Chapter 41: Worth it

2.2K 67 8
                                    

AXEL

"Manang, si Mommy?" tanong ko agad nang sinalubong niya kami ng Xscape.

May dala kaming ilang case ng beer at snacks dahil nag-ayang uminom ang mga kaibigan ko nang malaman nilang uuwi ako sa bahay namin dito sa Bulacan.

"Ser, tulog na sa kwarto ni Ma'am Kai," sagot niya. "Gusto mo bang gisingin ko ang mommy mo? Hindi yata alam ni Ma'am Alex na uuwi ka ngayon."

"Hindi na, Manang. Let her rest," sabi ko naman.

Biglaan lang ang pag-uwi ko ngayon kahit na Sunday pa ang rest day namin. Maaga ang recording namin bukas pero pwede naman kaming lumuwas sa madaling araw para umabot sa schedule dahil dito rin matutulog ang mga kaibigan ko.

Umuwi rin kasi si Kuya Leon kanina rito kaya mag-isa lang ako sa unit. It's suffocating being alone in there, it's giving me time to think about things that I shouldn't be thinking that's why I decided to head home too.

"Nag-dinner na ba kayo, Ser? Ipaghahanda na namin kayo ng pagkain," sabi pa ni Manang pero agad naman akong umiling.

"Kumain na po kami bago kami dumiretso rito. 'Wag na po kayong mag-abala," tanggi ko. "Palabas na lang po ng ice bucket sa garden at limang glasses para sa amin."

"Sige, ipapasunod ko na lang," sagot niya. "Ay Ser, gusto mo bang magpa-setup ako ng isa pang lamesa sa labas? Nando'n din kasi sa garden ang daddy mo at ang mga tito mo."

"Additional chairs na lang po, Manang. Makiki-share na lang po kami sa table nina Daddy," sagot ko bago niya kami iniwan. Inaya ko naman ang mga kaibigan ko na dumiretso na sa garden kaya naglakad na kami patungo ro'n.

"Sabi ko na nandito sina Daddy," sabi naman ni Dane.

"That's why the cars in the garage look familiar," sabi pa ni Kevin. "Shit, lagot ako kay Daddy! Hindi pala ako nakagpaalam na pupunta ako sa Bulacan ngayon."

"Hayaan mo na. Hindi naman magagalit 'yon 'pag nakita tayo," sabi naman ni Stefan at dumiretso na kami palabas sa garden.

Rinig na rinig namin ang malakas tawanan nina Daddy habang palapit kami. Mukhang kumpleto ang Kryptonite ngayon at kasama rin nila si Tito Enz. Nasa table rin sina Kuya Leon at Kuya Mason—ang kuya ni Kevin.

"Aba, aba. Boys! What brought you here?" salubong sa amin ni Tito Seph at sunud-sunod namang lumingon sina Daddy sa amin.

Bumati muna kami sa kanila bago namin ibinaba ang mga dala namin. Pinalibutan namin ang dalawang circular tables na nasa gitna nang dumating ang mga upuan at agad kaming inabutan ni Kuya Leon ng beers galing sa cooler na nasa tabi niya. Inayos niya rin ang mga beers at snacks na dala namin.

"Sabi ng manager niyo, sa Sunday pa ang rest day. May nangyari ba?" tanong ni Tito Eiden habang naglalagay ng ice si Dane sa mga baso namin.

"Wala naman, Dad. Gusto lang umuwi ni Axel tapos sumama kami," sagot ni Julian pagkatapos niyang magsalin ng beer sa baso niya.

"Hindi ka nagpaalam sa akin, Kevin. Hindi ka nagsabi na pupunta kayo rito kina Axel," sabi naman ni Tito Kris kay Kevin na kumain agad ng sisig. "Kaya siguro bibihira kayong umuwi, ano? Puro gala ang ginagawa niyo."

"Hindi rin nagpaalam sa akin 'yan si Dane," sabi pa ni Tito Kael. Gano'n din ang sinabi nina Tito Eiden at Tito Seph sa mga anak nila.

"Dad, biglaan lang kasi. Lagi naman akong umuuwi sa bahay 'pag hindi kami busy, ah?" katwiran naman ni Kevin. "Sinamahan lang talaga namin si Axel," dagdag niya pa. Tumango naman sina Dane, Stefan at Julian bilang pagsang-ayon.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon