ADDIE
"Kuya, are you expecting someone?" tanong ko sa kapatid ko nang tumunog ang doorbell at umiling naman siya. Pansamantala kong itinigil ang pagbuhos ng iba't ibang kulay ng pintura sa malaking canvas para punasan ang mga kamay ko. "I'll get it, teka."
"Ako na," sabi naman niya bago siya tumayo mula sa isang baitang ng hagdan na inuupuan niya. "Baka mamaya kung sino pa 'yan. Titignan ko muna."
Tulog na sina Nanay at Tatay sa taas, si Kuya Brent naman ay nandito sa baba para samahan ako dahil nag-aalala siya na baka walang makakita sa akin kapag napano ako. Hindi kasi ako makapag-paint sa loob ng bahay dahil masyadong makalat ang ginagawa ko ngayon.
"Okay," sagot ko naman at ipinagpatuloy ko na ang ginagawa kong pagpipinta.
I've been sketching and painting too much these past few days to get my mind off things. I'm also using acads as an excuse to skip lunch and meet-ups with friends. Ito naman ang dapat kong gawin, ang umiwas.
Yes, I am distancing myself because it's the right thing to do. Kahit alam kong mali na pati mga kaibigan namin ni Axel ay iniiwasan ko. Ayoko lang muna ng confrotantion mula sa kanila. Sigurado akong alam na nila ang nangyaring pag-u-usap sa pagitan namin ni Axel at hindi pa ako handang sumagot sa mga tanong nila.
"Addie, si Kevin," tawag sa akin ni Kuya Brent pagkatapos niyang sumilip sa maliit na espasyo sa gilid ng gate. Pinagbuksan niya ng gate si Kevin at lumapit naman ako sa tabi ng kapatid ko pagkatapos kong magpunas ng mga kamay.
"Uy Kev, gabi na ah?" sabi ko nang salubungin ko siya. "Bakit ka napadaan dito?" tanong ko pa pero bumaling lang siya kay Kuya Brent.
"Pwede bang hiramin ko muna si Addie, Kuya? Dito lang kami sa labas. May kailangan lang kaming pag-usapan," paalam ni Kevin at agad naman akong nagtaka.
Tungkol saan naman kaya ang pag-u-usapan namin?
"Gabi na, Kevin. Hindi ba pwedeng bukas na lang 'yan?" sabi naman ni Kuya Brent at mahina ko siyang siniko para makuha ang atensyon niya. "Depende pala kay Addie. If she's up for it, okay lang. Her choice," duktong niya.
"Okay lang naman sa akin, Kuya. Ten palang naman," sagot ko sa kanya at ngumiti pa ako kay Kevin. "Tara?"
"Baka naman lumayo pa kayo. D'yan na lang kayo, ha? Kevin, ingatan mo si Addie," bilin ni Kuya Brent at tumango na lang kaming dalawa ni Kevin.
"Ako'ng bahala, Kuya. Dito lang kami," paninigurado pa niya at lumabas na ako bago isinara ng kapatid ko ang gate ng bahay.
"So, this is what's keeping you busy these past few days?" tanong niya sa akin pagkatapos niya akong pasadahan ng tingin.
"Ang dungis kong tignan, 'no?" nakatawang tanong ko. My hair's up in a messy bun, puro pintura ang white shirt at ang lumang denim overall shorts na suot ko kaya alam ko kung gaano ako ka-unflattering tignan ngayon.
"Hindi naman," iling niya. "You're still beautiful," puri niya pa sa akin.
"Sus! Bola!" sabi ko naman at tumawa kaming dalawa bago ako nagtanong sa kanya. "Ano ba ang dapat nating pag-usapan at napadaan ka pa rito sa bahay? Hindi ka naman siguro pumunta para lang mambola?" dagdag ko at ngumiti lang siya bago niya ako inayang maupo sa sidewalk sa harap ng bahay namin.
"Do you mind?" tanong niya habang hawak niya ang canned beer na kinuha niya mula sa plastic na dala niya.
Umiling ako at inabutan niya pa ako ng bottled orange juice. Pareho naming binuksan ang mga hawak naming inumin habang naghihintay ako sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.