bakit kailangan pa kasi ng cameo? Hindi naman kailangan ng babae sa music video," reklamo ko.

Chelsea's into modeling and she is currently dating Toby who is now a well-known disc jockey. She also appears in various television shows and music videos that's why our manager asked her if she can make a cameo for my first music video as a solo artist.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon