ADDIE
"Okay lang naman kung ako lang mag-isa rito," sabi sa akin ni Pangilinan habang masaya akong nakaupo sa tabi niya.
"Sa akin hindi okay 'yon," sagot ko. "I'll stay here."
Gusto ko siyang samahan kaya wala na siyang magagawa. Hindi ako aalis dito.
"Really, Addie... it's okay," pagpupumilit niya pero tumawa lang ako at itinaas ko ang kamay ko sa ere.
"Shhh!" saway ko sa kanya at mas nilalakasan ko ang volume ng music na nanggagaling sa phone ko. "Dito nga lang ako, 'wag ka nang makulit."
"Suit yourself," kibit-balikat na lang niyang sabi at pinagmasdan ko ang pagpikit niya. Halatang naiirita siya sa kanta'ng pinapatugtog ko pero hinayaan ko lang siya.
"I don't like your genre. It's too cheerful, too lively, too loud... too you," rinig kong sabi niya habang nanatili siyang nakapikit. "It's annoying, you're annoying."
"Sus! Kunwari pa 'to," sabi ko naman. "Stop saying things that you don't mean."
"Stop imagining things," balik niya kaya inirapan ko siya kahit hindi niya nakita ang ginawa ko.
"Asungot, epal, pangit..." bulong ko sa sarili ko habang nakikinig sa kanta.
"Sino ang asungot, epal at pangit?" iritadong tanong niya sa akin nang idilat niya ang mga mata niya.
"Ikaw," muli akong umirap. "Sino pa ba?"
"H'wag mo akong guluhin kung asungot, epal at pangit naman pala ako," sagot niya at nag-make face naman ako sa harap niya.
"Kakanta na nga lang ako!" deklara ko.
Pinagpatung-patong ko ang ilang gulong para magkaro'n ako ng maliit na espasyo kung saan pwede akong tumayo at sumayaw. Masigla kong sinabayan ang kanta na mula sa phone ko at hinayaan ko ang hangin na guluhin ang mahaba kong buhok.
"If you could see that I'm the one who understands you, been here all along... so why can't you see? ♪" damang-dama ko ang pagsabay sa kanta at sinabayan ko pa 'yon ng ilang makulit na galaw. "You belong with me, you belong with me ♪"
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko na parang ako lang ang tao sa mundo. Halatang mas nairita pa si Pangilinan sa ginagawa pero binalewala ko lang 'yon at nag-enjoy sa music.
"Sit down, Perez! Baka mahulog ka!" inis na saway niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin at mas nilakasan ko pa ang pagkanta.
"Standing by and waiting at your back door, all this time how could you not know? Baby... ♪" pagpapatuloy ko sa pagkanta at itinuro ko pa siya para ipamukha sa kanya ang lyrics. "You belong with me, you belong with me ♪"
"Perez, isa!" nanggigigil niyang saway sa akin.
"No!" I even giggled. "Pwede ba? Ang KJ mo naman!"
"This is not even funny! Para kang ewan d'yan!" he shouted.
"Who cares?" nag-kibit-balikat na lang ako at binalewala ang pananaway niya.
"Have you ever thought just maybe, you belong with me, you belong with me ♪" pagsabay kong muli sa kanta habang nakatingin sa kanya at nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.
Aasarin ko pa sana siya pero muntik na akong ma-out of balance kaya bahagya akong napatili. Ilang minuto lang ay natawa na lang ako sa sarili kong kakulitan pero inis na inis si Pangilinan nang harapin niya ako.
"Will you stop that!? Muntik ka na ro'n!" sigaw niya sa akin pero naging malumay rin naman ang boses niya nang kumunot ang noo ko. "Come on... just sit down, please."
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.