ADDIE
"Stop pacing, Axel! Para kang tanga!" rinig kong sita ni Kuya Brent sa kanya habang naghahanda ako'ng bumaba sa hagdan. "Si Addie pa rin naman 'yan, eh halos araw-araw mo namang nakikita ang kapatid ko."
"Binu-bully na naman ng kuya mo si Axel," sabi pa ni Ate Raven habang inaayos niya ang suot ko.
It's a long champagne gown filled with beads and sequins. May opening ito sa likod pero hindi naman revealing dahil kailangan ko pa ring sumunod sa rules ng dress code namin.
"Oo nga, Ate. Sabihan mo nga si Kuya Brent," nakangusong sabi ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin na inilabas ni Nanay mula sa kwarto.
"Sinasabihan ko 'yang kuya mo, Adds. Pati nga si Leon kinausap na 'yang si Brent na bawasan ang pagiging masungit kay Axel," sagot niya. "Kaya lang, hindi mo naman din masisisi ang kuya mo dahil ganyan naman talaga ang mga kuya sa mga babae nilang kapatid... overprotective," dagdag niya pa habang nilalagyan niya ng mga bobby pins ang buhok kong naka-braided crown.
"Axel, isa! Nahihilo na ako sa'yo," pag-ulit ni Kuya Brent sa pagsaway sa kanya at napailing na lang si Ate Raven.
"But this one's different because today's a special day. I can't just calm down," rinig kong sagot ni Axel sa kuya ko at sabay kaming napangiti ni Ate Raven.
"Akalain mo nga naman, you and Axel... finally, 'di ba? Hindi ako makapaniwala na naririnig ko 'yan mula sa kanya," sabi niya pa. "At ang kuya mo naman, akala mo hindi niya naranasan 'yan noong prom namin. Mas OA pa nga siya noon," nakatawa niya pang dagdag.
"Ako rin nga hindi makapaniwala, Ate," sagot ko. "Pero masaya ako, masayang-masaya."
"And I'm happy for you," balik niya habang nilalagyan niya ng final touches ang makeup ko. "There! You're all set! I'm sure Axel's eyes will only be on you tonight, right Tita Tine?" sabi niya pa sabay baling kay Nanay na kanina pa kuha nang kuha ng mga pictures.
"Dapat lang, Raven. Ang ganda kaya ng anak ko," proud na sabi ni Nanay habang hawak niya ang camera. "Pose ka nga muna, 'nak. Dali," utos niya pa at sumunod naman ako pagkatapos kong magpasalamat kay Ate Raven.
Naunang bumaba si Nanay pagkatapos ng ilang shots dahil kukuhanan niya raw ako habang naglalakad pababa sa hagdan. Sumunod naman kami ni Ate Raven at nakita kong nakatayo si Axel habang naghihintay sa akin. May hawak siyang bouquet ng red roses at sa isang kamay niya ay corsage naman.
"Oh, bibig mo," sita ni Kuya Brent sa kanya bago niya tinawag si Tatay sa baba para makita ako.
"Hi," nakangiting salubong ko kay Axel nang makarating ako sa dulong baitang ng hagdan. Huminga siya nang malalim at masuyo niya akong pinasadahan ng tingin.
"You look so beautiful," puri niya sa akin sabay abot ng bouquet na dala niya. "Ah, ito pala. Para sa'yo."
"Thank you," nakangiting sagot ko at tinanggap ko ang bulaklak na galing sa kanya. Pinasadahan ko rin ng tingin ang ayos niya ngayon at nahihiya siyang napahawak sa batok niya. He's wearing an all-black suit that he paired with a champagne necktie. He looks elegant and dashing. "Bagay sa'yo 'yang suit mo."
"Psh! Akala mo ngayon lang nagkita 'tong dalawang 'to," rinig kong sabi ni Kuya Brent kaya umirap ako sa kanya.
"Pabayaan mo na nga sila. Ang KJ mo!" saway pa ni Ate Raven at agad namang tumahimik si Kuya Brent.
"Tiklop ka, 'nak?" natatawang asar naman ni Tatay sa kapatid ko at nagtawanan kami.
"Hindi kaya—" Nilakihan agad ng mga mata ni Ate Raven si Kuya Brent nang akmang kokontra siya kay Tatay. "Hindi na nga ako magsasalita sabi. I love you," malambing na bawi ng magaling kong kapatid.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.