AXEL
"Bro, pwede kaya si Kai ngayon?" tanong ni Ethos sa akin. Sumandal siya sa bar counter habang abala siya sa pag-ta-type ng kung ano sa phone niya.
Hindi ko alam kung ano ang sadya ng pinsan ko at ang aga niyang nagpunta rito sa condo. Ginising lang ako ni Kuya Leon kanina bago siya umalis para sa trabaho dahil dumating nga itong si Ethos.
"Nasa Bulacan 'yon. Sa bahay namin," sagot ko. Ibinaba ko ang sarili kong bowl sa ibabaw ng dining table at iniabot ko naman sa kanya ang box ng cereal. "Bakit?" tanong ko pa.
"Enrollment kasi ni Addie ngayon," sagot niya habang nagsasalin siya ng sarili niyang cereal. Naupo siya sa dining table pagkatapos niyang kumuha ng kutsara at sinimulan na naming kumain. "Baka pwedeng sabay na lang sila ni Kailyn para may kasama siya?"
"Enrolled na si Kailyn, eh. 'Yong secretary ni Tito Mico ang nag-a-asikaso ng enrollment namin palagi," paliwanag ko. Tito Mico's the successor of my great grandfather as the president of Serendipity University—he's my dad's cousin. "If you want, I can ask his secretary to process Addie's papers for her. Para hindi na siya pumunta sa university."
"I already suggested her that. Sabi ko nga, ipapasuyo ko na lang sa'yo kaso ayaw naman niyang pumayag," sagot niya.
"Ba't hindi na lang ikaw ang sumama?" kunot-noong tanong ko.
"Marami akong aasikasuhin ngayon, bro. I will be handling the shipments for the photos, and I also have a meeting this afternoon," he explained. "Cathleen's on a vacation leave right now so I have no other choice but to do everything myself."
"I'll come with her," I volunteered.
"I'm not sure if that's a good idea, Axel. The last time that she and Zia were seen with Xscape, it became a total chaos. I don't want that to happen again," hesitant niyang sabi.
"Serendipity University's totally safe. That's one of the few places where we can roam around freely," I assured him. "She'll be fine. I'll take care of her."
"You sure? Hindi ka ba busy?" tanong niya at agad akong umiling.
I'm never busy for her.
"I don't mind," sagot ko na lang. "Mamayang hapon pa naman ang rehearsal at recording namin."
"Okay, I'll tell her that you'll accompany her," pagpayag niya. "Thank you for doing this, Axel. Hindi pa rin pala ako nakakapagpasalamat sa pagligtas mo kay Addie so thank you for doing that too."
"I'll do it for her anytime," wala sa sariling sagot ko.
"Huh?" kunot-noong imik niya at natauhan naman ako.
"I mean, I'll do it for my friends anytime..." pagtatama ko.
Tang ina, Axel. Para ka na namang tanga.
"Oh, I see. Maaasahan ka talaga, bro," tinapik niya ang balikat ko at tumango na lang ako. "Susunduin ko na lang si Addie mamaya 'pag tapos na siyang mag-enroll para maka-diretso ka na sa studio niyo."
"Pwede ko namang ihatid si Addie sa bahay nila. Malapit lang naman."
"I'll do it," he insisted.
"Okay," sagot ko na lang. "Anong oras ko susunduin si Addie sa bahay nila?"
"Paalis na 'yon sa kanila. Sabi niya, siya na lang mag-isa ang pupunta. Ayoko lang pumayag kaya sundan mo na lang," sabi naman niya.
"Sige. Maliligo na ako para mahabol ko siya. Lock mo na lang 'yong pinto 'pag aalis ka na," bilin ko bago inilagay sa sink ang pinagkainan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.